Chapter 3:

2450 Words
          Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Lawrence. Halos mabingi siya sa lakas noon kaya agad na sinapo ang pisngi.          Maging si Summer ay natigilan sa lakas ng sampal niya at si Luna ay napatili.          Himas ang pisngi ay tumingin ng matiim si Lawrence sa babaeng tila nagising sa ginawa nito. Nahihiyang binawi nito ang palad at nagyuko.         "Iba ka rin kumarinyo," panimula niya. "No wonder at your age ay wala ka pang asawa o boyfriend man lang. Ibang romansa ang iyong pinapalasap," nakakalokong saad ni Lawrence.          "Bastos!" Bawi ni Summer.          Nagsisi pa man din siya sa pagsampal dito pero sa sinabing iyon ng lalaki ay mas lalong nagatungan ang pagkainis dito.          "No worries, I think I like that. Karinyo-brutal," nakangising wika kahit medyo masakit pa rin ang pisngi sa pagsampal nito.           Nakita ang paniningkit ng mata ng babae sa galit. Ngunit na imbes na muli siyang sampalin nito ay parang batang nagdabog patungo sa pintuhan.         "Opppssss! Nakalimutan mo itong napakaganda mong picture," aniya sabay abot sa kanina pa nito gustong bawiin.          "Isaksak mo sa baga mo o mas tamang ipokpok mo sa ulo mo at maalog Mr. Franco. Bastos ka na hambog ka pa!" Inis na wika saka lumabas sa pintuhan.           Habol-habol ang hininga ni Summer ng makalabas sa opisina ng kaibigan. Natutop pa ang dibdib sa labis na emosyong naroroon. Hindi malaman kung galit ba o inis o di kaya ay talagang may binubuhay na ibang emosyon ang lalaking nasa loob ng silid na nilabasan.           Nang tumingin siya sa paligid ay may ilang pasilip-silip sa kinatatayuan. Kaya muli siyang umayos ng tayo at naglakad patungo sa kaniyang opisina. Ngunit bago siya pumasok ay muli siyang tumingin sa mga empleyado. Tahimik ang mga ito sa kani-kanilang cubicle at nahuli ang minsang pagsilip ng kapatid.            Nagtama ang kanilang mga mata.            She was twenty years, nang mamatay ang kanilang mga magulang. Pagarahe na noon ang ama nila sa pamamasada kasama ng ina ng maaksidente ang mga ito at sa kasawiang palad ay pareho silang ideneklarang dead on arrival.            Katatapos niya lang noon ng kolihiyo sa kursong business administration major in Marketing at eleven years old naman ang kapatid. Siyam na taon ang tanda niya kay Winter. Kaya halos siya na ang bumuhay at nagpaaral dito hanggang magtapos din sa kursong business management at piniling magtrabaho sa kanilang kompanya.             Noong una ay mahigpit ang naging pagtutol dahil ayaw niyang makaapekto ang trabaho nila sa kanilang ugnayan pero mapilit ito kaya pumayag na rin siya dahil naisip niyang mababantayan ito.             Nakitang nahihiyang nagbawi ng tingin ang kapatid. Ngunit ilang saglit lamang ay muling sumilip ito kaya hindi na niya naiwasang ngitian ito. Ngiting ipinagdamot ng mahabang panahon rito dahil sa pagkakasubsob sa trabaho.             Nakitang sumilay rin ang munting ngiti sa labi nito kaya kahit naiinis ay nalugod ang kaniyang puso sa ngiting iyon ng kapatid.             Matapos ng dalawang oras ay may kumatok sa kaniyang pintuhan.            "Come in," aniya at sumungaw roon ang magandang mukha ng kapatid.            Nakangiti ito habang may bitbit. Nilapag nito roon ang dala nito.          "Alam kong hindi ka pa nagla-lunch ate kaya dinalhan kita." Tipid na ngiti nito saka muling tumalikod at tinungo pabalik sa pintuhan.          "Winter," tawag niya at lumingon naman ito. "Salamat." Sabay ngiti.            Ngumiti ito.          "Kain ka muna te, mahirap magkasakit ngayon." Anito saka tuluyang umalis.           Na-touch siya sa ginawang iyon ng kapatid at saka mabilis na kinuha ang binigay nito. Halos maluha siya ng makita ang laman ng kiddie bag na galing sa isang sikat na fast food.            May note itong nakadikit doon.           Hi ate, remember this. You used to buy me this snack everytime I was sad. You're such a good big sister. I love you. Enjoy! -Winter          Basa sa maliit na note na nakadikit doon saka kinuha ang kid burger at kinain. Natulo ang luha habang matamang nginunguya ang burger na kinagat ng biglang bumukas ang kaniyang pintuhan.          Napatigil ang taong papasok sa kaniyang pintuhan ng makita ang kaniyang pagluha. Mabilis ang ginawang pagpahid doon.          Nagitla si Lawrence ng buksan ang pintuhan ng opisina ni Summer. Inutusan kasi siya ng boss na si Miss Luna upang ibigay ang ilang papeles sa babae ng makitang lumuluha ito habang kinakain ang kiddie meal.           