Chapter 2:

2670 Words
           "Ikaw?" Sabayang bigkas nila ng lalaking nasa likod ng kaibigang si Luna.           "Magkakilala kayo?" Naguguluhang sabad ng kaibigan.          "Look who's here. Akalain mo iyon, ang lalaking napalabas sa akin sa elevator at ang lalaking dahilan ng aking pagka-late ay siyang magiging empleyado ko pala."Sarkastikong wika ni Summer.          "Ahhmmm. Excuse me lang ha. Dahilan ng pagka-late mo. Aba? Hindi naman yata tama na ibaling mo sa iba ang pagka-late mo. Ang sabihin mo ay late ka lang talagang gumising." Awat ni Lawrence.           "Sinong nagbigay ng pahintulot sa'yong magsalita!" Sikmat ulit niya.          "Hep! Hep! Tama na." Awat ni Luna.          "Siya ba ang bagong  empleyado. I am sorry but you're fired!"           Malakas na singhal ni Summer sa malabis na inis sa lalaking nakangisi sa kaniya.         "I am sorry Ma'am Summer but Mr. Franco is not your new graphic artist. Ito si Mr. Altamirano," turo sa nasa harap nito.          "So ano ang ginagawa ng lalaking iyan dito sa opisina ko?" Inis pa ring turan.         "He will work under my team. My new part time researcher. As you can see, malapit na ulit akong manganak," ani ng kaibigan na tila dinidiin pa ang bawat salita nito gaya ng panganganak nito.          "Are you annoying me Miss Sanchez!"         "Mrs. Sanchez," pagtatama pa ni Luna. "No! I'm not. Masama bang sabihin kong malapit na ulit akong manganak." Pagdidin pa niya ng salitang 'ulit'.        "Mrs. Sanchez, observe your manners. Respect me as your superior!" Nanggagalaiti na si Summer sa pamamahiya ng kaibigan sa mga kasama nito sa kaniya.          Nasimulan na ni Luna bakit hindi pa niya lubusin tutal ay ganoon pa rin naman eh. Magagalit at magagalit pa rin ang kaibigan. Hanggang ngayon sa tuwinh magagalit ito ay iyon ang sinasabi. Pero hanggang ngayon ay naroroon pa rin siya.          "Is it hurts Ma'am Summer na napag-iiwanan ka na ng panahon. Nakakadalawa na ako ngunit ni halik yata ay hindi mo nararanasan." Turan na nagpapintig ng kaniyang tainga.         "Mrs. Sanchez. Get out of my office. Get out!" Nagpupuyos ng galit na wika ni Summer sabay turo sa pintuhan niya.         Lawrence was stan looking at Summer furious face. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong kabangis na babae. No wonder walang nangahas na ligawan ito or halikan man lang like Miss Luna said.         Napangiti siya sa nalaman tungkol sa babae. Ito ang epitome ng babaeng NBSB. Kahit sinong lalaki ay matatakot ligawan kung ganoon ang ugali nito. Nang makita ang mukha ni Kevin kanina ay halos manginig ito ng sumigaw ang magiging boss nito.          Mabilis na lumabas ang kaibigan at ang bago niyang graphic designer ngunit nangunot ang noo niya ng makitang naiwang nangingiti ang lalaking kinaiinisan.        "Ikaw? Hindi ka ba lalabas?" Sikmat rito.         Naisip pang mas lalong asarin ni Lawrence ang babae.        "Nope!" Aniya saka lumapit sa harap ng mesa nito at printeng umupo sa upuang naroroon.       "Antipatiko," usal ni Summer sa lalaking kaharap.        "May sinasabi ka ba Ma'am Summer?" Tanong rito.         "Wala! Ang sabi ko labas!" Singhal din rito.          Ngunit hindi natinag si Lawrence at pinanood lang ang babae. Ang mamula-mula nitong pisngi sa galit at kung paano ito kumilos.         "What are you looking for?" Mataray pa rin saad nito.         "Ikaw?" Deretsahang wika.          Nabigla si Summer sa sagot ng lalaki. Mukhang hindi yata uubra ang pagiging dominante niya sa lalaking kaharap.         Muling ngumiti ang lalaking kaharap at lumabas ang magkabilaang biloy nito.          Naiinis na si Summer sa sarili dahil hindi magawang itudo ang pagiging mataray sa lalaking kaharap.          "Oh akala ko ba ay masungit ka. Bakit mukhang napipilan ka?" Untag pa nito na nagpapinting ng kaniyang tainga.        "How dare you to disrespect me? Labas! I said labasssss!" Dumadagundong na boses ni Summer.          Imbes na matakot si Lawrence ay natawa pa siya.         "You look so cute. I like it?" Anang pa niya.          Doon ay nakitang tumayo si Summer at tinungo ang pintuhan upang buksan iyon para umalis na ang lalaki ngunit laking gulat niya ng buksan niya iyon ay halos matumba ang kaibigan at ang kapatid na nakikiusyuso pala sa kanila.         "What the hell—"aniya ng halos bumalandra ang kaibigan at kapatid sa kabiglaan. May ilan-ilang empleyado na rin naroroon at nakikiusyoso.         "Anong tinitingin-tingin ninyo! Balik sa trabaho." Singhal sa mga empleyado maging sa kaibigan at kapatid.          Nang mawala ang mga ito ay muling binalingan ang lalaki at laking gulat niya ng pagpihit niya ay halos wala na silang distansiya sa isa't isa.        "Nananadya ka ba?" Kunot noong saad.        "I'm not! Papalabas na kasi ako since pinapalabas mo na ako. Nakabalandra ka lang kasi diyan," wika nito.         Mabilis na tumabi si Summer upang makalabas na ang antipatikong lalaki.         "Madapa ka sana," anas niya ng makalabas na ito saka binalibag ang kaniyang pintuhan.         "Hindi ganyan ang magsira ng pintuhan Miss Summer."        Dinig pang wika ng lalaki sa labas. Mas lalo pa siyang nainis rito.        "Grrrrrrr! Nakakainis kang lalaki. Makikita mo!" Aniya saka inis na inis na bumalik sa kaniyang mesa.        At mas lalo pa siyang nainis ng makita ang larawan niya na nasa table niya. Nasa tabi pa nito ang pintle pen na ginamit upang lagyan siya ng sungay.        Alam na alam na niya kung sino ang may gawa noon. Walang iba kundi ang lalaking kalalabas lamang ng opisina niya.        Natatawa naman si Lawrence ng makabalik sa opisina ng magiging boss niya.       Pumalakpak ang kaniyang magiging boss ng pumasok siya na kinabigla niya.       "Good job Mr. Franco. I like what you did. At least may katapat na iyang si Summer. Kung wala ka lang girlfriend ay irereto kita diyan sa kaibigan kong iyan." Wika nito.        "Who said that I have gf?" Aniya.         "Hinulaan ko lang naman. So you're single?" Tanong ulit nito kasabay ng isang matamis na ngiti.         "Yup!"          "That's great! How old are you again?" Ani ulit ni Luna.          "Twenty eight."            "Oh! Summer will be thirty on March. Okay lang ba sa'yo ang mas matanda?" Natatawang wika nito.          "We'll it's too odd but as they said. Age doesn't matter," turan naman.          "I like you. Hay! Ito kasing si Summer. Ang taas ng tingin sa sarili. Kaya iyan, walang nanligaw. Ni wala pa yatang first kiss. Susme! Makakadalawa na ako ng anak. Siya virgin pa," palatak ni Miss Luna sa kaniya na kinangiti naman niya.          "Anyways, since nasa research tayo. May TV ad na naka-line up at ang product is shampoo for men. We have to do some survey and research how we gonna present it na papatok sa mga tao," orient nito sa kaniya.          Nagtrabaho na rin siya noon sa isang advertising company kaya madali na lang iyon sa kaniya.         Hindi pa man sila tapos mag-usap ng nito ay biglang tumunog ang cellphone nito.         "Hi! This is Luna Sanchez, how can I help you?" Malumanay na tugon ng babae sa tumatawag sa kaniya.           Ngunit tila nag-iba ang mukha nito sa sinabi ng kausap.          "What? Pero bakit? Ha? Hindi afford? Bakit? Sinong artista ba kasi ang kinukuha niyo?" Sunod-sunod na rinig buhat kay Miss Luna.           Mukhang may nag-back out na artistang kinukuha nila.           "Susme! Bakit kasi si Alden Richards eh talagang mahal ang talent fee." Nakatayo na at nakapamaywang ito na hindi mapakali.           "Kailan ang deadline? Goshhhhhh! Sa lunes na? Ano ang sabi ni Ma'am Summer regard on this?" Tanong niya sa kausap.            "What?Anak ng palaka. Tiyak na namang lilipad mga tainga ninyo niyan. Try Paulo Avelino, Jake Cuenca kung papayag sila sa presyo. Ito namang kasi si Summer. Ang kuripot, bakit di naman laki-lakihan ang budget kapag artista ang gusto ng kliyente," inis na wika saka binaba ang cellphone nito saka tumingin sa kaniya.             Napangiti siya sa boss niya. Tila mapapaanak ito sa problemang binalita ng tumawag.             Nang ngumiti siya ay lumabas ang magkabilaang biloy niya. Nakitang nanlalaki ang mata ng boss niya saka kinuha ang cellphone nito.              "Hello, Carrie. Okay, tell me if you find someone early morning tomorrow. If wala, well wala tayo magagawa kundi ang kumuha ng iba. I found one pero isasabak ko lang siya kapag wala talagang papayag," deretsahang wika sa tinawagan nito.             Matapos muling ibaba ang cellphone nito ay pinatayo siya nito.              Napamaang siyang sinunod ang utos nito.              "Pakitanggal ang tshirt mo?" Utos nito.              "Ha?" Maang niya.              "Sige na saglit lang ito. Besides, tshirt lang. No worries, harmless ako. May titignan lang ako," anito.              Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito. Hinubad niya ang kaniyang tshirt. Nakitang napangiti si Miss Luna sa kaniya saka sumenyas ito na umikot siya na ginawa naman niya.            Nakahubad baro siya ng biglang bumukas ang pintuhan at niluwa noon ang gulat na gulat na mukha ng isang babae.           "What the hell is this?" Bulalas ni Summer ng tumambad sa kanya ang h***d na katawan ng lalaking kanina ay nasa opisina.           Naitakip pa niya ang palad sa mukha.           "Ay! Ang OA mo Ma'am Summer. Hindi po siya fully n***d. Half n***d lang," ani ni Luna ng makitang nagtakip pa talaga ng mukha ang kaibigan.            "Magdamit ka nga!" Singhal sa lalaki saka bumaling kay Luna.             "Mind to tell me bakit shirtless ang lalaking ito ha Luna?"              Napangiti si Luna.             "Glad you call me in my first name Ma'am Summer. Well, sinisipat ko lang naman baka kasi pwede na!" Tila nagsisimula na namang mang-asar ang kaibigan niya.            "My God! Magdadalawa na ang anak mo. Don't tell me na ngayon ka pa magloloko?" Ani ni Summer na kinatawa ng kaibigan.             "Charot! 'Di ka na mabiro? Carrie inform me na ayaw pumayag ng manager ni Alden Richards sa talent fee. Binarat mo kasi," paninisi nito.             "What? But the deadline will be on Monday," maging ito ay naguluhan na rin. "So, anong kinalaman noon sa paghuhubad ng lalaking ito?" Baling niya sa kinaroroonan ng lalaki na nasa tabi na pala niya.              Nagkatinginan sila. Nagpanama ang kanilang mga mata. Tila ba hinihipnotismo siya nito.             'Oh com'n Summer,' aniya sa sarili.           "'Di ba sabi ko, isuot mo na ang damit mo?" Singhal dito para mapagtakpan ang pagkapahiya sa pakikipagtitigan rito.            "We'll, if no one will take the price. Why not, magtry ng bago. Fresh face." Agaw ni Luna sa kaniyang atensyon.             "What do you mean?" Naguguluhan sa gustong tumbukin ng kaibigan.              "Bakit hindi natin kunin si Lawrence. As you can see,  may katawan, may hitsura, may ibubuga!" Ani ni Luna.              Well, may punto ang kaibigan niya pero iyong ideyang ang herodes na lalaking ito ang magiging model nila. Sinuswerte!            "What do you think Ma'am Summer? Isn't it great? Makakamenos pa tayo." Masayang wika ni Luna. "Anyways, Lawrence. Nagpupunta ka ba sa gym. Infairness maganda ang katawan mo." Baling pang muli ng kaibigan na tila hindi makaget-over sa ka-macho-an ng lalaki.            "Oo noon. Noong nakakaluwag-luwag pa pero hindi na ngayon. Siguro epekto na lang iyan ng pagbubuhat ng mga orders," natatawang tugon naman ni Lawrence.            'Oo, noong nakakaluwag-luwag pa!' Tumatak sa isip ni Summer.            Naisip niyang siguro ay maykaya ang pamilya nito ngunit nabangkarote ang negosyo kaya naghirap. Iyon ang tumatakbo sa isipan sa narinig buhat sa lalaki.          "Oh I see. At least ay nami-maintain mo ang katawan mo. Anyways, I saw that you're still in school?" Narinig pang tanong ni Luna sa lalaki.            Ewan ba ni Summer kung bakit maging siya ay naging interesado sa buhay ng lalaki at napataas kilay siya sa huling tanong ng kaibigan.            'At his age ay nag-aaral pa rin ito' aniya sa isipan.           "Yeah. Hopefully next year ay matapos ko na. It's been too long. Finally, magiging abogado rin ako," nakangiting wika ni Lawrence.             Sa narinig ay napamaang si Summer. Hindi pala basta-basta ang lalaking nasa tabi.            "Ohhhh. Mukhang natigilan ka yata Ma'am Summer?" Puna ni Luna sa kaniya.             "Ah—wala. I have to go," nahihiyang wika niya.              Ngunit ng maalala ang hawak na frame ay muli siyang pumihit pabalik sa harap ng lalaki at pinakita ang larawan niya na nilagyan nito ng sungay.           "Are you the one who did this?" Matiim na turan rito.           "Yes." Tahasang pag-aamin nito.            Nakita ni Lawrence na naningkit ang mata ng babae sa pag-amin. Titignan niya kung ano ang gagawin nito.            Mabilis na lumapit si Summer sa lalaki at padaskol na nilapit dito ang frame. "Oh iyan! Isaksak mo sa baga mo!" Galit na wika nito.          "Ayoko nga. Sa puso pwede pa." Sabay kindat rito. "Salamat sa maganda mong larawan. Akin na ito," malakas na wika ni Lawrence na pigil ang tawa sa nakikitang hitsura ni Summer.            Nang mapagtanto ni Summer na larawan niya nga pala iyon ay mabilis na bumalik upang bawiin ang kaniyang larawang naka-frame ngunit ayaw nitong ibalik sa kaniya.           Matangkad si Lawrence kaya nahirapan siya ng agawin iyon. Sa pakikipag-agawan sa lalaki ay hindi niya namamalayang halos yakapin na pala niya ito.            Malalakas na pagtikhim ang kanilang narinig dahilan para matigilan silang dalawa.             "Kung magyayakapan kayo baka pwede ay sa opisina mo na lamang Ma'am Summer. Medyo nakakaselos kasi lalo na at nasa Amerika ang asawa ko." Nananadyang bugaw ng kaibigan.              Doon lamang siya natigilan na halos yakapin na nga niya ang lalaki maagaw lamang ang larawan niya.             "Akin na kasi iyan!" Sikmat rito.             "Binigay mo na kaya wala nang bawian," tugon ni Lawrence.             "Akin na kasi!" Galit ng wika.             "Okay. Ibibigay ko pero in one condition. Give me a kiss or should I say, can I have your first kiss?" Tudyo ng lalaki sa kaniya.            Nakita ni Lawrence ang pagdilim ng mukha ng babae habang nakalayo na sa kaniya. Ngunit maya-maya ay nakitang muling nilapit ang mukha nito sa kaniya.           Napangisi siya ng tila hahalikan na siya nito ng biglang isang nakakatulig na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD