EPISODE 2
Pagkatapos akong pagsabihan ni Daddy sa first day of my work sa kompanya ay pinagpatuloy ko pa rin ang aking trabaho. Sanay na ako sa mga salita niya simula pa noong bata pa ako kaya hindi ako susuko kaagad.
“Isabelle!” rinig kong tawag sa akin ni Ate Lara.
Napatigil ako sa aking ginagawa sa laptop nang makita ko si Ate Lara na pumasok sa opisina ko habang nakangiti. Tumayo ako at binate si Ate Lara.
“Ate, ikaw pala,” sabi ko at ngumiti.
“Hindi na kita nakikitang lumalabas sa opisina mo! Diba sabi ko sabay tayong kumain?” nakangiting sabi ni Ate at kumapit sa aking braso.
Ngumiti na lang ako sa kanya at hindi nagsalita.
She’s a good ate to me, pero nang dahil sa pagtrato ni Daddy sa amin, lalo na sa akin ay hindi ko mapigilang mailang kay Ate Lara. Alam kong nasasaktan ko si Ate sa paglayo ng loob ko sa kanya dahil close na close kami noong mga bata pa kaming dalawa. Pero mas gustuhin ko pang makasama buong araw sila Naime at Kira kaysa pamilya ko.
“Sige na, hindi ba sinabi ni daddy sa iyo na may lunch tayo? It’s important, Isabelle,” sabi ni Ate.
Natigilan ako sa sinabi niya.
I didn’t know.
Hindi sinabi sa akin ni dad na may lunch kaming ngayon, kahit kanina sa pag kain namin sa breakfast ay hindi niya ito nabanggit.
Malungkot akong ngumiti.
Para sa kanila si Ate Lara lang talaga ang kanilang anak. Ako? Isang malakin pagkakamali lang naman.
“Let’s go na! kasama natin mag lunch ang Coleman Family,” excited na sabi ni Ate Lara at hinila na ako palabas sa office ko.
Wala akong nagawa kundi sumama sa kanya.
I know the Coleman Family. Ang panganay na anak ng Coleman na si Alexander Oren ay ang kinababaliwan ng kaibigan ko na si Naime. Hindi ko alam kung ilan sila na magkakapatid kasi wala naman akong pakialam sa kanila. Hindi ko alam na malapit din pala ang pamilya ko sa pamilya nila. Ang alam ko lang ay magkakilala si Anderson Coleman at ang aking ama.
Sumakay ako sa kotse ni Ate at siya ang nag da-drive papunta sa restaurant kung saan kakain kami sa aming lunch. Hindi ko mapigilang magtampo at malungkot sa mga magulang ko pero binalewala ko na lang ito kasi kahit anong gawin ko ay pamilya ko pa rin sila. Magbabago rin ang tingin nila sa akin at mamahalin nila ako.
Nang makarating kami sa restaurant ay umuna nang mag lakad si Ate Lara habang ako ay tahimik lang na nakasunod sa kanyang likuran ngayon.
“Lara, my daughter!” rinig kong sabi ni Mommy.
Hindi ko mapigilang mapayuko at manliit sa aking sarili.
Sana hindi na lang ako sumama.
“Hi, mom and dad! Sinabay ko na si Isabelle,” nakangiting sabi ni Ate Lara at kumapit sa aking braso.
Ngumiti ako kay Mom at Dad.
“I’m glad you are here, Isabelle,” sabi ni Mom.
Hindi ko mapigilang matuwa sa sinabi ni Mom.
Nakita kong tinignan lang ako ni Dad at hindi pinansin.
Tumayo si Dad at pinakilala ang mag-asawang nasa table rin namin. Ito na ata ang mag-asawang Coleman.
“Anderson and Rachel, meet my daughters, Lara and Isabelle,” pakilala ni Dad sa amin ni Ate sa mag-asawang Coleman.
Lumapit si Ate sa dalawa at nakipag beso.
