Kabanata Singko: Opinyon Sa Pagtanggap

1246 Words
Ledesma Mansion Circa 1956 Solomon’s Point of View “Hindi ka ba nagsisinungaling o gawa-gawa lamang ang iyong mga nasabi, anak?” pagkukumpirma sa akin ni Mama. “Ma, hindi po ako nagsisinungaling. Nasabi ko na po ang dapat kong sabihin. Naikuwento ko na rin po ang dapat ninyong marinig. At nasagot ko na rin naman po ang katanungang gusto ninyong makuha mula sa akin,” malungkot kong sabi na lamang at laylay ang balikat na napabuga na lamang nang malalalim na buntong-hininga. “Anak, nagbibiro lamang ako. Ano naman ang magagawa ng kwarenta y anyos nang tulad ko. Lumilipas ang panahon. Tumatanda ang mga katulad namin ng ama mo. Kayo namang mga kabataan ay nagsisimula pa lamang sa inyong paglalakbay. Ngunit hindi ibig sabihin na sa paglalakbay ninyong iyon ay wala kami. Wala akong reklamo o masakit na salitang ipapataw kay Sergio, Solomon. Anuman ang gusto niyang mangyari sa buhay niya ay hindi ko siya pipigilan. Bagkus ay susuportahan ko pa siya kung iyon ang ikaliligaya niya. Ayaw ko lamang na mangyari rin sa kaniya ang sinapit ng iyong tiyo Isidro na nagmahal lamang sa kaniyang tapat na aliping si Julio.” Pansamantalang katahimikan ang namayani sa pagitan namin ng aking ina. Ibinaling niya ang tingin sa nakikita ng kaniyang mga matang lawa sa paligid ng gazebo at pasulyap na ngumiti pa sa akin. Sumilay na rin ang mga ngiti sa aking labi at tumayo sa aking kinauupuan para yakapin ang aking Mama. “What happened, Solomon? May nasabi ba akong mali? May problema ba?” gulat niyang tanong sa akin. Napailing naman ako saka mangiyak-ngiyak na nagsalita. “Ang suwerte ko talaga sa inyo, Ma. Sana ganoon rin ako sa Papa,” sabi ko na lamang na ang tinutukoy ko ay ang mabawasan sana ang pagiging istrikto at mainitin ang ulo ng aking Papa. “Solomon, anak,” bumitaw ako sa pagkakayakap at pinaharap niya ako sa kaniya. Muli akong umupo sa upuan at hinila pa iyon malapit sa kaniya. “Intindihin mo ang iyong ama. He only wants the best for you. Kung ako man sa kalagayan niya ay hindi ko rin hahayaan na may sumira sa iyo maabot lamang ang minimithing tagumpay na mayroon ka ngayon. Kung ang inaalala mo ay si Sergio na baka hindi siya tanggap ng iyong ama, huwag mo nang alalahanin pa iyon. Ako na ang bahala sa kaniya.” “Salamat, Ma. Pero may nais lamang po akong malaman mula sa iyo. Huwag po sana kayong magagalit ha?” naging seryoso ang aking mukha habang tinitigan siya sa kaniyang mga mata. Namana ko nga ang napakagandang mata ko mula sa kaniya. Hindi ko ikakaila iyon dahil ako mismo ang nakakakita sa malapitan. Kulay abuhin at very expressive pa. Just like her. “Huwag mong sabihin na isa ka ring...” hindi niya tinuloy ang sasabihin niya dahil alam ko ang karugtong ng mga salitang kaniyang bibitiwan. Napangiti na lamang ako at napailing sa kaniyang harapan. “Hindi, Ma. Straight ako. Saka malapit na akong ikasal kay Delilah. You know, my fiancee, right?” sabi ko sabay halik sa kaniyang kamay. “I know her of course and she’s a good girl. Maasahan din. Magaling pang magluto at maasikaso. Pero balik tayo sa iyo, ano ba ang nais mong malaman at bakit kailangang hindi ako magagalit?” komento niya tungkol sa aking fiancee. Ibinalik na rin niya ang tanong na gusto niyang marinig mula sa akin. “What if one day, you found out that Sergio and I are the same? Na isa rin pala akong bayugin? Itatakwil mo ba ako o tatanggapin din kagaya ng sagot mo kanina about Sergio, Ma?” diretsahan ko ng tanong sa kaniya. Nakatitig ang aking