"What the hell is this Miss Gumabao. Are you serious! Kahit yata nasa elementary ay magagawa itong gawa mo. Ngayon nagsisimula na akong magtaka kung bakit ka nasa creative team kung wala ka namang talento. Ayusin mo iyan, ngayon din!"
Ang malakas na sigaw ni Summer sa isa niyang staff. Naha-high blood siya dahil deadline na nila sa isang proyekto nila pero hindi pa inayos ng matino.
"Pero Ma'am, uwian na."
"I don't care kung uwian na Miss Gumabao. Kaya nga may over time 'di ba? Ayusin mo ang pinapagawa ko or else better not come to the office tomorrow 'cause you're fired!"
Nakakabinging singhal muli ni Summer. Talagang pinapainit ng kaharap ang ulo niya. Ayaw niyang mapahiya siya sa kliyente nila. Kung kinakailangang lagi siyang nakasigaw upang sipagan ng mga empleyado sa kanilang trabaho ay gagawin niya.
Alam niya kung gaano kahirap maghanap ng trabaho sa panahong ngayon kaya mahihirapan ang mga itong bitawan ang kani-kanilang trabaho at mas nanaisin na lamang na ayusin ang trabaho.
"Gagawin mo ba o hindi!" Mariing tanong sa natitigilang kaharap.
"Gagawin na po ma'am," alumpihit na wika saka pumihit papaalis sa kaniyang opisina.
Uwian na iyon ngunit marami pa siyang gagawin. Lumabas lang siya saglit sa opisina niya ng mabulwagan ng dalawang babaeng nag-uusap.
"What are you doing?" Taas ng kilay. "Hindi ito lugar upang mag-tsismisan?" Paninita sa mga ito.
"Ate," baling ng kapatid niyang si Winter.
"How many times do I told you Miss Montreal to speak to me formally inside the office." Mataas na boses na noon ay nakaagaw sa lahat ng papa-out na na empleyado.
"Work is over ma'am," mababang tinig ng kapatid.
Ngumisi siya sa dahilan ng kapatid.
"Work is over. Yes, but you're not yet out in this office. Right? Nagdahilan ka na nga, palapak pa!" Singhal pa rito.
Nakita niyang nagyuko ng ulo ang kaniyang kapatid. She already warn her not to work under their company pero mapilit ito. Ayaw niyang isipin ng mga empleyado niya na pinapaburan niya ito dahil kapatid niya. They're all her employee, kapatid man niya ito o kaibigan.
"Hintayin niyo munang makalabas kayo ng opisina bago kayo magharutan o magtsismisan. Maliwanag ba?"
"O—opo ma'am," chorus na wika ng kapatid at ang kausap nitong babae.
Bumalik na siya sa kaniyang opisina upang tapusin ang ilang papeles na kakailangan nilang i-presenta sa isang kliyente bukas nang bumukas ang pintuhan niya at niluwa ang best friend na si Luna.
"My God naman Summer. Pati kapatid mo walang patawad sa katarayan mo sa mga empleyado mo," dere-deretsong wika nito.
"Luna if you're here to scolded me on giving actions sa maling ginagawa ng emplyeado ko ay maaari ka ng bumalik sa pinanggalingan mo," aniya na hindi man lang tumitingin dito.
"Summer, I am just reminding you." Giit pa ng bagong dating.
"Ma'am. Call me ma'am. We're in the office at as a co-worker. Mas mataas ako sa'yo," matigas na utos sa kaibigan.
Narinig niyang bumuntong hininga muna ito bago muling nagsalita.
"Okay ma'am Summer, would you mind being polite also to your staff. My God, I saw your sister crying going out from the office. You're so insensitive. Look! Lahat sila ay takot sa'yo and they're all horrified. Para sa kanila papasok lang sila sa opisina dahil nandito ang kabuhayan nila pero if they have choice ayaw na nilang pumasok dahil sa'yo," litanya ng kaibigan.
"Dahil sa akin?" Maang sabay turo sa sarili.
"Dahil sa akin, this company recovered. Dahil sa akin kaya may trabaho sila. At dahil sa akin kaya nabubuhay pa sila!" Malakas na wika.
Tumayo sa harap niya ang kaibigan.
"You're wrong ma'am Summer. Dahil sa kanila rin hindi lang ikaw. Dahil sa kanila kaya nagpa-function ang opisina. Dahil sa kanila kaya kumikita sila at dahil sa sikap at galing nila kaya sila nabubuhay. Alam mo Ma'am Summer. Hindi na ikaw ang dating kaibigang nakilala ko. Trenta ka na pero wala pa ring pagbabago sa buhay mo."
Dinig na wika ng kaibigan na hindi na nakapagtimpi.
"Miss Sanchez, alam mo kung nasaan ang pintuhan kaya makakaalis ka na." Malakas na wika ni Summer.
"Bakit dahil ba tama ako?"
"Look Miss Sanchez. I am your superior. You know what? Mas mataas ako sa'yo, mas maganda ang career ko. I am free. I can do what ever I want," uyam niya.
"Oh yes you are. But, are you happy?" Patuyang saad naman nito sa kanya na nagpatigil sa kaniya.
"In six months time you'll be thirty. But no lovelife, no kids, no family. Opppsss I forgot. You have Winter but it's seems like you're pushing her away. Anyways, I just came here to tell you that your new graphic designer will be coming tomorrow. It's his first day kaya ipakita mo na agad ang sungay mo para malaman natin kung magtatagal ba o hindi? It's the third times, we looked for that position in just a month." Sarkastikong wika ng kaibigan bago siya iniwang natitigilan.
Nang mawala na ang kaibigan ay saka lamang siya napaluha. Luha ng pagkatalo. Tama ang kaibigan, hindi siya masaya. Maaaring narating niya ang buhay na pinapangarap noon pero kapalit noon ay ang kaligayahan niya. Hindi niya naranasang umibig mula nang ipahiya siya ng lalaking kanyang hinahangaan at iniibig ng palihim.
Nasa ikalawang baitang pa lamang siya ng sekondarya ng magsimula siyang magkagusto sa isang guwapo nilang kaklase. May kaya kasi ang pamilya nito kaya nagagawa nitong bilhin ang lahat ng nais maging ang mga usong damit.
"Kieth oh! Gusto ka raw nitong si Summer oh!" Hiyawan at tudyo ng kaniyang kaklase.
Hiniram kasi ni Ramil, isa sa kaklase niya ang note book niya sa Math dahil kokopiyahin daw nito ang ilang aralin na nakaligtaan nito dahil ilang araw na pagliban. Dahil likas siyang matulungin at mabait ay pinahiram ang kuwaderno niya. Ngunit doon pala magsisimula ang lahat.
Nakaligtaan niyang pilasin ang ilang pahina sa likod ng kuwaderno kung saan nakasulat ang isang liham para sa lalaki at ang pagta-tally niya ng kanilang pangalan gamit ang larong flames hope.
Napuno ng kantiyawan at hiyawan sa buong klase nila kasabay ng pagbabasa ng mga ito sa kaniyang love letter at ang resulta ng laro.
"Ohhh—ito Kieth ha. Sweetheart-married. Naku! Kayo pala magkakatuluyan nitong si Summer eh," tudyo sa kaniyang crush.
Katulad niya ay tahimik lamang itong nakamasid ng maya-maya ay lumapit ito sa kaniya. Kumabog bigla ang dibdib habang nakamasid siya habang papalapit ito. At nang ganap na nasa harap ay nabigla na lamang siya ng binuhos nito sa ulo ang juice na iniinom ng isa pa nilang kaklase sa tabi niya.
Doon ay bumaling ang galit sa dibdib niya. Hindi pa nakontento ang lalaki dahil nagbitaw pa ito ng mga salitang tumatak sa kaniyang isipan.
"Alam mo Summer, kahit ikaw na ang nag-iisang babae sa mundo ay hinding hindi kita magugustuhan. Tignan mo nga ang damit mo. Paulit-ulit. Wala ka na bang ibang maisuot. Nakakadiri ka. Hampaslupa!"
Mga salitang tumarak sa kaniyang buong pagkatao.
"Ma'am! Hindi pa po ba kayo uuwi. Magsasara na po ang building anumang oras," malakas na wika ng isang security guard.
Bigla siyang napaayos ng upo dahil hindi niya namalayan ang oras ay alas nueve na pala ng gabi at halos doon na siya makatulog.
"Pa, kumusta na kayo rito? Hindi ka ba nahihirapan dito?" Nag-aalalang tanong niya sa ama.
Isang buwan din kasi siyang hindi nakadalaw dito.
"Okay lang ako anak. Ikaw? Kunusta ka na?" Garalgal na boses ng ama.
"Okay lang ako Papa. Isang taon na lamang ay magiging ganap na abogado na ako," masayang pagbabalita rito.
Ngumiti ang ama.
"Masaya ako para sa'yo anak," anito sabay hawak sa kaniyang balikat.
"Mag-ingat ka lagi anak. Masuwerte ako at nagkaroon ako ng anak na matapang katulad mo."
"Huwag kang mag-alala papa dahil ako mismo ang lilinis sa ating pangalan," pangako sa ama.
"Natatakot ako para sa'yo anak. Sana nga ay mapagtagumpayan mo ang nais mo," wika naman ng ama.
Mabilis natapos ang trenta minutos na binigay sa kanila. Muling kinuha ng mga pulis ang ama at muling pinasok sa selda nito.
"Magbabayad ang mga gumawa sa'yo nito papa. Magbabayad sila!" Sumpa niya habang nakikitang halos kaladkarin ng mga pulis ang kaniyang ama.
Mabibilis ang mga hakbang ni Lawrence patungo sa elevator ng gusaling iyon. Limang minutos na kasi siyang late sa kaniyang unang araw sa trabaho sa advervitising company na iyon bilang isang part time researcher. Galing pa kasi siya sa trabaho niya bilang delivery ng isang sikat na fast food chain.
Punuan at siksikan pa ang elevator. Dahil late na siya ay nakisiksik na rin siya. Mabilis na pinindot ang close ng elevator ng may humarang. Isang humahagos na babae iyon.
Napakaganda ng babae pero tila pinanawan ng ngiti ang labi nito dahil nakabusangot ito. Idagdag pa ang nakakunot nitong noo na binagayan ng buhok nitong maayos na maayos ang pagkakahawi at pagkakapusod.
Muling pinindot ang close ngunit ayaw magsara ang elevator na katunayang overload. Walang gustong lumabas maging ang babaeng nasa harap.
Buwisit na buwisit si Summer dahil hindi man lang siya ginising ng kapatid. Kagabi pa ito hindi siya kinikibo dahil sa ginawang paninigaw rito sa opisina nila. Maging sa bahay ay hindi siya nito pinapansin. Nunca ba namang hindi siya nito gisingin. Iyan tuloy ay naghahabol siya.
Idagdag pa ang siksikan na elevator. Halos gusto na niyang sumigaw sa sandaling iyon at paalisin ang laman ng elevator. Nakahabol nga siya roon pero naka-ilang pindot na siya ay ayaw gumalaw ito.
"Kahit anong pindot mo diyan hindi iyan gagalaw. Overload kasi," tinig sa kaniyang tabi.
Nabuwisit siya lalo at mabilis na binalingan ang lalaki. Natigilan siya ng makita ang guwapo nitong mukha. Tulad niya ay mukhang nagmamadali rin ito at kanina pa panay ang tingin sa relo nito. Napangisi pa siya ng makita ang relo nito. Isang rolex iyon. Ngunit ng makita ang suot na damit nito ay nadismaya siya. Maaaring immitation lamang ang rolex na suot.
Kupasing tshirt at maong pants ang suot ng lalaki saka rubber shoes. Sa totoo lang ay bagay na bagay rito ang suot.
'Magaling magdala,' aniya pa sa isipan.
"Nasisiyahan ka ba sa nakikita mo Miss," tinig nito na nagpabalik sa kaniyang kamalayan.
Nangunot ang noo niya.
"Excuse me. Tinitignan lamang kita para sana, ikaw na ang magkusang bumaba upang akyat na 'di ba?" Matatay na sabad ni Summer sa pamamahiya ng lalaki.
Ngumiti si Lawrence at lumabas ang dalawang biloy sa pisngi ala Alden Richards.
"Why not, ikaw ang lumabas Miss. Look, lahat tayo ay nagmamadali. Since ikaw ang nahuling pumasok. Ikaw na lang ang lumabas. First come first serve nga 'di ba?" Awat ni Lawrence.
Kahit medyo kinakabahan na dahil late siya ay hindi niya mapigilang matawa sa babaeng kausap. Tila kasi bomba itong hindi pa natatanggalan ng pin upang tuluyang sumabog. Alam niyang nagpipigil lamang ito.
"Really? Nahiya naman ako sa pagiging gentleman mo. Bakit hindi na lang ikaw ang lumabas tutal parang hindi ka naman papasok sa trabaho eh," giit nito.
"It's my first day Miss. Baka ikaw ang naliligaw kasi hindi dito ang eskuwelahan. Sa porma mong iyan at sa mukha mo daig mo pa ang isang prinsipal. So, lumabas ka na at aakyat na kami." Mahabang saad ni Lawrence habang titig na titig sa magiging reaksyon ng babae.
"Aba!" Inis na nito na nanlalaki na ang butas ng ilong nito.
"Ano Miss Principal. Bilis na," bugaw pa rito.
Dahil sa inis ni Summer ay padabog siyang lumabas ng elevator. Bago nagsara ang elevator ay inirapan muna ang lalaki.
Irap na tinawanan naman ni Lawrence. The girl was so strong and yet so vulnerable.
Nang makarating siya sa pakay ay agad na nakita si Miss Luna.
LI'm sorry Ma'am, I'm late." Paumahin sa babae na may kasama pang isang lalaki.
"Good thing wala pa dito ang boss. Kasi kapag nagkataon naku! Abot hanggang pluto ang malakas nitong boses. Binabalaan ko na kayo. Masungit ang boss natin pero mabait iyan. Best friend ko kaya lang tumatandang dalaga kaya masungit." Pabirong wika ni Luna.
"Bakit ilang taon na po ba siya ma'am?" Tanong ng lalaking kasama nito.
"Malapit ng magtrenta. NBSB kaya ayon," ngiting ngiti nitong wika. "Pero sekret na lang ah," hirit pa nito.
Naintriga naman si Lawrence sa bagong boss.
May kumatok sa opisinang kinaroroonan at sumungaw ang ulo ng isang babae.
Maganda ang babaeng nakasilip roon. Agad na napansin ni Lawrence na tila titig na titig ang kasamang lalaki sa babaeng nakasilip.
"Ate Luna. Si ate Summer nasaboffice na po," pagbibigay alam ni Winter kay Luna saka nagpaalam.
"Hmmmm," tikhim ni Lawrence sa lalaking kasama.
Doon ay bumaling ito sa kanya. "Lawrence nga pala brod. Ikaw?" Tanong rito.
"Kevin, bagong graphic artist nila dito." Pakilala nito. "Ikaw?"
"Lawrence, part time researcher para sa mga gagawing TV ad," aniya sa lalaki.
"Bago ka rin?" Balik tanong nito.
"Yes."
"Guys, we have to meet the boss. Gaya ng sabi ko ay may kasungitan ang boss natin. Did you see the girl who came here a while ago. That's Winter, the boss sister pero maging iyan ay hindi nakakalagpas sa katarayan ng ate nito." Tila nananakot na wika ni miss Luna sa kanila.
Sumunod sila sa babae at nakitang kumatok ito sa pintuhan ng isang opisina na nakalagay ang general manager.
"Pasok!" Tinig ni Summer.
Alam niyang si Luna na iyon at ang bagong graphic artist nila. Hindi nga siya nagkamali ng makita si Luna kasama ang dalawang lalaki.
Ganoon na lamang ang pagkunot ng noo niya ng makilala ang huling lalaking pumasok sa kaniyang opisina. Nakita niyang maging ang lalaki ay napatingin din sa kaniya at tila gulat na gulat din.
"Ikaw?" Sabayan nilang bigkas.