Kabanata Sais: Mga Sugat Ng Nakaraan

1135 Words
Ledesma Mansion Circa 1956 Solomon's Point of View Halos isang linggo na rin ang nakalipas buhat nang pag-uusap namin ng aking amang si Alejandro at ng aking inang si Leonora. Sa mga sumunod pang mga araw ay napapadalas na rin ang pagpunta ni Sergio sa aming mansiyon. Lagi itong naroon at lagi akong inaasar kapag wala si Delilah. Kung naroon naman si Delilah ay agad itong umiiwas upang bigyan kaming dalawa nang puwang sa isa't isa na mag-usap at gawin ang mga ginagawa ng mga magsing-irog. "Magandang umaga, pinsan!" pasigaw niyang bati sa akin nang makita ako sa isang maliit na lawa. "Sa lawak ng inyong mansiyon ay dito lang pala kita mahahanap, Solomon." Napailing na lamang ako na tila hindi natutuwa sa kaniyang pagbisita. Ang gusto ko lang naman ay magpahinga pansamantala. Ngunit, heto ako ngayon ay kailangang maging madaldal sa harapan ng aking pinsan. Nang makalapit ito ay agad akong niyakap sa likuran at hinalikan sa pisngi nang ilang beses. Na aking ikinagulat at mabilis na inilayo ang aking sarili sa kaniya. "What are you doing, Sergio?" takang-tanong. Bigla pa akong napa-Ingles sa harapan niya. Nagmamadali pa akong tumayo at nagpapagpag sa harapan niya. "Why? What's wrong? Na-miss kita. Masama na ba na yakapin ka o halikan ka sa iyong pisngi? Mag-pinsan tayo, hindi ba?" seryoso ang mukha nito. Ang mga guhit sa kaniyang noo ay litaw na litaw pa habang tinatanong ang mga iyon sa akin. Ako naman ngayon ang natulala sa kaniyang mga sinabi. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang aking inasal sa kaniyang harapan. Nagulat ako at hindi ko itatanggi iyon, kaya maging ang aking isipan ay nagtatanong kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya nang gawin niya iyon sa akin. "Dahil ba sa nalaman mo na isa akong bayugin, kaya inilalayo mo ang sarili mo sa akin, Solomon?" muling tanong niya sa akin. Naghahanap pa rin ito ng kasagutan sa mga tanong na ibinato niya kani-kanina lamang. Dahil wala akong ibang maidadahilan ay kusa na lamang nagkaroon ng sariling isip ang aking mga kamay at nilapitan ko siya. Niyakap ko ito nang mahigpit at hinalikan rin sa pisngi saka humingi ng paumanhin. "I'm sorry. Nagulat lang ako, Sergio. Walang ibig sabihin ang mga nasabi mo. Huwag mo rin sanang iisipin na ikinakahiya ko ang iyong kasarian. Tanggap kita kahit ano ka pa. Magpinsan tayo, hindi ba?" Binatukan ko agad ito sa ulo. Mahina lamang iyon pero sapat na para iparating sa kaniya na hindi ko siya kinamumuhian o kung ano man ang naiisip niya o tumatakbo sa kaniyang isipan. Kumalas na rin ako sa pagkakayakap sa kaniya nang mga oras na iyon at tiningnan nang maigi. Mata sa mata. "Gusto mong maligo?" pag-iiba ko agad ng sasabihin. Nakangiti pa ako sa kaniya nang mga oras na iyon at nang mapansin ang pagsilay ng kaniyang mga ngiti ay kaagad itong sumagot. "Oo ba. Gaano ba kalalim ang kaya mong sisirin, pinsan?" sagot nito nang nakangiti na rin sa akin. Nakahinga na rin ako nang maluwag kaya, sinigurado kong hindi na siya maiilang pa. "Aba, hinahamon mo ba ako, Sergio Ledesma?" taas-noo kong tanong sa kaniya. "Gusto mo bang magpaligsahan tayo rito sa lawa?" "Bakit hindi? Hindi mo na dapat sabihin ang mga katagang iyan dahil sinasabi ko sa iyo na ngayon pa lamang ay matatalo kita. Mananalo ako, Solomon!" bumalik na ang pagiging mayabang nito at naramdam ako ng kapayapaan dahil doon. Magsasalita pa lamang ako nang makita kong isa-isa na niyang tinatanggal ang kaniyang kasuotan at sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos ng halos labinlimang taong wala akong balita sa kaniya ay nakita ko ang kagandahan ng hubog ng katawan ni Sergio. Ngunit, hindi ang kakasigan niya ang una kong napansin kong hindi ang mga marka ng sugat na sa tingin ko ay may kinalaman sa nangyari sa kaniya sa Hawaii. Lumapit ako sa kaniya nang hindi niya namamalayan at nang mahubad ang pang-itaas ay agad ko siyang tinanong. "Mga sugat ba iyang gumaling na, Sergio?" tanong ko at kusang gumalaw ang aking kanang kamay para haplusin ang mga tinahing mga sugat nito na malapit sa kaniyang dibdib. Marami-raming mga marka ang nakikita ko. May mga marka rin ng hiwa ang kaniyang braso, ang leeg, at ang sa tagiliran niyang halatang napakalaki ng tahi. Doon ay basta na lamang pumatak ang aking mga luha habang tinatanong siya. "Anong nangyari sa tagiliran mo at bakit napakalaki ng tahi nito? Ilang taon na ito, Sergio?" maluha-luha kong tanong. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak nang mga oras na iyon pero isa lang ang naiisip kong dahilan. Naawawa ako na na naiinis. "A, ito? Wala ito, Solomon. Isang tao lang naman ang gumawa nito sa akin. Ang ibang mga sugat gaya ng hiwa at iba pang tahi lalo na sa aking likuran ay kuha noong nakikipaglaban ako sa mga bullies noon. Ayun may mga hawak na armas, kaya ayan nangyari. Nagkasugat-sugat," sagot niya at napapakamot pa sa kaniyang ulo. Tila nahihiyang magkuwento pero hindi roon ang sagot na aking gustong marinig mula sa kaniya. "Sino ang sinasabi mong may gawa sa tagiliran mo? Ilang taon ka niyan, Sergio?" hindi ko siya tinantanan hanggang hindi ko marinig mula sa kaniya kung sino ang gumawa niyon sa kaniya. "Sus, para kang bata, Solomon. Hindi mo na dapat---" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil bigla kong hinawakan ang kaniyang pisngi at matalim na tinitigan. "Uulitin ko ang tanong ko, Sergio Ledesma. Sino ang gumawa sa iyo niyan ha? Sumagot ka!" Napataas na ang aking boses sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang aking nararamdaman nang mga oras na iyon. "Si..." matatalim ang mga ipinupukol ko sa kaniya at hindi puwedeng hindi niya sagutin ang aking katanungan. "Si Dad." "Si--- sigurado ka ba sa mga sinabi mo?" pagkukumpirma ko. "Bakit naman ako magsisinungaling, Solomon? Ginawa niya ito sa akin no'ng labinlimang taong gulang pa lamang ako sa Hawaii. Hindi man literal na siya ang sumaksak sa akin kun'di ang inutusan niya, wala pa ring pinagkaiba iyon. How did I end up knowing na siya ang gumawa niyon? Na gusto niya akong patayin, sinabi niya akin sa telepono." Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang mga tainga ko at napapakuyom ng mahigpit ang mga kamao ko nang marinig iyon. Alam kong may iba pang detalyeng nais na sabihin si Sergio pero hindi ko na ito pinayagan pang ituloy dahil bigla ko na lamang siyang iniwan at nilalakihan ang paghakbang na makaalis sa lawa na iyon. May gusto akong puntahan at konprontahin. "Wait. Solomon? Huwag mong sabihing---" "Hayaan mo na ako sa gagawin ko, Sergio. May tuturuan lang ako ng leksyon." ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD