Nang maramdaman ni Summer ang paglalim ng paghinga ng katabi ay binalingan niya ito. Nakitang nakapikit ito at sapantaha niya ay tulog na ito. Ngunit kita ang butil ng luha na dumaloy sa pisngi nito. Pinahid niya iyon. Nawili siyang titigan ito. Wala pa ring pinagbago ang mukha nito. Napangiti siya kahit papaano. Maamo pa rin ang mukha nito kahit may pasibol ng balbas ito gawa ng tila hindi na rin nagagawang mag-ahit nito sa dami nang nangyayari sa kanila. Lumapit pa siya lalo upang mapag-aralan ang mukha ng lalaki. Nakatunghay siya rito nang bigla itong magdilat ng mata na kinabigla niya. Nahihiya tuloy siyang napabalik sa pag-upo. Tila batang nahuli sa aktong ninanakawan ng tingin ang crush nito. Ilang sandali ay naramdaman niya ang paglapit ng lalaki