"Oh, kuya. Mukhang nakakatawa ang tinitignan mo ah," puna sa kaniya ni Carlo.
Mabilis naman siyang nakabawi at mabilis na nagpaalam muna sa magkasintahan upang makapagbihis muna.
"Mauna na kayong kumain. Magbibihis lamang ako at bababa na din agad." Paalam sa mga ito upang mapagtakpan ang pagkapahiya kanina.
"Summer. Summer. Summer." Sambit habang paakyat sa hagdanan.
Ayon sa mga naririnig sa opisina nila ay talagang pinangingilagan daw ang boss nila dahil lagi itong nakataas ng boses. Wala daw itong pinipili kahit kapatid o kaibigan ay pinagagalitan kahit daw nasa harap ng maraming empleyado.
"Sayang," nangingiting saad habang nagpapalit sa kaniyang silid.
Maganda pa naman ang babae ngunit dahil laging nakakunot ang noo nito ay natatakpan ang kagandahan nito.
"Bakit kaya ganoon 'yon." Hindi mapigilang itanong sa sarili.
Muli siyang napangiti ng maalala ang boss niyang si Luna. Kaibigan ito ni Summer at alam niyang malalaman niya rin ang dahilan kung bakit tila galit sa mundo ang babae.
Mabilis siyang bumaba upang makasalo sa magkasintahan. Natutuwa naman siya at maayos ang nga ito.
"Kuya. Naririyan ka na pala. Dali na at mauubusan na kita. Ito pang paborito nating dalawa ang niluto nitong si Wendy," tukoy sa kasintahan nito.
Sinigang na bangus iyon. Kaya bigla ay natakam siya. Kaya mabilis na humigop sa sabaw na nakahatag sa kaniyang upuan. Mabuti na lamang at kinupkop ang mga ito at least ay may nakakasama siya.
"Kumusta naman ang bago mong trabaho kuya?" Tanong ni Carlo sa kaniya.
Awtomatikong napangiti siya dahil muling naaalala si Summer.
"Naku! Ang mga ngiting iyan kuya ha! Mukhang insperado ah," tudyo nito ng makita ang ngiti sa kaniyang labi.
Well, hindi naman maitatanggi na masaya siya sa pagpasok sa advertising company na iyon lalong lalo na kapag nakikita ang galit na mukha ni Summer.
"Okay. Sa ngiti mo pa lang kuya ay alam kong masaya ka," anito na tila napagod sa kakahintay sa sagot niya kaya ito na rin ang sumagot saka tumawa.
"Ikaw? Kumusta naman ang trabaho mo. Ang iyong pag-aaral? Siguraduhin mo lang na magtatapos ka na ngayong taon at ito namang si Wendy ang pag-aralin mo," baling dito.
Agad itong napatigil sa katatawa.
"Okay na okay kuya. Alam mo namang pangako ko iyan kay Wendy. Gusto ko kasing pag humarap kami ulit sa kani-kanila naming pamilya ay may maipagmalaki na kami." Seryosong turan naman nito.
"Mabuti kung ganoon. At least maliwanag. 'Di ba Wendy?" Aniya.
"Oo kuya. Naku! Alam na iyang si Carlo kung saan pupulutin kapag 'di sumunod." Matapang na wika naman ni Wendy at kitang kita pa kung paano napakamot ng ulo si Carlo.
Natatawa na lamang siya sa mga ito. Masaya siyang kahit papaano ay natulungan ang mga ito.
"Ay, kuya. Nabayaran ko na iyong bill natin sa kuryente." Dagdag pa ni Wendy.
"Naku! Dapat sinabi mo sa akin at ako na ang nagbayad," aniya. "Magkano at ibabalik ko na lamang."
"Naku, huwag na kuya. Hayaan muna kahit doon man lang ay makabawi kami sa lahat ng tulong mo." Saad nito. "Ah bago ko makalimutan kuya, may sulat ka nga pala."
Mabilis itong tumayo at kinuha iyon sa ibabaw ng ref nila.
Galing iyon sa piskalya. Nagrequest kasi siya na pabubuksan niya muli ang kaso ng ama at sisiguraduhin niyang sa pagkakataong iyon ay malilinis ang dungis ng kanilang pangalan.
Agad na binuksan iyon upang malaman ang resulta. Nanginginig pa ang mga kamay habang binubuksan hanggang sa tumambad dito ang mga nakasulat roon.
"Yeessssss!" Sigaw niya sa kasiyahan.
Napaiyak pa ang dalawang taong anak ng mga ito sa gulat sa ginawa.
"Sorry Junior. Masaya lamang si ninong," aniya ng makitang napaiyak ang bata.
"Mabuti naman at natupad na ang hiling mo kuya. Mabait ka kaya ka pinagpapala. Sana, iyong hiling ko naman sa'yo ang ibigay na." Hirit pa ni Carlo.
Bigla ay napabaling siya rito.
"Ano namang hiling iyon?"
"Girlfriend. Kasintahan o 'di kaya asawa. Sa tatlong taon namin dito kuya hindi ka man lang nag-uwi ng babae. Minsan nga nag-uusap kami nitong si Wendy kung may palatandaan ba na bakla ka." Mahabang saad nito.
"Ako bakla?" Biglang sabad dito.
Natawa si Carlo.
"Nagtataka lamang kasi kami kuya. Ang guwapo mo. Maganda katawan, kumbaga kayang-kaya mong kunin lahat ng babaeng magustuhan mo pero wala ka man lang ni isang inuwi." Depensa pa nito.
"Kaya iniisip niyong bakla ako ganoon?"
"Oo," tugon naman nito.
Napatawa na lamang siya.
Bakla agad. 'Di ba pwedeng hindi ko pa nahahanap ang babaeng para sa akin?" Aniya.
"Ay ang cheesy ng usapan ha. Wala daw forever kuya," agaw ni Wendy na napatahan na ang anak.
"Kayo nitong si Carlo, wala bang forever?" Gagad sa babae.
"Ah. May forever pala kuya." Mabilis na kabig nito saka sila nagtawanang lahat.
Kahit papaano ay masaya siya kasama ang mga ito na itinuring na niyang kapamilya.
"Ate," untag ni Winter sa kaniya habang pinagsasaluhan nila ang niluto nilang hapunan.
"Ano iyon?" Tugon rito.
"Wala ka ba talagang balak mag-asawa?" Muli nitong pagbubukas sa paksang iyon.
"Winter. 'Di ba sinabi ko na na wala pa akong nahahanap na pwede. Okay mas tamang sabihin na walang nanliligaw. Paano ako mag-aasawa?"
"Si Kuya Lawrence. Gusto mo ba siya? I will arrange para mag-date kayo?" Giit pa ng makulit na kapatid. Kung hindi lang ito kapatid ay kanina pa nasigawan.
"Ayaw ko naman iyong pinipilit. Gusto ko naman iyong liligawan ako sa gusto nila ako. At pwede ba Winter? Imbes na atupagin mo ang pagmamatch sa akin ay magligpit ka na lamang," pag-iiwas dito.
"Ate talaga oh. Naiwas ka lamang eh. Sige ka? Tumanda kang dalaga. Walang sariling pamilya, walang asawa at higit sa lahat ay walang anak. Tatanda kang mag-isa," tila pananakot pa nito.
Kahit alam niyang tinatakot lang siya ng kapatid ay sapol siya nito sa mga sinabi. Malapit na siyang magtrenta at natatakot siyang magaya siya sa ibang kamag-anak nila na nagsipagtanda na walang pamilya.
Napansin ni Winter na tila natigilan ang ate niya sa mga sinabi niya kaya bahagya ay napangiti siya. Maging kasi ang ate Luna niya ay nababahala na sa ate niya. Ayaw daw nitong danasin nito ang sinapit ang nag-iisang kapatid nito na si ate Mona na kuwarenta y sais na ay wala pa ring asawa.
Hindi mawaglit sa isipan ang sinabi ng kapatid sa kaniya.
"Tatanda kang dalaga. Walang sariling pamilya, walang asawa at higit sa lahat ay walang anak. Tatanda kang mag-isa."
Paulit-ulit iyon sa isipan na halos maturete na siya. Halos hindi siya patulugin ng isiping iyon. Ayaw niyang tumandang mag-isa. Madaling araw na siya nang tuluyang igupo ng antok.
"Good morning ma'am," Bati ng ilang empleyadong nasa ibaba ng building nila at naghihintay sa pagbukas ng elevator.
"Good morning." Pasimpleng sagot sa mga ito. Masyado naman siyang bastos kung hindi tutugunin ang ginawang pagbati sa kaniya.
Nang bumukas iyon ay agad silang pumasok. Dahil lahat ay nagmamadali ay agad niyang press ang close ng biglang may paang humarang sa papasarang elevator.
"Sorry guys," ngiti wika ng isang napakaguwapong lalaki.
Nang makita siya nito ay agad namang ngumiti sa kaniya.
"Hi Ma'am Summer," bati nito sa kaniya.
At sa timbre pa lang ng boses ay kilala na niya ito.
"s**t," anas niya. Nainis siya sa sarili.
Nagpagupit lang ang lalaki ay naguwapuhan na siya. Halos masampal ang sarili sa nagawnag kahangalan. Humanga pa talaga siya sa herodes na ito. Lalo pang nainis ng makitang ngiting-ngiti ang herodes.
"May sinabi ka ba?" Tanong nito.
Agad namang napansin na ayaw magsara ang elevator.
"Meron! 'Di ba obvious ayaw magsara ang elevator. Means overload. Ikaw ang nahuli kaya baba!" Utos rito.
"Why not. Ladies first," anito saka siya binigyan ng daan at namuwestra pa na palabasin siya.
Nagtaas siya ng kilay.
"Excuse me. Ikaw ang nahuli kaya ikaw ang lumabas." Matigas na wika.
"Okay. Sige pero sa isang kondisyon," ani ng lalaki.
"Ay ang daming satsat. Mali-late na kaming lahat at nakakahiya sa lahat ng nari—" Putol na wika ni Summer nang bigla siyang halikan ng lalaki.
Natigagal siya sa kabiglaan at nakita na lamang papasara na ang elevator at kumaway pa talaga ang mokong sa kaniya.
Mas lalo siyang nainis rito.
'Makikita mo.' Bulong sa sarili.
Nang makalabas sa elevator ay hindi na muna siya pumunta sa opisina niya. Hinintay niya muna ang lalaki upang makaganti man lang.
Ilang minuto lang ay tumunog iyon senyales na magbubukas na iyon. Mabilis na sinuntok ang lalaki. Hindi ito nakailag dahil sa hindi niya inaasahan ang kaniyang ginawa.
Maging siya ay nabigla lalo na at kasama pala nito ang kaniyang kapatid.
"Ate!" Sigaw ni Winter lalo na ng sapukin niya ang lalaking kasama nito.
Hawak-hawak ni Lawrence ang panga. Hindi niya alam na bukod sa lakas ng bunganga ng boss nila eh malakas din manuntok kahit napakaliit nito.
"Dapat lang sa'yo iyan. Next time, kung magnanakaw ka ng halik. Huwag sa akin," aniya saka tinalikuran ang mga ito at dumeretso sa opisina ngunit bago siya nakalayo ay dinig pa niya ang boses ng kapatid.
"Talaga? You kissed my sister?" Tila pagbubunyi pa ng kapatid sa sinabi niya.
Hindi niya narinig ang tugon ng lalaki o nakita man lang ang reaksyon nito sa sinabi ng kapatid.
"Gosh! You're her first kiss? Saan sa lips ba?" Dinig pa sa malakas na tinig ng kapatid.
"Sa cheek lang," tugon naman ng lalaki.
"What?" Laking paghihinayang na tinig ni Winter. "Cheek mo lang hinalikan pero sa lakas ng sapok sa'yo sa cheek ikaw pa ang may chikinini." Pilyang tawa ng kapatid niya.
Napangiti rin siya sa narinig na usapan ng dalawa saka tuluyang pumasok sa kaniyang opisina.
Giniya muna siya ni Winter sa pantry upang malagyan daw ng ice ang pisngi upang hindi magkapasa. Mabuti na lamang at may ice pack doon kaya mabilis namang nalapatan ang pisngi.
Matapos ng sampung minuto ay pumasok na siya sa opisina ng boss niyang si Luna.
"Oh anong nangyari sa'yo?" Agad na bungad nito sa kaniya ng makita siyang may hawak pang ice pack na nakadampi sa pisngi.
Wala siyang nagawa kundi ang ikuwento ang nangyari. Hindi pa man siya natatapos magkuwento ay humahagalpak na ito sa katatawa.
"Oh my God. All these years na magkasama kami niyang si Summer ngayon ko lang nalamang magaling pa lang sumuntok. Sapul eh," natatawa pa ring turan nito.
"Pero next time kung magnanakaw ka ng halik sa labi na. Iyong halos kapusin ng hininga para mauntog iyang babaeng iyan na masarap ang may jowa este asawa," ani ni Luna.
Doon ay nakasilip si Lawrence ng pagkakataon upang malaman kung bakit tila galit sa mundo ang babae. Kung bakit tila mailap ito sa mga lalaki.
"Bakit po ba ang hanggang ngayon ay single pa rin siya ma'am? At base sa mga narinig ko ay—" Nag-alangan pa siyang sabihin ang dugtong niyon.
"Ay?"Anito na tila hinihintay ang karugtong noon.
"Ay—paano ba?" Aniya ng hindi mahagilap ang tamang pagsasabi noon.
"Na virgin pa siya?" Pagdudugtong na nito sa nais sabihin.
Tumango na lamang siya bilang tugon.
"Mahabang istorya," anito. Nanlumo siya dahil tiyak na hindi ito interesadong ikwento ang dahilan.
"Ganito kasi iyon," anito. Doon ay napangiti siya. Buti na lamang talaga at may pagkamatabil ang dila nito.
"Second year hugh school siya noon nang magka-crush sa isang lalaki. Dahil medyo nakakaangat sa buhay ang lalaki at mahirap lang sila. Noon kasi ay talagang hikaos sila sa buhay. Damit niya ay halos paulit-ulit lang. Ang importante kasi sa kaniya ay makapag-aral. Alam mo at that age, kapag nagka-crush ka eh matindi. Iyong lihim pero parang sasabog ang puso mo, na sa mga piraso ng kuwaderno mo na lamang naisusulat ang lahat ng damdamin mo sa crush mo. Tapos minsan, may naghirap ng notebook niya. Hindi niya alam na sa likod noon ay may love letter siya sa crush niya. Nang mabasa iyon nang naghiram ay naging tampulan siya ng tukso," mahabang kuwento nito.
Napatangu-tango siya. Medyo naiintindihan na niya kung bakit. Masyado siguro itong na-trauma. Buong akala niya ay tapos na ngunit muling nagsalita si Miss Luna.
"Alam mo ang pinakamasakit doon Lawrence ay nang lumapit sa kaniya ang crush niya at binuhusan siya ng isang basong juice. Tila basang sisiw siyang pinatatawanan ng buong klase at hindi pa roon natapos dahil sa pinagsabihan pa siya ng masasakit na mga salita na kesyo walang magkakagusto ritong lalaki. Na huwag siyang mangarap dahil isa siyang hampaslupa." Nangingilid pang luha ni Miss Luna habang kinukuwento ang mapait na sinapit ni Summer.
"Mula noon ay naging mailap siya. Walang pinagkakatiwalaan. Noong nagkakilala kami noong college ay aloof din siya sa akin. Matagal bago kami nagkagaanan ng loob." Dagdag pa nito.
"Kaya nga walang ibang ginawa iyan kundi ang magtrabaho ng magtrabaho lalo na nang magkasabay na namatay ang magulang sa aksidente. Siya na ang nagpaaral kay Winter hanggang matapos ito. Kaya kahit ganya iyang si Summer. I admire her."
Doon ay napangiti siya sa sinabi ng boss.
"Ikaw Lawrence? May gusto ka ba sa kanya?" Baling nito sa kaniya.
Nabigla siya sa biglang pagpunta sa kaniya ang usapan.
"Sabi ko may gusto ka ba kay Summer?" Ulit nito.
Hindi siya nakasagot.
"Aminin mo na. May gusto ka ba kay Summer?" Ulit nito.
Magkakaila pa ba siya. "Oo."
Napangiti si Luna at mas lalong lumuwag ang pagkakangiti ng mapalingon ito sa gawinng pintuhan at naroroon nakatayo ang babaeng kanina ay topiko nila.
Bumaling si Lawrence sa kinaroroonan ng babae ngunit tila nakamamatay ang mga binibigay nitong irap sa kaniya.
's**t. Narinig pa yata ang pag-amin ko,' aniya sa isipan.
Mas lalo pang tumatalim ang mga titig nito habang papalapit sa kinaroroonan nila.
Bumuntong hininga muna siya. 'Bahala na si Batman,' aniya sa isipan.
Nang nasa harap na ang babae ay tila sinasakal ang dibdib sa lakas ng kabog noon.
"Mr. Franco, tatapatin na kita. Hindi kita gusto!" Singhal ni Summer nang magkatapat na sila ng lalaki.
Nabigla siya ng pagpasok ay narinig niya ang pag-amin nitong gusto siya ng lalaki. Kahit papaano ay tila nagbunyi ang puso sa kaalamang kahit ganoon ang ugali niya rito ay gusto pa rin siya nito.
"No worries Ma'am Summer. Hindi man ngayon, I know sa susunod ay magugustuhan mo rin ako." Confident na wika niya kahit sa kaibuturan ay medyo nadismaya sa ginawang pangdederetso sa kaniya.
Napakunot noo si Summer.
'The nerve! Ang lakas ng apog ng lalaking ito,' aniya sa isipan.
Napangiti si Lawrence ng makitang naningkit ang nga mata nito na tanda na galit na naman ito. Ibubuka na sana ulit nito ang bibig ngunit mabilis na binalaan.
"Sige, ibuka mo ang bibig mo at hahalikan muli kita. At this time sa labi na." Banta niya na kinaawang ng mapupulang labi ni Summer.