Nabalot na nang tensyon ang buong paligid ni Summer. Lalo pa at tila natigilan na si Lawrence mula ng banggitin ng babae ang ex nitong si Mara. Gusto niyang mainis pero nagpanggap na lamang siya. "Hey! Seems everyone is here," isang masayahin at masiglang tinig ang bumasag sa kanilang apat sa mesang iyon. Isang medyo may katabaang lalaki at may nakaabresiyeteng magandang babae rito. Napalunok si Summer, lalo na nang marinig ang pagtawag ng babaeng katabi. "Ate Mara," anito. Maganda ang babae pero ang pinagtataka niya kung bakit nakaabresiyete ito sa isang pandak na may katabaang lalaki na may edad na. "Hi gentlemen. Are you enjoying your night?" Tila hingal pang wika ng lalaki. "Yes Sir," tugon ni Daniel at maging si Lawrence per