"Thanks for this." Napasulyap ako kay Ric. Naglalakad kami ngayon dito sa kahabaan ng Sierra Beach. Kababa lang namin ng bangka at hindi ko rin inaasahang aabutin kami ng hapon sa pag-a-island hopping. Mag-a-alas dos na ng hapon at ilang karatig-isla na rin ang nabisita namin. Dumiretso kami kaagad sa mga locals na nag-o-offer ng mga aktibidad katulad ng island hopping, snorkeling at iba pa. Mas pinili nga lang namin na bisitahin ang ibang isla at kuhanan ng larawan ang iba't-ibang ganda ng mga iyon at ang mga yamang-tubig na mayroon ang bawat isla. "Thanks for what?" tanong ko. Inilahad n'ya ang magkabilang kamay. "For giving me the chance to see this kind of beauty." Humagikhik ako. "Nakalimutan mo na bang kulang na lang ay bumaba ka sa sasakyan ko para lang bumalik sa siyudad?