When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Halos maluha siya sa nalaman. Buntis siya at si Lawrence ang ama. Pinaghalong saya at kaba ang naramdaman sa balitang bumulaga sa kaniya. Kaya pala tila may nararamdaman na siyang kakaiba. Lalo na sa umaga. Madali siyang mairita at kung naamoy ang niluluto ni Winter ay tila maduduwal siya. Maging sa pag-uwi niya ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Sasabihin ba niya kay Winter ang kalagayan. Ipagbibigay alam ba niya ito kay Lawrence o hindi. Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan sa sandaling iyon. Ngunit hindi noon maipagkakailang magiging nanay na rin siya. Agad siyang napasalat sa impis pang tiyan. "Baby, kapit ka lang ha. Mahal na mahal kita," aniya habang hinahaplos ang tiyan. "Oh ate, andiyan ka na pala," tinig ni Winter buhat