Chapter Three

1992 Words
Pagod at stress ang naging kalaban niya nitong mga nakaraang araw. Nagkataon pa kasing finals nila at ang pagiging abala niya sa nalalapit niyang debut. Hindi rin naman kasi pumayag si Mama Esme na gawing simple lang ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Katuwiran nito, minsan lang sa buhay ng isang babae ang ipagdiwang ang kanyang debut. Kung siya lang ang masusunod, she want it to be an intimate dinner with them and her closest friends.        Hindi na rin siya tumutol sa kagustuhan ng matanda dahil alam naman niyang kahit kailan ay hindi siya mananalo rito. Not even her sons can break her decisions. Pero nagpapasalamat siya dahil malaki ang naitulong nito sa kanya magmula ng namatay ang kanyang mga magulang. Itinuring siya nitong parang tunay na anak. Pati na rin ang magkakapatid ay naging mabuti ang pakikitungo sa kanya kahit pa bully ang mga ito sa buhay niya. Kaya laking pasasalamat siya ng ipatawag siya ng school director na professor din niya at ipinakita nito ang kanyang mga marka. He really help her a lot when it comes to physics and organic chemistry. Isa din ito sa mga hinahangaan niyang doktor na ibinuhos na ang halos buong buhay nito tungkol sa pag-aaral ng medisina. She was happy and proud of what she had achieved. It may sound conceited but she's actually expecting those grades. Alam din naman niya sa sarili niya na pinaghirapan niyang makuha iyon.            "Mukha kang timang, dolly," untag ni Kent. They all call her dolly kasi baby pa lang daw ay mukha na siyang manika. Lalo na nitong nagkaedad na siya. "You're smiling like an idiot."          "Tse!" singhal ni Amara rito.          "Totoo naman eh! Tulala ka habang nakangiti sa kawalan. Ano nga bang tawag niyo sa ganoon?Muntanga di ba?" Pang-aasar nito pero hindi iyon sapat para matabunan ang sayang nararamdaman niya.           "Sige...muntanga na ako. Happy na tayo, Kuya?" Napahalakhak ito. Hindi na niya ito pinansin pa at nagpatiuna ng lumabas ng sasakyan ng makarating sila sa mansyon. Hindi na niya inantay na pagbuksan siya ng pinto at agad siyang nagtatakbo papasok sa loob. Excited na siyang ibalita kay Mama Esme ang nakuha niyang marka. Muntik pa siyang madapa dahil sa pagmamadali.           "Ayan! Maganda nga, lampa naman!" sigaw ni Kent.           "Buwisit ka, kuya!" asik niya rito. Padabog siyang naglakad papasok. Ni hindi na niya nagawang ipakita ang kanyang marka sa matanda. Nagmano lang siya dito at nagtuloy-tuloy na sa kanyang kwarto.           "Anong nangyari doon?" rinig niyang tanong nito. Agad siyang nagmartsa pabalik at kaagad na nilapitan si Kent. Sinabunutan niya ito at inalog-alog ang ulo.          "Ouch! Dolly naman!" panay ang hiyaw nito. Pigil din ng mga kapatid nito ang mga tawa. Himala at kumpleto ang mga ito.            "Nakakainis ka na kasi eh! Sobra na!" angil niya dito. "Sumbong kita kay Ate Jessica. Sabihin ko may kasama kang ibang babae kanina."           "She won't believe you. Mahal ako noon."            "Sabi mo eh. Tingnan lang. Tutal, andito na naman siya." Nguso niya sa likuran nito. Napatawa silang lahat ng bigla itong nagseryoso. "Hi, babe," bati nito sa asawa. "Sinusundo mo na ba ako?"           "Nope. I'm just checking on something." Inayos nito ang magulong buhok ng asawa. "What did you do? Bakit ang gulo ng buhok mo?"           "Nothing, babe," mabilis na sagot ni Kent.            "May babae siyang kasama kanina," sabad ni Amara. Magkapanabay nilang sabi. Nang tingnan niya si Jessica, matiim ang mga titig nito sa asawa.            "No, babe. Niloloko ka lang ni Amara." Panay ang iling nito.            "Why would she do that? Sa pagkakaalam ko din, ikaw itong bully sa kanya." Humayon ang mga mata nito sa asawa. And it made Jessica's heart boiled with anger. "Ano 'to?" turo nito sa polo ni Kent na may bahid ng lipstick.            "Amara del Fuego! Malilintikan ka talaga sa akin!" hiyaw nito. Mukhang napagtanto nitong si Amara ang naglagay ng bakas ng lipstick sa damit ng kanyang kuya. Napuno nang tawanan ang kabahayan dahil sa inasal ni Kent. Kahit kailan talaga, takot ito kay Jess. Lalapitan sana siya nito ngunit napigilan ni Jessica. "Huwag kang lalapit. If you lay a finger on Amara, it would be the coldest and the loneliest night you could have. You will be staying at the barn. Kasama ng mga kabayo natin. Got it?" She winked at her Ate Jessica secretly. Mukhang alam nito na siya ang may kagagawan kung bakit nagkaganoon ang asawa nito. Sanay na sa kanilang dalawa. Nakita niyang napalunok si Kent. Masama pa rin ang tingin sa kanya. Siya naman ay hinila ni Jess sa kamay at dinala sa kwarto niya. "I'll just borrow Amara for a while." Lumapit muna ito kay Mama Esme at niyakap ito. "I miss you, Mama."           "Miss din kita, hija. Dalhin mo naman bukas dito ang mga apo ko. Namimiss ko na din sila eh."          "Opo. Kung gusto niyo po ay dito kami matutulog mamaya. Ang asawa ko na lang po ang maiiwan sa bahay." Napatawa ang ginang. "That would be great." Akmang magsasalita si Kent but Jess motioned him to zipped his mouth. Kaya ngunguto-nguto itong nakaupo sa sofa. Everyone was staring at them. Nagtatanong ang mga mata sa kung ano ang pag-uusapan nila. Siya man din ay hindi alam. Nilingon niya si Jessica.           "It's a girl thing, guys," maikli nitong sabi at niyakag na siya. Hindi na siya makapalag ng akayin na siya nito papasok sa kwarto niya. Naupo silang dalawa sa kama. Inintay niyang ito ang unang magsalita. "I've already arranged the one your asking for. Escapade somewhere serene and peaceful?" Namilog ang mga mata niya. She couldn't believed it! Tumango-tango ito. Nakangiti sa kanya.         "How? I mean, paano si Mama? Si Kuya Ethan, pumayag ba?" dismayado niyang tanong. Alam niya kung gaano kahigpit si Ethan sa kanya. Kailangan may approval nito ang lahat ng kanyang mga lakad kaya nag-aalangan siya kung papayagan siya nito. Lalo na at ito ang unang beses na aalis siya ng hindi kasama ang mga ito.           "Wala ka nang dapat pang alalahanin, okey? Everything's settled. Ikaw na lang ang kulang." Ginagap nito ang kanyang kamay. "But my service ain't for free, 'yah know?" Natawa siya. Hinihintay talaga niya ang karugtong na sasabihin nito. "It's the but, again.....Spill it. What do I need to do?"           "When you came back, I need you to help me look for someone. Alam kung mahirap ang ipinagagawa ko pero sa ngayon ay ikaw lang ang alam kung makakatulong sa akin," her voice pleading.          "And I have to look for this someone discretely? Not even them could know?" Turo niya sa mga taong nasa labas. Marahan itong tumango. "I'll send you some of the information nang malaman mo kung saan ka magsisimula. And remember, all that happen here, must end here. Got it?"           "Yes, Ate Jess. Anything for you. Alam mo naman na idol kita eh."  Ginulo nito ang buhok sabay baba ng mga kamay nito sa kanyang batok. But before she could do something on her, naunahan na niya ito nang mailapat niya sa leeg nito ang apat magkakadikit niyang daliri. Isang maling galaw mo, pihadong may kalalagyan ka.           "Great! You're learning fast." Tumayo na ito at naglakad papunta sa may pinto. Lumingon ito sa kanya. "Go change and rest. Congrats doll for doing good in school."            "You knew?"           "Walang makakalampas sa akin na impormasyon, alam mo 'yan!" Jess said smiling. "Maiwan na kita. Lolokohin ko pa ang asawa ko sa labas." Malambing itong tumawa. Paminsan minsan niya lang makita ang ganoong side nito. Pagdating sa asawa at anak nito, nag-iibang anyo ito bilang isang maalaga at mapagmahal na ina at asawa.  Enough with all of that. Mas gusto niyang magpahinga muna. Ni hindi na niya namalayan na nakatulog pala siya. Nagising lang siya ng maramdaman niyang parang may ibang tao sa loob ng kanyang kwarto. Naging alerto siya at pilit sinanay ang mga mata sa dilim. Akmang tatayo na sana siya ng hapitin siya sa beywang ng estranghero at ipahiga sa kama. Natumba silang pareho, nakapailalim siya rito. She was about to scream when the man captured her lips. Hindi siya makagalaw. Sinamantala nito iyon at nilasap ang kanyang labi. Subalit nagtaka siya. Bakit hindi siya makaramdam ng takot? Sino ang magtatangka na pasukin ang kwarto niya. Wala!      And then realization hit her. Pamilyar sa kanya ang amoy nito. Ipinulupot niya ang braso dito at inumpisahan niya kilitiin ang batok nito. Kung tama ang hinala niya, hindi ito makakatagal sa pangingiliti niya sa batok nito. She felt him quivered. Anumang sandali ay bibigay na ito. Tinangka nitong umalis sa ibabaw niya ngunit hindi ito makaalis. Habang nakapulupot kasi ang kamay niya sa batok nito, nakapaikot din ang magkabila niyang paa sa baywang nito.           "Ahhh! Gosh!" hiyaw nito, habol pa ang hininga. Gustong kumawala sa kanya.           "You want this, right? Deal with it, Alexander," bulong niya sabay kagat sa tainga nito. "Kapag ako nasaktan sa kalikutan mo, makikita mong gago ka! Umalis ka nga diyan!" Sabay tulak niya ng malakas.  Agad niyang tinakbo ang switch ng ilaw ng umalis ito sa pagkakakubabaw sa kanya. Kita niyang hawak hawak nito ang nasaktang tenga.           "Bakit mo 'ko kinagat?" gigil nitong tanong sa kanya.            "Aba't nagtatanong ka pa! Ikaw...ikaw, bakit nandito ka sa kwarto ko? At bakit nanghahalik ka? And you're invading my privacy!" Binato niya ito ng unan.              "Totoo ba? Ha?"              "Ang alin na naman ba?" takang tanong ng dalaga.  Lumapit ito sa kanya. "Sabi ni Ate Jessica-"            "Ano nga?" Naiinis na talaga siya.              "May kakilala daw siyang gusto ka makilala personally. Secret admirer mo daw," mabilis nitong sabi. Agad siya nitong niyakap. "Walang pwedeng magkagusto sa'yo. Walang pwedeng makalapit sa'yo. Wala kang pwedeng mag-boyfriend kundi, ako. Ako lang. Kuha mo?" Hindi na siya nakasagot dahil kinuyumos na ng halik nito ang kanyang mga labi. Habol niya ang kanyang hininga ng bitiwan siya nito. "Say that you're mine, please?" Marahan siyang tumango. At mukhang nasiyahan ito sa sagot niya. Ilang beses pa siya nitong hinalikan bago ito nawala na lang na parang bula. Doon na naman dumaan sa terasa niya, karugtong ng sa kwarto nito.       s**t! Mukhang kailangan na niyang ikandado palagi ang pinto niya sa may terrace.        Tunay nga ba, Amara?           "Aahhh!" she screamed her lungs out when she realized what just happened. Naisahan na naman siya ng gagong iyon ah. She was still sulking when her phone beeped. Mukha ni Jessica ang nakarehistro doon.          Check your mail. Just like before. Kung sinu-sino ang ipinahahanap nito sa kanya. Pagkatapos niyang basahin ang nilalaman noon, kusang  nawala ang file. And she'd been asking herself why are they dragging her into their world. Si Kent, bata palang ay nakaalalay na sa kanya palagi. Bawat alam nito sa computer ay itinuro sa kanya at binigyan siya nito ng kalayaan na gamitin ang private room nito. That's why, at the age of eleven, marunong na siyang mag-hack. And Jess, taught her everything about self defense. Naalala pa niya noong unang beses siyang tinuruan nito, ilang araw din siyang nilagnat at nananakit ang katawan. Akala niya noon, natural lang ang nga ginagawa niya. Sunod lang siya ng sunod sa bawat sabihin ng mga ito .Sa isip niya, tulong na rin sa pamilyang nag-aruga at nagpalaki sa kanya.      Sampid. That's what others call her but she didn't bother. Dahil kahit kailan ay hindi naman ipiramdam sa kanya na sampid nga lang siya. They all love her lalo na si Mama Esme. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman na iba siya. Nagpapasalamat siya na kahit wala na ang kanyang lolo at lola na dating katiwala ng nga ito. Ang kaisa-isa kasing anak ng mag-asawa ay agad na binawian ng buhay pagkapanganak pa lang sa kanya. Hindi rin niya alam kung sino ang ama niya kasi nabuntisan lang daw ang ina niya.      Bahagya siyang napaigtad ng tumunog ang kanyang cellphone. Kung saan saan na pala napapunta ang kanyang imahinasyon.         "Princess Marianna dela Merced-Castellana ý Vallejo."       "Who the hell is this Princess Marianna?And how do I find her?" bulong niya ng mabasa ang text ni Jessica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD