Kabanata Kwatro: Agam-Agam Sa Katotohanan

1251 Words
Ledesma Mansion Circa 1956 Solomon’s Point of View “Malalim yata ang iyong iniisip, mahal ko? Si Sergio ba?” nasa isang maliit na tulay kaming may maliit na ilog na nagdudugtong sa gazebo at sa daanan patungong mansiyon nang mga oras na iyon. Malalim na nag-iisip. Nilingon ko siya at sinagot ang kaniyang katanungan. “Wala naman. At hindi naman tungkol ang lahat kay Sergio, mahal ko,” sagot ko sa kaniya. May parte sa aking isipan na gusto kong pagtakpan ang tungkol kay Sergio dahil ayokong usigin siya ng ibang tao. At ayoko ring malaman ng iba ang tungkol sa kaniyang tunay na kasarian. “But, your eyes says something else, Solomon. Mayroon ba akong hindi dapat malaman sa inyong napag-usapan kanina?” muling tanong nito sa akin. Ngumiti na lamang ako at niyakap siya nang mahigpit upang alisin ang mga agam-agam nito sa kaniyang isipan. “Wala kaming mahalagang pinag-usapan o bagay na itatago sa iyo, mahal ko. Naikuwento lamang niya ang tungkol sa pinagdaanan niya sa Hawaii. Hindi ko nga naikuwento sa iyo na sampung taon kami noon nang maghiwalay ang aming landas. Huli ka na lamang nalaman na nasa Hawaii siya at sa utos mismo ng kaniyang amang si tiyo Teodoro. Kaya mula noon ay wala na akong balita sa kaniya. Siya lang naman ang itinuturing kong malapit kong kaibigan at pamilya, mahal ko. Kaya, tanggalin mo na lamang sa iyong isipan ang anumang iniisip mong iyan. Okay?” Pagkatapos sabihin iyon ay paulit-ulit kong hinalikan ang kaniyang labi hanggang sa ang mga smack at peek na paghahalik ko sa kaniya naging mapusok na. Mabuti na lamang at siya ang unang umiwas para pigilang mapunta sa kung saan pa ang aming paghahalikan nang mga oras na iyon. “Paumanhin, Solomon. Alam kong nalalaman mong mali ang ginawa nating dalawa kanina lamang. Ayaw na ayaw pa naman ng aking magulang na ako ay mahalikan hanggang hindi pa tayo kasal,” aniya na muntik ko nang makalimutan. “I’m sorry, Delilah. Nadala lamang ako ng aking damdamin. Hindi ko kasi maiwasang hindi halikan ang iyong napakasarap na labi. Lasang menthol pa. O baka masyado lang talaga akong nananabik na maging akin ka, kahit hindi pa tayo kasal na dalawa. Muli ay paumanhin,” paghihingi ko ng sorry at niyakap siya mula sa kaniyang likuran at hinalikan na lamang sa kaniyang pisngi. “Don’t worry, Solomon. Hindi naman ako nagagalit at saka may kasalanan din ako dahil nadala rin ako sa iyong masuyong paghalik sa aking labi. Ang mabuti pa ay pumaroon na muna ako sa loob at maghahanda ng ating pananghalian. Sayang nga lang at hindi na nanatili pa si Sergio upang samahan tayong kumain,” sagot na lamang niya at ako naman ay tumango na lamang at hinalikan siya sa labi’t bumitaw na rin sa aking pagkakahawak. Nag-flying kiss pa ito sa akin at naglakad na patungong entrada ng mansiyon. Pagkaalis na pagkaalis niya ay naiwan akong mag-isa saka naglakad pabalik sa gazebo upang magliwaliw at mag-isip-isip ng tungkol sa aking pinsang si Sergio. Makailang beses pa akong napabuga nang malalalim na buntong-hininga sa harapan ng maliit na lawang aking natatanaw sa loob ng aming mansiyon. Napapaisip tuloy ako na mas masuwerte pa rin pala si Sergio dahil kahit paano ay nakalabas siya mula sa pagkakakulong sa poder ng kaniyang magulang. Ngunit, masaklap naman ang kaniyang sinapit sa Hawaii. Bagay na hindi pa rin maalis sa aking isipan na magalit kay tiyo Teodoro. “Paano kung matulad kay tiyo Isidro at tiyo Julio ang sinapit ni Sergio? Paano ko siya matutulungan sa ganoong sitwasyon?” Makailang beses ko ring tinanong iyon sa aking isipan. Ngunit, hindi ko rin alam kung paano siya matutulungan. Ang naiisip ko na lamang na gawin ay itago ang aking nalalaman tungkol sa kaniya hanggang sa abot ng aking makakaya. “Sinong pinsan ang tinutukoy mo, Solomon?” nabigla ako nang marinig ang katanungang iyon at napalingon pa ako para batiin ito. “Mama, ikaw pala. Ano po ang sadya natin?” nakangiti kong bati sa kaniya at hinalikan agad ito sa pisngi saka inalalayan na maupo sa silya. “Maupo po muna kayo, Mama? Bakit kayo lamang po ang mag-isang narito? Nasaan si Papa?” Matamis ang mga ngiting ipinakita sa akin ng aking ina hanggang sa maupo ito. Tumabi na rin ako sa kalapit na silya at umupo roon at agad na niyakap siya nang mahigpit. “Narinig kong nakabalik na ng Pilipinas si Sergio. Totoo ba, anak?” tanong niyang muli sa akin. “Yes, Mama. Narito po siya kanina at nagmamadaling umalis nang makita si Delilah,” mabilis kong sagot sa kaniya. “Ganoon ba? Ano naman kaya ang dahilan bakit umalis iyon nang hindi man lamang ako binabati o binibisita? Baka ikaw siguro ang may kasalanan? Solomon, umamin ka. Anong ginawa mo ha?” pansing kong nagkunwari itong magalit sa akin at pinapagalitan ako. Kilala ko na ang aking ina at alam ko kung galit ito o nagkukunwari lamang. “Mama, hindi po ako nagsisinungaling. Hindi ko rin po alam ang tunay na dahilan pero naikuwento po niya sa akin ang kaniyang pinagdaanan sa Hawaii. At nakakalungkot pong malaman na may kinalaman na naman si tiyo Teodoro sa kaniyang naging karanasan doon, Mama,” pinilit kong magkuwento dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko si Mama sa lahat ng bagay. Buhat nang mangyari ang trahedya sa loob mismo ng aming mansiyon ay hindi niya kami iniwan ng aking ama. Lagi siyang nakabantay sa akin at tinutulungan sa lahat ng bagay hanggang sa maging handa nga ako noong maging bagong tagapangasiwa ng ibang mga importateng negosyo ng aking pamilya. “May dapat ba akong hindi malaman sa mga napag-usapan o naikuwento sa iyo ni Sergio tungkol sa kaniyang pakikipagsapalaran at karanasan sa Hawaii, Solomon?” nakangiting tanong niya ulit sa akin. Na kahit na marami na ang mga puting buhok sa kaniyang ulo ay makikita mo pa rin ang kaniyang kagandahan sa mukha. Bagay na alam kong pinagmanahan kong pareho sa kanilang dalawa ng aking ama. Bigla tuloy akong napaisip kung sasabhin ko ba sa kaniya ang tungkol kay Sergio. “Mama, hindi po ba ninyo huhusgahan si Sergio kapag nalaman mo ang tungkol sa kaniya?” diretsahang tanong ko sa kaniya. Kahit alam kong hindi judgmental ang aking mama ay gusto ko lamang na siguruhin. “May kinalaman ba ito sa nangyari sa tiyo Isidro mo at tiyo Julio noon, anak? Kung ang kasarian nila ang tinutukoy mo, sa tanda kong ito, bakit ko huhusgahan ang isang taong magkakagusto sa kaparehong kasarian? Liban na lamang kung...” sagot niya at alam ko kung ano ang iniisip niya, kaya agad ko siyang sinagot. “Ma, hindi po ako ang topic dito kung hindi si Sergio. Kung anuman po iyang iniisip mo, hindi po ako ganoon. Handa ka na po bang malaman ang tungkol kay Sergio?” ibinalik ko ang topic na aming pinag-uusapan. “Kahit ano pa iyan, anak. Kahit tungkol pa sa iyo iyan, hindi ko kayo huhusgahan,” matipid na sagot niya at hinawakan pa ang aking kamay upang ipadama sa akin na okay lang na malaman niya. “Ma, sinabi po sa akin ni Sergio kanina na isa siyang binabae o bayugin at may kinalaman ang pagiging ganoon niya sa kaniyang amang si tiyo Teodoro.” ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD