Tila gustong matawa ni Summer sa sinabi ni Lawrence. "Alam ko ang abogado ay hindi naniniwala sa mga bagay na sabi-sabi o kuro-kuro lamang," balik niya sa lalaki. "We'll para sa iba. Pero for me I know kaya kamukha ko si Renz ay dahil mahal na mahal mo ako. Hindi mo lang maamin," panunudyo na nito. Tila nainis naman si Summer. Purke ba abogado na ito eh tumaas na masyado ang kompiyansa nito sa sarili. "Wow! Lakas ng hangin," aniya saka paiwas sa lalaki ngunit mabilis siya nitong hinawakan sa braso. "Umiiwas ka na naman," malumanay na wika ni Lawrence. "No, I'm not!" Matapang namang sinalubong ni Summer ang titig niya. Sa pagkakataong iyon ay magkabilaang braso na ang hawak ni Lawrence at kapwa na sila magkaharap. Bumilis ang