Siya man ay natigilan na talaga. Malaki nga ang posibilidad na anak niya ang anak ni Summer. Pero bakit nilihim nito sa kaniya iyon. Naguguluhan siya sa kung bakit nilihim ni Summer ang pagbubuntis nito the fact na alam na alam nito kung nasaan siya mahahanap. Ang bahay nila ay iyon pa rin. Katok ng pintuhan ang muling gumambala sa kaniya. "Come in." "Attorney, natawag si Miss Summer. Gustong makuha ang private number mo. Emergency lang daw. Ibibigay ko ba?" Tanong ni Mrs. Madrid sa kaniya. "Yes!" Agad na sagot rito. Nakitang tumango ang ginang saka umalis. Agad na nagpaalam kay Carlo sa kabilang linya saka hinintay ang tawag ni Summer. May sapantaha na siyang tungkol ito sa anak. Habang panay ang tanaw sa cellphone na nasa ibaba