“Nice to meet you, Mr. and Mrs. Coleman. I am the CEO of Montenegro’s Company, Lara Laureen Montenegro,” nakangiting pagpapakilala ni Ate sa sarili.
Kitang-kita sa kanya na sanay na sanay na talaga siya sa ganito habang ako naman ay hindi.
“You’re so beautiful, Hija!” sabi ni Mrs. Coleman kay Ate.
Nakita kong napasulyap sa akin si Mrs. Coleman kaya nataranta ako bigla.
“H-Hello po, ako po si Isabelle,” nauutal kong sabi.
Mabilis akong napatingin kay Daddy at nakita ko ang kanyang pag-iling habang nakatingin sa akin.
“I like you, Hija,” nakangiting sabi ni Mrs. Coleman at kinindatan ako.
Napakunot ako sa aking noo at nagtaka sa kanyang sinabi.
Magsasalita pa sana ako nang magsalita na si Daddy at pinaupo na kami.
Nagsimula na kaming kumain at tahimik lang ako sa gilid, habang sila Daddy at Ate Lara naman ay kinakausap ang mag-asawang Coleman tungkol sa trabaho at nakikisama na rin si Mommy sa usapan.
Hindi ako pwedeng makisali sa usapan dahil wala naman akong alam sa pinag-uusapan nila. Pinagmamalaki rin ni Dad si Ate ngayon sa harapan ng mag-asawang Coleman kaya mas lalo akong nanliit sa aking sarili at tahimik lang dito sa gilid.
Nakita ko rin na napapasulyap sa akin si Mrs. Coleman at kapag napapatingin ako sa kanya ay nginingitian niya ako at muling bumalik sa pakikipag-usap kina Daddy.
Natapos na ang lunch namin dito sa restaurant kasama ang mag-asawang Coleman. Nakatayo na kami ngayon at ready na umalis. Sasabay ulit ako kay Ate Lara upang makabalik sa aking trabaho dahil hindi ko dala ang aking sasakyan.
“Thank you for your time, Anderson and Rachel. It’s our great pleasure to talk to both of you,” nakangiting sabi ni Daddy.
“No worries, Jose. Masaya rin kaming nakasama namin kayo,” nakangiting sabi ni Mr. Coleman.
Nasa gilid lang ako ni Ate ngayon at tahimik pa rin.
Nakita kong napatingin ulit sa akin si Mrs. Rachel Coleman at nginitian ako, kaya nginitian ko rin siya pabalik kahit hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa kanya.
Nauna nang umalis ang mag-asawang Coleman kaya kami nalang nila ate at nila Daddy at Mommy.
“Hanggang ngayon, Isabelle, hindi ka pa rin nagbabago! Pinapahiya mo pa rin ang pamilya natin,” malamig na sabi ni daddy habang nakatingin sa akin.
Napakurap ako at napakagat sa aking labi.
“Jose, ‘wag dito,” sabi ni Mommy at hinawakan ang braso ni daddy.
Tinignan ako ni Ate at nakita ko sa kanyang mukha ang awa para sa akin.
Please, I don’t need your pity.
I hate it.
“Dad, una na po kami ni Isabelle. May trabaho pa kasi kami,” sabi ni Ate. Hinila na niya ako palabas sa restaurant.
Nang makapasok kami sa kanyang kotse ay agad akong hinarap ni Ate.
Bago siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
“Please, Ate... mas lalo lang akong maiinis sa iyo kapag magsalita ka pa,” malamig kong sabi at umiwas na nang tingin.
Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga at pinaandar na ang kotse.
Kinuha ko naman ang aking cellphone at tinext si Naime.
To Naime girl:
Hey, girl! Club tayo mamaya!
Mabilis na nag reply si Naime at as usual, go siya palagi kapag inoman na ang usapan.
Sa pag-iinom na lang talaga ako nakakahinga nang maluwag. Parang sasabog ako palagi kapag nasa bahay, o ‘di kaya ay nasa trabaho ako na hindi ko naman gusto.
Gusto ko nang maging malaya at magawa ang gusto kong gawin sa aking buhay.