" Hello! Ivan!" masigla kong pagbati sa lalaking siyang pakay ko dito sa building na kung saan matatagpuan ang kanyang kumpanya na siya mismo ang nagpapatakbo.
Maraming business si Ivan, isa na rito ang Digital Marketing Service na siyang patok na patok sa kasalukuyang panahon dahil halos lahat ay digital na.
Si Ivan ay anak ng isa sa mga kasosyo nina Mama at Papa sa kanilang mga negosyo. Gwapo, matangkad at matalino, kaya naman siya ang gusto ko. Isa pa, tiyak na matutuwa sa akin ang aking mga magulang sa oras na malaman nilang si Ivan ang nobyo at mapapangasawa ko sa hinaharap.
Ngunit kahit anong gawin kung pagpapansin ay hindi ako pinapatulan ni Ivan. Halos ilabas ko na nga ang buong kaluluwa ko mapansin niya lang. Nagawa kong gumawa ng eksena at isabotahe si Dark Lee para sa kanyang kompanya mapunta ang milyon-milyong pera na handang isugal ng isang mayamang investor.
Ngunit kung inaakala ni Ivan na susuko ako ng ganun na lang ay nagkakamali siya. Namuhunan na ako para lang sa kapakanan niya. Kaya hindi ko siya titigilan hanggat hindi niya ako binibigyang atensyon.
"Ivan," sambit kong muli sa kanyang pangalan habang halos matisod-tisod na sa mabilis na paglalakad makasabay lang siya.
"I'm busy at sa pagkakaalam ko ay wala naman tayong dapat pag-usapan Ms. Kabiling." Seryoso niyang wika ng hindi man lang ako tinapunan kahit konting sulyap at tuloy-tuloy lamang sa paglakad na tila nagmamadali sa laki ng kanyang mga hakbang.
"I know, kaya nga inabangan na lang talaga kita dito sa lobby para salubungin. Gusto sana kitang yayain na lumabas mamayang pagkatapos ng office hour mo. Don't worry, my treat." Matatag kong lahad na waring niyakag lamang kumain ang isang matalik na kaibigan gayong kung tutuusin ay hindi naman kami malapit ni Ivan sa isa't-isa. Hindi pa nga kami nagkausap ng kami lang kahit noon pa.
Narinig ko ang mahina ngunit mapang-insultong tawa ni Ivan.
"You asking me for a date? Ganyan ka na ba ka-desperada at ikaw na ang nagyaya ng isang lalaki? Sorry, Ms. Kabiling but hindi ikaw ang tipo kong babae."
Halos hindi ko malunok ang sarili kong laway sa narinig na mga kataga mula sa lalaking pinapangarap ko. Pero hindi niya ako basta maitataboy.
"Magugustuhan mo rin naman ako." Balewalang sagot ko habang nakapaskil ang malapad na pekeng ngiti sa aking mga labi.
Natawa na naman si Ivan at sa pagkakataong iyon ay tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang sa mga paa at mula sa mga paa hanggang sa ulo habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
"I know what you want Miss and I'm so sorry pero hindi mo ako makukuha sa mga tactics mo. Oo at anak ka ng mga tinitingilang businessman at businesswoman sa business world but sorry dahil hindi ka nakapasa sa standards ko. Educational background mo pa lang ay wala ng pag-asa na magustuhan ko. So, stop pestering me and leave my company." Mariin niyang sabi sa akin habang lapat na lapat ang kanyang labi at titig na titig sa aking mga mata.
"Paano kung ayoko." Seryoso ko rin namang sagot at nakipag titigan rin kay Ivan.
"Then, it's not my problem. Pero kung ako sayo, umalis ka na bago pa ako tumawag ng security at ipakaladlad ka sa labas ng kompanya ko." Pagbabanta niya sa akin.
"Kamusta naman ang milyon-milyong halagang in-invest ni Mr. Seong sa kompanya mo?" tanong ko nagpa kunot sa noo ng lalaking kausap ko.
"Bakit kilala mo si Mr. Seong?"
"Sabihin na nating ako ang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang pag-invest niya sa kumpanya na pagmamay-ari ni Dark Lee," sambit ko na lalong nagpa kunot sa kanyang noo.
"Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong ni Ivan.
"See, akala mo kung sino ka ng magaling. Inakala mo bang ikaw talaga ang pinili ni Mr. Seong?" ako naman ang ngumisi sa kausap ko.
"Bago pa siya nakipag deal sayo ay nakipagkita na siya kay Dark pero dahil sa ginawa ko ay hindi natuloy ang anumang kanilang magiging kasunduan. Kaya dapat mo pa akong pasalamatan dahil sa halip na kay Dark Lee ay napunta sayo ang tiwala ni Mr. Seong." Buong pagmamalaki kong litanya.
"Paanong uurong sa isang kasunduan si Mr. Seong? Napaka-imposible ng mga sinasabi mong babae ka. Sa tingin mo ay naniniwala ako sayo?" mga mapanghusga naman niyang tanong.
"Hindi mo naman kailangan ng malaman kung totoo o hindi ang sinasabi ko. Ang importante ay sayo napunta ang investment na para sana sa mortal mong kaaway."
Tila tinitimbang pa ni Ivan kung maniniwala nga ba sa mga sinasabi ko. Alam ko naman talagang mahirap paniwalaan kung paano ko nga ba napa atras si Mr. Seong sa dapat ay magiging kasunduan nila ni Dark Lee pero nagawa ko.
"Kahit anong gawin mo ay hindi mo ako mahuhulog sa kung anong laro mo Miss Kabiling. Lalo ka lamang bumaba sa pinakamababang level sa mga kung anu-anong inimbento mong kwento. Matalino at tuso si Dark Lee para maisahan mo. Isang beteranong investor si Mr. Seong para naman umayaw sa nauna niyang desisyon at palitan ng iba."
Napaismid na lang ako sa narinig. Hindi ko alam kung hindi nga ba naniniwala sa akin si Ivan o ayaw niya lang aminin na dahil sa magaling kong pag-arte ay napunta sa kanya ang bagay na dapat ay sa kanyang kakompetensya.
"Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala or pwede rin namang kaya ayaw mong maniwala ay dahil hindi mo matanggap na second option ka lang at talagang mas magaling sayo si Dark Lee?" pang-aasar ko naman sa kanya.
Dumilim ang mukha ni Ivan nang marinig ang pasaring ko.
"Bakit parang nalukot ang mukha mo? Nasapol ko ba ang ego mo Mr. Madrid dahil totoo ang lahat ng mga sinabi ko?"
"Leave." Madiin niyang muling pagtaboy sa presensya ko.
"Pwede mo akong paalisin but hindi mo ako ganun na lang mapapasuko. Ngayon pa ba na may utang na loob ka na sa akin." Maanghang kong parunggit.
"Wala akong utang na loob sa iyo. Umalis ka na at huwag na huwag ka ng babalik pa."
Napangiti ako ng hilaw sa paraan ng kanyang pagsasalita habang ako ay itinataboy. Pigil na pigil ang kanyang galit na kita ko naman sa pamumula ng kanyang buong mukha.
"May utang na loob ka sa akin at hindi mo mababago 'yun kahit pa paulit-ulit mong itanggi," madiin ko rin na linya.
"Leave!"