mga mata sa kaniya at inaarok ang lalim ng kaniyang isipan nang mga oras na iyon. Ilang minuto rin kaming nagtitigan ng aking ina habang nakangiti nang bigla na lamang kaming nakarinig ng boses mula sa aming likuran. “What did you say, Solomon?” boses ng aking Papa na si Alejandro. Tumayo ako at sinalubong siya saka inalalayan na lumapit sa amin ni Mama. Nang makaupo ito sa unahang bahagi ng silya ay palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Mama. “Can you explain what I just heard? Matanda na ako pero hindi pa ako bingi, Solomon, Leonora?” Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko dapat na sagutin ang tanong ng aking amang si Alejandro. Nakikita ko na naman kasi ang mga guhit sa noo nitong nagsasalpukan. And I must say, it’s not good kung susugurin siya sa laban na walang handang bala na dala pang-depensa. “Alejandro, baka nagkakamali ka lamang ng iyong narinig. Napag-usapan lang namin ni---” natigil ang pagsasalita ng aking Mama nang salungatin at pagtaasan kami ng boses ni Papa. “Tonta! Hindi ako bingi, Leonora. Solomon, umamin ka sa akin ngayon din. Katulad ka rin ba ng iyong tiyo Isidro?” nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa akin habang ang aking Mama naman ay hindi agad nakapagsalita. “Papa, huminahon po kayo. Nagtanong lamang po ako kay Mama na kung sakaling maging tulad nga ako ni tiyo Isidro ay matatanggap ba ninyo?” straight to the point na rin ako at hindi ko na muna sasabihin kay Papa na straight naman ako at ang tungkol kay Sergio. Napatitig na lamang ako kay Mama na nakahawak sa aking mga kamay. Ramdam namin pareho ni Mama ang tensyon sa mga palipat-lipat na titig ng aking Papa. Hindi namin alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng pag-uusap namin dahil bigla na lamang kasi siyang sumulpot sa aming likuran. Habang hinihintay namin ang kaniyang kasagutan ay pinagmamasdan ko siya sa malapitan. Mestizo, awtorisado ang datingan, may matangos na ilong, na hindi katataka-takang pareho kong naman sa kanilang dalawa ni Mama. Mas marami na rin ang mga puting buhok nito kaysa sa mga itim, tanda na tumatanda na nga sila pero hindi napaghahalataan dahil ang mga mukha ay batang-bata pa. “Bueno,” unang sambit niya ng salita saka nagpakawala ng buntong-hininga. Unti-unti na ring humupa ang mga guhit sa noo niya at kami naman ng aking Mama ay pigil ang hiningang naghihintay ng susunod niyang sasabihin sa harapan naming dalawa. “Ang nakaraan ay nakaraan at hindi na natin maibabalik pa. Tanggap kita, Solomon kahit ano ka pa o kung magiging ano ka sa kasalukuyan. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit nagpakamatay si Isidro at ang mga salitang sinumpa ni Julio nang araw na iyon ang naging daan upang buksan ko ang aking isipan sa ganoong bagay. May parte sa aking isipan na hindi ko matatanggap kung maging ganoon ka nga, Solomon, ngunit hindi kita pipigilan sa kung anong kasarian ang gusto mong mahalin o ibigin. Ang maipapayo ko lamang ay mag-ingat ka at kung maaari ay itago na lamang nating tatlo ang tungkol dito at siguruhing huwag na itong pag-usapan pa sa kahit na anong okasyon pa. Maliwanag ba, Solomon?” Nakahinga kaming pareho nang maluwag ni Mama sa mga salitang binitiwan ng aking ama at nang bumitaw si Mama para yakapin si Papa ay nagsalita naman ako saka pareho silang nilapitan at niyakap. “Maraming salamat, Papa. Huwag po kayong mag-alala, straight po ako at kay Delilah lamang iikot ang aking mundo.” ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD