"Ahhmmmm. Ikaw na," nauumid na dilang wika sa lalaki. Ngumiti ito ng matipid sa kaniya at kumuha ito ng damit sa close-in cabinet nito saka pumasok na sa banyo. Umupo siya sa gilid ng kama sabay salo sa kaniyang noo. Nagtatalo ang isip sa kung tama pa ba ang kaniyang ginagawa. Ginagawa ba niya iyon dahil gusto lamang niyang magkaanak o napi-pressure siya sa kaibigan at kapatid at takot siyang tumandang mag-isa o ginagawa niya iyon dahil mahal na niya si Lawrence. Matapos niyang humugot ng isang malalim na buntong hininga ay pinili na niyang mahiga sa malambot na kama. Medyo bumibigat na rin kasi ang mata niya. Halos nakukuha na niya ang tulog niya ng marinig niya ang pagbukas ng pintuhan ng banyo. Dahil ayaw niyang muling magtagpo ng mata nila n