Ledesma Mansion
Circa 1956
Solomon's Point of View
"Solomon! Solomon!" malalakas ang mga sigaw na iyon ni Sergio sa aking likuran. Bagama't naririnig ko ang kaniyang pagtawag ay hindi ako lumilingon. Umiibwal ang galit ko sa mga oras na ito at hindi ko mapapalagpas ang ginawa ni tiyo Teodoro sa aking pinsan.
Nang mahawakan ni Sergio ang aking balikat ay tinanggal ko iyon. Winakli at hindi ko hahayaan na pigilan niya ako. Alam ko kasing ngayong araw ang pagbisita ni tiyo sa aking amang Alejandro. May pag-uusapan daw sila at ang sabi pa ng aking ama ay kailangang naroon ako para alam ko ang bawat diskusyon nilang dalawa tungkol sa negosyo. Lalo pa at ako lang naman ang nangangasiwa na ng mga negosyo ng aming pamilya.
"Tumigil ka nga muna sa saglit, pinsan," nasa harapan ko na si Sergio at sinusuot ang damit. Ako naman ay nagpapatintero na dahil malapit nang sumabog ang galit ko sa ginawa ni tiyo sa kaniya.
"I'm sorry, Sergio pero hindi ko mapapalampas ang ginawa sa iyo ng iyong ama kahit pa kapatid siya ni Papa," bahagyang sabi kahit ang totoo ay ayaw ko muna siyang kausapin pa.
"Kahit na nasa mahigit kwarenta na ang edad niya ay papatulan mo pa rin? Paano kung magalit sa iyo ang tiyo Alejandro?" protesta niya habang naglalakad ng paatras at ako naman ay sinasalubong siya.
"Wala akong pakialam, Sergio. Ang nagkasala ay dapat na parusahan," pakli ko at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.
"Sandali nga kasi, Solomon. Makinig ka nga muna sa akin. Puwede?" pagpipigil nito sa akin at hinawakan pa ang aking braso. Pansamantalang natigil ang aking paglalakad at pinanlisikan ang mata niya saka bumitaw sa pagkakahawak sa akin.
"Fine, is it about my scars? My wound?"
"Exactly, Sergio. Do you think I will let him go doing that thing to you? Anak ka niya at hindi ka dapat sinasaktan ng ganiyan," may isasagot at isasagot talaga ako anuman ang protesta niya. "And besides, hindi naman ako gagawa ng eskandalo sa harapan nang marami kagaya ng ginawa ng iyong ama sa ating tiyo Isidro. I have a meeting with him too, today, Sergio."
"Fine. Fine. Hindi na kita pipigilan pero anuman ang mangyari mamaya ay labas ako diyan ha? Marami ka pang hindi alam sa aking ama. Kaya ngayon pa lamang ay binabalaan na kitang huwag mo nang ituloy ang anumang galit diyan sa puso mo dahil lamang sa aking mga sugat, Solomon. And besides, knowing you, alam kong hindi mo gagawin ang isang bagay na ikagagalit din ng iyong ama."
Alam ko ang ibig niyang sabihin pero may parte pa rin sa aking isipan na may bago na naman siyang nasabing detalye tungkol sa kaniyang ama. Bagay na siguro ay mamaya ko malalaman.
"Tapos ka na sa gusto mong sabihin, Sergio?" tanong ko nang nakatitig sa kaniya.
"Ang cute mo pala kapag galit," hindi ko inasahan ang mga salitang iyon mula sa kaniya. "Relaks. Sasamahan naman kita. Para may sasalo sa iyo kung sakaling saktan ka ng aking ama. Ganiyan kita kamahal, Solomon."
Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ang mga narinig kong sinabi niya pero parang may laman. Ngunit, hindi iyon ang dapat kong pagtuunan nang pansin dahil alam kong nasa loob na ng mansiyon si tiyo at hinihintay na rin ako ng aking papa at mama. Iwinaksi ko na lamang sa aking isipa ng mga sinabi ni Sergio nang akbayan niya ako't sabay kaming naglakad pabalik ng mansiyon.
"Pagkatapos ng meeting ninyo mamaya ay kailangan nating maligo, kaya dapat ay samahan mo ako sakay ng aking Porsche 356 1956 na car. Maliwanag ba?"
Hindi ako nakatingin sa kaniya dahil nakaakbay pa rin ito sa akin, kaya hindi ko nakikita ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Bahagyang pagtango na lamang ang ginawa ko at kahit paano ay kumakalma ang aking isipan habang binabagtas ang daan pabalik sa loob ng mansiyon.
"Senyorito, Solomon!" boses ni manang Cleopatra ang narinig ko at sabay pa kami ni Sergio na napatingin sa kaniya nang malapit na kami sa entrada ng mansiyon.
"Magandang araw po sa inyo, senyorito Sergio. Hindi po kayo nagsabi na darating kayo."
"Hindi pa rin po nagbago ang inyong kagandahan, manang Cleopatra," pagbibiro nito saka bumitaw sa pagkakaakbay sa akin at niyakap ang manang Cleopatra. Napangiti naman ako sa nakikita ko nang mga oras na iyon.
"Naku, senyorito. Ang tagal kitang hindi nakita sa mansiyon na ito tapos bobolahin mo pa ako ha? Parang noong mga bata pa kayo. Katulad pa kayo ng senyorito Solomon," nagbiro rin si manang Cleopatra sa harapan ko at ako naman ay imbes na ngumiti pa ay tumikhim na lamang ako.
"Ahem. Manang, nariyan na po si tiyo Teodoro?" tanong ko at ibinaling nito ang tingin sa akin habang si Sergio naman ay hindi pa rin bumitaw sa pagkakayakap.
"Kanina pa, iho. Ikaw na lamang ang hinihintay. Naroon din sa loob ang tiyo Hermano mo at kanina ka pa hinahanap ng iyong mama at papa," nakangiting sagot nito at tumango naman ako't sinagot siya.
"Papasok na po kami sa loob, manang. Salamat po sa pagbabalita," sagot ko na lamang at nauna nang maglakad.
"Paalam na rin po muna, manang Cleopatra. Sasamahan ko po ang pinsan ko sa loob kasi naroon ang aking ama. Miss ko na po ang luto ninyo," dinig kong paalam ni Sergio kay manang Cleopatra.
"Hihintayin ko ang araw na iyon, senyorito," magalang na sagot na lamang ni manang Cleopatra. Hindi ko na rin nilingon siya at tuloy-tuloy na rin ako sa paglalakad hanggang makapasok sa loob. Nakasunod na rin sa likuran ko si Sergio.
Patungo na ako sa malawak na living room at agad na binuksan ang pintuan nang sabay-sabay silang lumingon sa aming pagdating. Kay tiyo Teodoro talaga nakatutok ang mga mata ko nang mga oras na iyon at nang makita nga niya ang nakasunod sa aking likuran ay mabilis itong tumayo saka malakas na sinigawan si Sergio.
"Anong ginagawa ng tarantadong iyan dito ha!?"
...
DISCLAIMER:
Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.