Mabilis nitong pinahid ang mga luha saka muling bumangis ang mukha nito.         "Anong ginagawa mo rito?" Mariing tanong nito.         "Hmmmm," tikhim upang maalis ang pagkakabara sa kaniyang lalamunan. Doon niya lang nakitang may kahinaan din pala ito.          "Pinabibigay ito ni Ma'am Luna." Aniya habang papalapit sa babae abot ang white folder.          Inabot iyon ni Summer ngunit hindi pa rin siya umalis sa harap nito.          Napakunot noong tumingin ito sa kaniya.          "You can leave now Mr. Franco." Pormal na turan nito.          "It's my first time na nakakita ng babaeng uumiiyak habang kumakain ng kiddie meal." Aniya pero wala siyang balak asarin sa pagkakataong iyon ng babae.         "Inaasar mo ba ako Mr. Franco?" Galit na namang wika ni Summer.         "Nope. Relax Miss Summer. Wala akong balak masampal ulit. Anyways, whatever it is? Hindi masamang umiyak paminsan-minsan," wika ni Lawrence saka iniwan ang babae.           Napamaang na lamang si Summer sa sinabi ng lalaki. Mukhang malalim din ang pinaghuhugutan nito.           Nagdaan pa ang apat na oras ay tuluyang pumatak ang uwian. Nananakit na ang leeg sa maghapong pagbabasa ng papeles at pag-aanalisa sa lahat ng concept na pinasa ng kaniyang mga empleyado. They need her approval.           Nang masipat ang orasan ay limang minutos na lamang ay mag-aalas sais na kaya mabilis na niligpit ang gamit dahil marami na rin naman siyang natapos. Gusto niyang sabayan ang kapatid. Nang makaligpit ay lumabas na siya at sakto namang nakitang papatayo ang kapatid sukbit ang shoulder bag nito.            "Uuwi ka na?" Pukaw pansin dito.             Napalingon ito sa kaniya.             "Opo Ma'am," anito.            "Okay. Sabay ka na sa akin," aniya saka nagpatiuna sa paglalakad.             Sumunod naman ito sa kaniya patungo sa elevator papunta sa parking area ng building na iyon.           Tahimik ito ngunit nakangiti.           "Bakit nakangiti ka?" Tanong sa kapatid.          "Kasi ate, ang tagal noong last na nagkasama tayo. Lagi kang late umuwi at minsan sa umaga ay halos hindi pa tayo nagkakasabay," anito habang papasok sa kaniyang sasakyan.          "Alam mo namang sakin lahat ang bagsak ng gawa ninyo 'di ba? Siguro nga masyado lang akong workaholic," aniya sa kapatid.           Nang papalabas na sila sa parking area ay namataan nila ang lalaking nakatayo sa harap ng building nila.          "Ate, 'di ba si kuya Lawrence iyon?" Turo ng kapatid.           Nilingon ang tinuro nitong direksyon at nakita roon ang lalaki na may kausap na dalawang babae na base sa unipormi ay sa kompanya rin nila nagtatrabaho.              Hindi siya umimik sa sinabi ng kapatid. Muling binaling ang tingin sa daan.             "Anong tingin mo kay kuya Lawrence ate? 'Di ba ang guwapo niya?" Ngiting baling ng kapatid sa kaniya.            Napakunot noo siya sa sinabi ng kapatid.           "Bakit gusto mo ba?" Kibit-balikat na wika.           "Oo."             Doon ay tuluyan siyang napalingon sa kapatid na nakatingin din pala sa kaniya. Unti-unting lumuwag ang pagkakangiti nito.            "Oo gusto ko siya para sa'yo," aniya.           Doon ay napairap si Summer sa kapatid na natatawa.          "Joke ba 'yon?" Inis na baling sa kapatid.          "Nagbibiro lang ate. Pero seriously, not bad. Mukha namang mabait si kuya Lawrence." Pambibida pa nito sa lalaki.           "Bakit ba kuya ka ng kuya sa kaniya?" Inis na baling sa kapatid.            "Ate naman. Besides sa mas matanda siya sa akin ay gusto ko talaga siya para sa'yo," turan pa ni Winter.             Ayaw niyang tuluyang masigawan ito kaya nanahimik na lamang siya. Mukha namang nakaramdam ito kaya tumahimik na rin ngunit saglit lamang iyon at muling nagsalita.           "Alam mo ate, impress ako sa kaniya," anito.          "Kanino?"            "Kay kuya Lawrence. Biruin mo sa dami ng dagok na dumating sa buhay niya ay nanatili siyang matatag," anito.             Maging siya ay naging interesado sa sinabing iyon ng kapatid. Hindi niya alam na tahimik lang ang kapatid pero may pagkatsismosa rin pala.             "What do you mean?" Hindi siya nagpahalatang interesado siya.             "Biruin mo ate. When he was twenty, nakulong ang papa niya dahil napagbintangan nakadispalko ng malaking halaga sa kompanyang pinapasukan. Nang araw na dakpin ang ama ay siyang araw na inatake sa puso ang mama nito. Di ba? Grabe ang nangyari," tila awang-awa na wika ng kapatid.             "At ito ang matindi ate, lahat ng ari-arian nila ay nawala na parang bula at naiwan lang kay kuya ang ang malaking bahay nila." Dagdag pa ng kapatid.               Mas lalo siyang naging interesado sa buhay ng bagong empleyado.              Muling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.             "Kaya pinipilit ni kuya na makatapos ng abogasya dahil gusto niyang siya mismo ang lilinis sa  pangalan ng kaniyang ama." Dagdag pa ng kapatid na siyang hinangahan sa lalaki.            Tuon pa rin ang mata sa daan habang nagmamaneho ng muling balingan siya ng kapatid.            "Ikaw ate, wala ka bang planong mag-asawa?" Tanong nito.           Napatigil siya sa tanong ng kapatid. Kailan nga ba siya mag-asawa? Malapit na siyang magtrenta ngunit ni isa ay walang nangahas na manligaw sa kaniya. Sa una nagpapakita pa ng interest ang lalaki sa kaniya pero kalaunan ay nawawala rin kapag nalaman na nila ang ugali niya.            Gabi na ng makauwi si Lawrence sa kanila. Tanaw na niya ang malaki nilang bahay ngunit habang papalapit sa tanging alaala sa kaniyang yumaong ina at sa karangyaang tinamasa noon. May kadiliman na ang bahay hindi gaya noon. Noong nabubuhay pa ang ina at malaya pa ang ama. Maliwanag iyon at masaya silang pamilya.           Malungkot ang bawat hakbang niya papalapit at sa paglapit sa mataas na bakal na bakod ay naabutan si Carlo.           "Kuya, kararating mo lang din ba?" Bati nito sa kaniya na batid niyang katulad niya ay kararating lang din.           "Oo, ikaw? Musta ang pag-aaral mo at trabaho mo?" Tanong rito.          "Okay lang kuya," anito.           Si Carlo at kasintahan nitong si Wendy ay kasama sa bahay niya. Nakilala noon si Carlo sa fast food na pinapasukan. Nakakuwentuhan hanggang masabi sa kaniya ang problema nito dahil nabuntis nito ang kasintahan niya. Batid niyang kapag nalaman ng magulang niya at ni Wendy ay itatakwil sila ng mga ito at hindi nga sila nagkamali.            Bata pa sila at wala pang ganoong kakayahan upang mabuhay ng sila lamang. Kaya ng makita si Carlo na gulong-g**o ay tinulungan niya ito. Katulad niya ay working student ito at mataas ang pangarap ngunit dahil mapusok ito ay nadala. Ngunit ayaw niyang masayang ito dahil sa kakitiran ng utak ng mga magulang nila ni Wendy.            Niyaya niyang doon sila tumira kapalit ng pagtulong sa kaniya upang mapanatili ang kalinisan ng malaki nilang bahay. Kahit walang gaanong kasangkapan na katulad dati ay pinapanatili pa rin niya ang kalinisan dahil alam niyang balang araw ay muling babalik ang rangya at kinang ng tahanang iyon.           "Kuya!" Untag ni Carlo sa kaniya.            Agad siyang lumingon rito.             "Pasok na," anito habang hawak ang sarado ng gate. Mabilis naman siyang pumasok.              Pagpasok ay bumungad sa kaniya ang malaking portrait nilang pamilya na tanging naiwang nakasabit sa dingding at sa ibaba nito ay ang lumang piano na gamit nila ng ina noong bata pa siya.           Nakitang pumanhik na si Carlo sa silid nilang magkasintahan.            Lumapit siya sa lumang piano at tinipa ang keyboard nito. Tila may sariling isip ang daliri niya at tinugtog ang paborito nilang tugtugin ng kaniyang ina.            Halos maluha-luha siya ng matapos siya at isang kamay ang dumantay sa kaniyang balikat. Si Carlo na nakabihis na pala.           "Alam kong sa tuwing tinitipa mo ang piano na iyan kuya ay nalulungkot ka. Sa tatlong taon namin ni Wendy dito ay kabisado na kita. Naririto lang naman ako kuya kung gusto mo ng kausap. May beer pa sa fridge," anito upang pagaanin ang loob niya.            Ngumiti siya rito.            "Carlo!" Tawag buhat sa kusina at nalingunan nila si Wendy habang karga ang magdadalawang taon na nilang anak na si Carl.           "Kuya," dagdag pa ng babae. Nag-alangan pa itong magsalita dahil mukhang seryoso ang usapan nila ng kasintahan nito.         "Hmmmm," tikhim nito. "Kakain na po," wika.         Mabilis namang lumapit si Carlo sa mag-ina at kinuha buhat sa kasintahan ang anak. Doon ay natigilan si Lawrence. Habang nakatanaw kay Carlo na karga ang anak ay tila nais na ring magkaroon ng anak.          Doon ay sumingit sa isipan ang galit na mukha ni Summer saka kinapa sa bulsa ang larawan nitong tinanggal sa frame. Nakangiti siya habang nakatingin sa magandang mukha ng babae na dinaig pa ang prinsipal sa pustura nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD