Kung inaakala ni Ivan ay ganun na lang niya ako basta mapapasuko sa kung anong gusto ko sa kanya ay nagkakamali siya.
Sinimulan ko na ang laban na ito at wala na akong oras para sumuko at tumigil. Tatapusin ko kung anuman ang sinimulan ko at sisiguraduhin kong ako ang mananalo.
Kailangan ko itong gawin para na rin sa kinabukasan ko.
Isang kulay pula at sexy na dress ang suot ko ngayon. Hiniram ko lang ito sa isang kaibigan na mahilig magsuot ng mga ganitong klase ng damit. Mabuti na lamang talaga ako sukat na sukat sa akin ang dress na para ba talagang sinadya na magkasya sa katawan ko.
Masyadong revealing ang damit na halos nakikita na ang kalahati ng boobs ko at hindi na rin ako magtataka na sipunin at ubuhin ako dahil wala ng takip ang likod na bahagi ng katawan ko. Makapal na pagpapahid din ng pulang lisptick ang ginawa ko sa makipot kong labi. Gusto kong maging kaakit-akit ngayon gabi ngunit hindi sa mata ng kahit na sinuman kung hindi para lang kay Ivan na siya na namang pakay ko sa isang bar na kung saan puntahan talaga ng mga alta.
Nalaman ko sa isang mapagkakatiwalaan na source na ngayong gabi ay lalabas si Ivan kasama ng kanyang mga kaibigan.
Kung nakikita ako marahil ng mga magulang ko na ganito ang itsura ay malamang na katakot-takot na sermon ang abutin ko. Baka nga makuha pang mag-antanda ni Ate April sa ayos ko. Malamang din na punasan ni Abby ang makapal na salamin sa kanyang mga mata upang makasiguro kung hindi ba siya dinadaya ng kanyang paningin.
Wala akong kotse kaya naman mag-aabang pa ako ng taxi sa labas para makarating sa oras kung saan nakakasiguro akong aabutan ko na si Ivan.
Wala akong pakialam sa kung ano ang iniisip ng ibang mga tao tungkol sa akin at sa pangangalandakan ko ng totoong nararamdaman kay Ivan.
Basta akin si Ivan. Ako lang ang babae na dapat niyang pakasalan.
Hindi katulad ng mga pinupuntahan ng iba kung mga kakilala ang nightclub kung nasaan ako ngayon. Hindi masyadong maingay at mausok kaya naman agad gumala ang paningin ko kahit madilim at masakit sa mata ang ilang ilaw na aandap-andap sa buong paligid para hanapin na si Ivan.
Pero nakapagtataka na nakailang ulit na akong umikot sa buong loob ay wala ni anino ng lalaking dahilan kung bakit sa halip na natutulog na ako sa mga oras na ito ay narito ako at parang tanga na halos matapilok na sa ginagawang paghahanap kay Ivan
"Hindi kaya napaaga naman ang dating ko?" bulong ko sa aking sarili at saka umupo sa bakanteng bangko na malapit sa counter.
Marami ng tao sa paligid. Pero sige pa rin ako sa pagmamasid at baka hindi ko nga lang masyadong namukhaan o napansin si Ivan dahil nga bahagyang madilim.
Lumapit na sa akin ang waiter at tinanong na ako kung ano ang order ko kaya naman napilitan na akong umorder. Hindi ng nakakalasing na alak kung hindi ng isang basong malamig na tuibig. Hindi naman talaga ako umiinom ng alak dahil bawal sa pamilya namin.
Ang laki pa ng pagtataka ng lalaking waiter ng marinig ang order ko.
"Why? Huwag mong sabihin ngayon ka lang nakakita ng magandang babae na umiinom ng malamig na tubig?" masungit kong tanong sa waiter na ang bagal umalis sa harap ko. May hinahanap akong tao kaya wala akong panahon makipag-usap sa kahit na sino sa mga oras na ito.
Maya-maya naman ay ibinigay na ng waiter ang isang baso ng malamig na tubig na hiningi ko sa kanya.
"Hi! Miss, can I join?" isang hindi kilalang lalaki na naman ang lumapit sa kung nasaan ako.
"No, may kasama ako at dito ang pwesto niya." Malumanay kong sagot.
Kailangan kong maging mahinahon sa pagsasalita at kagalang-galang sa mga kilos kahit ganito ang itsura at suot ko. Hindi ko pa rin dapat na kalimutan na maramin nakakakilala kay Mama at Papa.
"May kasama ka? Sorry, Miss pero kanina pa lang na pagpasok mo ay pinagmamasdan na kita dahil tunay naman na makatawag pansin ang ganda mo at sa palagay ko ay wala pa rin hanggang sa ngayon ang sinasabi mong kasama mo na marahil na siya rin na hinahanap mula pa kanina."
Tumaas ang kaliwa kong kilay sa kadaldalan at ingay ng lalaking sa palagay ko ay nasa twenties na ang edad. May itsura naman siya ngunit masakit sa ilong ko kung anuman ang masangsang na amoy ng kanyang gamit na pabango.
Hindi ko naman siya masisisi maging ang ilang mga kalalakihan na kanina pa rin nakatingin kung nagandahan sila sa akin. Iyon nga lang at hindi ko sila type.
"I want to be alone, okay? I'm here to relax at hindi para masali sa voting para sa miss friendship award," balewalang paliwanag ko para tantanan niya na ako.
Tumawa ang lalaki at saka sumenyas sa waiter na lumapit sa kanya.
Naririnig kong may sinasabi ang lalaki sa waiter ngunit hindi ko na lamang inintindi. Masyadong akong nakapokus sa hangarin ko para pagtuunan ko pa sila ng pansin.
Nagtaka naman ako ng maya-maya ay ilapag ng waiter sa harap ko ang isang inumin na sigurado akong hindi ako ang umorder.
"Pina colada, Ma'am. Pinabibigay po ng lalaking kausap niyo kanina and bayad na rin po yan." Wari namang nabasa ng waiter kung ano ang tanong sa isip ko at agad ng nagsalita kahit hindi ko pa naman talaga tinatanong.
Kahit paano naman pala ay may silbi ang paglapit sa akin ng lalaking yon.
Kung inaakala naman niya na hahanapin ko siya para pasalamatan ay sorry na lang talaga at may mission ako na dapat na gawin kaya ako narito.
"Nasaan ka na ba, Ivan?" tanong ko sa sarili ko habang pasimpleng nakatingin sa gawi kung saan ang entrance ng night club. Unti-unti ko rin na iniinom ang pina colada na bigay ng isang estranghero.
Ngunit halos kalahating oras na yata ang lumilipas ay wala pa rin si Ivan. Pinaka siguro ko naman sa source ko kung totoo ang nasagap niya at sigurado naman daw siya.
Ngunit ilang sandali pa ay tila ba nag-iiba ang temperatura ng katawan ko. Wari bang init na init na ako samantalang kanina lang ay gustong manginig ng katawan kong halos nakahubad na sa sobrang lamig.
Pinaypayan ko na ang sarili ko gamit ang sariling mga kamay at napapabuga na talaga ako ng hangin dahil nga sa sobrang init na ng aking pakiramdam.
Lumipas pa ang ilang mga sandali ay parang hindi ko na alam ang mga ginagawa ko. May mga naririnig akong naghihiyawan sa paligid pero hindi ko na sila makita pa.
Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng ala-ala.