Kabanata Tres: Makalipas Ang Labinglimang Taon

1107 Words
Ledesma Mansion Circa 1956 Unknown Point of View “Bakit ka umuwi ha, Sergio?” malupit na bungad ko sa aking pinsan Get up na get up pa ito. “Akala ko ba doon ka na mamamalagi sa Hawaii? Hindi ba doon ang gusto mo?” “Naku, insan. Kararating ko lang. May jetlag pa ako. Saka, binoto ko si Presidente Ramon Magsaysay ano. Kahit na naroon ako sa Hawaii ay siya ang gusto kong maging presidente. Saka, kaya ako umuwi rito ay hindi dahil sa iniisip mo. Na-miss kita, siyempre. Pa-kiss nga,” sagot nito at nagbiro pang hahalikan ako sa pisngi. Ugali na talaga niya iyon buhat nang maging malapit kami sa isa’t isa sa nakalipas na labinlimang taon. Pero saglit lang iyon. Hindi nga umabot ng isang linggo ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. “Nakakadiri ka, Sergio. Huwag kang ganiyan. Hindi tayo talo. Alam mo iyan,” diring-diri ko pang sabi sa kaniya. Bigla tuloy itong napasimangot pagkatapos ng mga sinabi ko. Umalis ito sa harapan ko at nagtungo sa gazebo. Bigla naman akong na-guilty sa pinsan kong madamdamin. Hindi naman siya dating ganoon e. Nag-Hawaii lang e biglang naging moody. Ano kayang nangyari sa kaniya sa Hawaii? Sinundan ko na lamang siya hanggang sa marating ko ang gazebo. Nasa harapan siya ng isang maliit na lawa nakatayo. Sa kaliwang bahagi niya ako tumabi. “Sorry sa aking inasal. Nagbibiro lang ako, Sergio,” sabi ko at sabay tapik nang mahina sa kaniyang balikat. “Pagkatapos kasi ng nangyari kay tiyo Isidro at tiyo Julio ay hindi na tayo nagkita. Huling balita ko na lamang na sa Hawaii ka na talaga nag-aral at lumaki. Inglesero ka na ba ha?” Tahimik lang siya at hindi ako sinagot. Hindi ko na rin tinuloy na tapikin pa siya sa kaniyang braso. Ilang minuto ring katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa nang marinig ko siyang nagsalita. “Tama ka. Ang dating ako ay nagbago nang dalhin ako ni Dad sa Hawaii. Pero wala akong magawa noon nang pilitin niya akong umalis ng b ansa. Ang dating iresponsable at pasaway noon ay nag-iba ang pananaw nang iwan na lamang akong mag-isa ng aking ama at ina doon,” pagkukuwento niya na ikinagulat ko. “Anong ibig mong sabihing iniwan ka lang doon nang mag-isa? Ng iyong magulang pa?” pigil ang aking inis at nakaramdam agad ako ng galit kay tiyo Teodoro nang marinig iyon mula sa kaniya. “Anong nangyari sa iyo sa Hawaii, Sergio?” Humarap ito sa akin at ngumiti saka naglakad upang umupo sa sentrong bahagi ng gazebo kung saan naroon ang mesang laan lagi sa mga miting de abanse ng aking papa. Ang huling opo ko doon ay noong ipasa na sa akin ni papa Alejandro ang responsibilidad ng business niya sa akin. Pero never naman niya pinakialaman ang ibinigay niyang responsibilidad kina tiyo Teodoro, tiyo Hermano at tiya Matilde. “Oh, anong ginagawa mo riyan? Bakit nakatayo ka pa riyan. Umupo ka rito sa harapan ko at ikukuwento ko sa iyo,” utos niya at tawag sa akin. Napailing pa ako at ngumiti nang bahagya saka naglakad para umupo. “Oh, tuloy mo ang kuwento mo. Siguruhin mo lang na kapani-paniwala iyan ha? Alam mong kaya kitang pa-imbestigahan,” sabi ko agad sa kaniya nang makaupo. Sa tabi lang niya ako umupo. Sa gilid lang din naman siya. Pagkatapos maging astig ang mukha kanina at utusan akong umupo sa tabi niya, biglang shift nito sa pagiging isang batang napagalitan. Tahimik lang ako. Hindi ko siya sinasalungat o pinapatigil para magkomento. Napapakuyom na lamang ako ng aking kamao habang pinapakinggan ang kaniyang kuwento. Iniwan siya sa isang matandang caretaker nila sa bahay nila sa Hawaii at wala siyang ibang inatupag noon kung hindi ang maging pasaway sa kaniyang mayordoma. “No’ng mawala siya, I was already 18 years old that time. Doon ko na lang na-realize ang mga mali ko. Na mali ang maging bully. Na mali ang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Na ma-involve sa mga hindi kanaisa-nais na pakikipagtalik sa iba’t ibang uri ng tao,” hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintind ko sa sinabi niya pero may kailangan akong kumpirmahin kay Sergio. Nakakagulat ang mga isiniwalat niya pero ang huli ang hindi ko masyadong naintindihan. “Ano ang ibig mong sabihin ng iyong mga tinuran, Sergio? Nakipagtalik ka sa ibang tao? Ang ibig mong sabihin ay...”tanong ko. Napatingin pa ko sa paligid upang tingnan kung may nakikinig sa amin. Nakahinga naman ako nang maluwag nang masigurong dalawa lamang kaming nag-uusap sa gazebo nang mga oras na iyon. “I was molested when I was 13 at hindi alam iyon ng mayordomang nakabantay sa akin. It was more like a gang, you know. And I was total stricken then traumatized. No one was there to comfort me. I was devastated and wanted to die, but I realized na mali siya. Then, after that incident, at the age of 15, alam ko na ang preference ko,” makapigil-hininga pa ang kaniyang mga sinasabi. Ako naman ay parang mahigpit na nakakapit sa aking upuan. Naghihintay ako ng susunod niyang sasabihin. “Na lalaki ang gusto ko,” diretsahang sagot niya. Napako ako sa aking kinauupuan at hindi agad magsalita. Kahit na inasahan ko na ang sagot mula sa kaniya. Napasandal ako sa upuan ko at parang nawalan ng lakas sa huling sinabi ni Sergio. Segundo hanggang minuto ang lumipas bago ako nakabuwelo. Magtatanong pa sana ako nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan ng isang boses na kilala at pamilyar na pamilyar ako. “Solomon! Nandito ka lang pala,” si Delilah ang naglalakad palapit sa gazebo. Mabilis akong tumayo para salubungin siya at halikan sa labi. “Did I disturb you with...” “Oh, si Sergio. Ang pinsan kong kararating lang mula sa Hawaii. Sergio, this is Delilah. My fiancee. Delilah, meet my cousin, Sergio,” agad kong ipinakilala kay Sergio ang aking mapapangasawang si Delilah. Tumayo ito at blangko ang ekspresyon ng mukha nang humarap sa akin. Mabilis naman niyang inabot ang handshake ni Delilah at hinalikan ang kamay nito. Nagbago na yata talaga itong si Sergio dahil magalang siya sa aking mapapangasawang si Delilah. Pansamantala kong nakalimutan ang aming napag-usapan pero sa likod ng aking utak ay naroon ang pag-alala lalo pa at ang ama nito ay walang iba kung hindi si tiyo Teodoro na galit sa isang binabae. ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD