Napatigil si Summer sa sinabing iyon ni Lawrence. Mas lalo siyang nainis dahil sa pagbabanta pa nito. "Mr. Franco, we're in the office at baka nakakalimutan mo si Luna man ang direkta mong amo pero I am still the boss here kaya gumalang ka!" Matiim niyang wika saka inabot kay Luna ang pakay sa opisina nito. "Here's all the papers. Checked it. If you have some questions then come to my office," ani ni Summer sa kaibigan saka pumihit pabalik sa pintuhan. Ngunit bago siya umalis ay naisipang sumulyap sa lalaki at ganoon na lamang ang sisi niya dahil sa ginawang iyon ay nagtama ang kanilang mga mata. Banaag sa mga mata nitong kahit nakangiti ang mga labi nito ay may lungkot roon. Doon ay naaalala ang kuwento ng kaniyang kapatid tungkol dito. Ayos na