Episode 4

1218 Words
"Nasaan ako?" bulong kong tanong sa sarili ko habang pilit na inaaninag sa inaantok ko pa rin na ulirat ang lugar kung nasaan ba ako. Nilalamig ang katawan ko ngunit hindi ko magawang yakapin ang aking sarili dahil wala yata ako kahit konting lakas man lang. Nakahiga ako ngunit hindi sa kama sa kwarto ko kung hindi sa isang upuan ng isang sasakyan na kasalukuyan yatang umaandar. Gusto kong tumayo sa pagkakahiga ngunit sadyang tinakasan ako ng lahat ng lakas ng katawan. Para bang pagod na pagod ako kung saan ako nanggaling. Pumikit akong muli at saka inalala ang nangyari at kung bakit narito sa likod ng isang sasakyan na hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari. Nahihilo ako. Sumasakit ang sentido ko na para bang nakipag-inuman at umubos ng maraming bote ng nakakalasing na alak. "Sigurado ka bang itatapon na natin ang babaeng yan?" Napaigtad ako ng may marinig na magsalita. Ngunit nangilabot ako sa kung ano ang naging tanong niya sa kung sino ang kausap niya. "Ako kaya ang babaeng tinutukoy na itatapon nila?" tanong ko sa aking sarili at kahit wala ako sa sariling huwisyo ay nag-isip na ako kung paano ba ako makakaalis o matatakasan kung sinuman ang aking mga kasama ngayon. "Oo naman. Mahigpit ang utos sa atin na itapon ang babaeng yan. Kaya dapat lang na sumunod tayo." Tugon naman ng isa pa na boses lalaki rin. "Sayang! Ang ganda at ang kinis pa naman. Hindi ba pwedeng tikman man lang natin?" Napalunok ako ng sariling laway ng muling magsalita ang unang lalaking narinig ko. Lalong nadagdagan ang panlalamig na nararamdaman ko. Para bang nanigas ang katawan ko ng marinig na mukhang may balak siyang gawin sa akin. Nais niya akong pagsamantalahan. Ngunit sino ang nag-utos sa kanila na ipatapon ako? At saan ba ako nanggaling? Anong nangyari sa akin? Bakit wala akong maalala? "Gago ka ba? Gusto mo bang mautas agad ang buhay mo? Ang utos sa atin ni boss, itapon ang babaeng yan at hindi pagsamantalahan. At isa pa, pinagsawaan na yan ng amo natin kaya nga gusto niya ng ipatapon. Laspag na yan at malamang na nalawayan na ng ating amo ang bawat sulok ng katawan ng babaeng yan." Wari bang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib ng mapagtanto ko ano nga ang nangyari sa akin at kung bakit ganito ang itsura ko at kung bakit ako narito. Sinong boss? Sinong amo nila? At bakit nagawa niya akong babuyin ng ganito?! Hindi ko pa rin maipon ang buong lakas ko para makagalaw man lang. Tila tinakasan lalo akong ng lakas ng marinig kung ano ang nangyari sa akin habang wala akong malay. "Mga walang hiya! Mga hayop! Mga walang awa!" sigaw ko sa utak ko at ang uminit na ang mga mata ko dahil sa paglandas na ng aking mga luha. Pinagsamantalahan ako ng hindi ko kilalang tao? Binaboy niya ang katawan at pagkatao ko ng wala man lang akong kaalam-alam at kalaban-laban? Gusto kong magwala. Gusto kong pumatay ng tao sa oras ng ito. Anong nagawa ko sa taong iyon at nagawa niya ang bagay na ito sa akin?! "Heto na ba ang address?" maya-maya ay narinig kong tanong na naman. Bumagal ang pag-andar ng sasakyan at unti-unti lang itong umuusad pasulong. "Hayan na nga." Sagot naman ng isa pang lalaki at saka na tuluyan na tumigil ang sasakyan. Pumikit ako para hindi mahalata na nagkamalay na ako. Mahirap na at baka may gawin pa silang masama sa oras na malaman na alam ko na ang mga nangyayari sa paligid. "Bilisan natin at baka may makakita pa sa atin." Isang malakas na kamay ang humila sa aking pagod na katawan palabas ng sasakyan. Halata ang pagmamadali sa kilos ng lalaki na bumuhat sa akin dahil hinagis pa ang katawan ko sa malamig na sementadong sahig. Malakas na lumagapak ang katawan ko ng basta ako itapon kaya naman kahit sobra akong nasaktan sa pagtama ng ulo at likod ko sa matigas na semento ay tiniis kong huwag magkaroon ng tinig ang anumang sakit na naramdaman ko. Mabilis nga ang naging pangyayari dahil narinig ko rin ang paghagibis ng paalis na sasakyan ilang sandali pa lang ng basta na lang ako itapon. Dinig ko pa na bago umalis ang mga hindi kilalang lalaki ay sunod-sunod ang ginawa nilang pag doorbell sa kung nasaan man ako. "Alexis!" boses ng Papa ko ang narinig kong hestirikal na tumawag sa pangalan ko. Nasaan ba ako? Narito ba ako sa harap ng bahay namin? "Oh! My! Anong nangyari kay Alexis?!" ang malakas na boses naman ni Mama ang sumunod kong narinig. Niyugyog ang katawan ko dahilan kung bakit ako lalong nakadama ng pagkahilo. Ungol lang ang bukod tanging namutawi sa bibig ko. "Alexis? Anong nangyari sayong bata ka?! Bakit ganyan ang itsura mo?!" asik na tanong sa aking ng aking Papa ngunit sadyang wala pa rin akong lakas para magpaliwanag. Narinig kong tinawag na ni Mama ang iba naming kasambahay para ipasok ako sa loob ng bahay. "Dalian niyo at baka may makakita pa sa babaeng yan na ganyan ang itsura! Nakakahiya! Kahit kailan ay wala ka ng ginawang matino sa buhay mo Alexis! Puro kahihiyan na lang ang binigay mo sa pamilyang to! Manang-mana ka talaga sa mga kapatid mo na walang naidudulot na maganda sa aming ng Papa niyo!" sermon naman ni Mama. Malamang na salubong pareho ang mga kilay ng aking mga magulang. Hindi mapipinta ng kahit sinong magaling na pintor ang kanilang mga mukha sa kasalukuyan dahil sa galit na nararamdaman sa akin. Sa halip na mag-alala sa kalagayan at kung anong nangyari sa akin na anak nila ay mas nauna pa ang galit dahil sa kahihiyan na iniingatan nila. Sanay na ako pero hindi ko pa rin maiwasan na masaktan ang damdamin ko. "Sir, hindi po ba natin isusugod sa ospital si Ma'am Alexis? Para pong hindi maganda ang lagay niya?" tanong ng ni Mang Ben. Ang nagsisilbing hardenero ng mansyon. "Ano pang ginagawa mo?! Ihanda mo ang sasakyan at kayo ang sumama sa nakakahiyang babaeng yan! Baka may kung anong sakit o mikrobyo pa ang dala niyan at mahawa pa kami!" hiyaw ni Mama. Napaluha na lamang ako dahil minsan pang pinatunayan ng aking mga magulang na wala akong halaga sa kanila bilang anak nila. Mula mga bata kami ng mga kapatid ko ay hindi namin naramdaman na magulang sila para sa amin. Lumaki kami nina Ate April at Abby na takot na takot kay Mama at Papa. Ang bawat salita at utos nila ay nagsisilbing mga banta sa aming mga buhay at sa oras na kami ay sumuway ay tapos na kaming magkakapatid. Kaya naman bata pa lang din ako ay naging goal ko sa buhay ang mag-isip ng dahilan kung paano ko mapapa hanga sina Mama at Papa. Gusto ko kasing maging proud sila sa akin. Nais kong ipagmalaki nila ako bilang anak nila. At ang isa nga sa naging balak ko ay ang akitin at paamuin si Ivan Madrid na alam kong perpektong lalaki na magugustuhan nina Mama at Papa na maging asawa ko. Pero mukhang bigo ako. Dahil heto ako ngayon. Mahinang-mahina at tila walang maalala sa kung anong nangyari sa akin. Nakahiga sa malamig na sahig habang halos wala na yatang saplot sa aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD