EPISODE 3
“Isabelle, how was your work?”
Napatigil ako sa aking pag kain at napatingin kay Daddy nang magsalita ito.
Bahagya akong ngumiti bago ibinalik ang tingin sa aking pagkain.
“I-It was good, Dad. I enjoyed it,” pormal kong sagot kay daddy at nagpatuloy sa aking pag kain.
“Just don’t make any mistakes,” rinig kong sabi sa aking Ama.
Hindi na sana ulit ako magre-react nang marinig kong magsalita si Ate Lara kaya napatingin ako sa kanya.
“You know what, Dad, ang sipag ni Isabelle sa company at magaling talaga siya!” nakangiting sabi ni Ate Lara at kinindatan ako.
Gusto kong sabihin kay ate ngayon na I don’t want and need her help. Alam ko naman na ginagawa niya lang ito ngayon para palakasin ang aking kalooban.
“Really? I’m so happy for you, Isabelle,” nakangiting sabi ni Mommy.
Nginitian ko ito at sinulyapan si Dad, pero wala man lang siyang sinabi.
Natapos na kaming kumain sa aming breakfast at papunta na ako sa trabaho ngayon. Masakit pa rin ang ulo ko dahil napadami siguro ang inom ko kagabi ng alak habang nag ba-bar kami ni Naime.
“Isabelle!” tawag ni ate sa aking pangalan. Pasakay na siya ngayon sa kanyang kotse.
“Yes, ate?” sagot ko.
“Sumabay ka na sa akin. Same lang naman tayo ng lugar na pupuntahan,” nakangiting sabi niya.
Maliit akong ngumiti at umiling.
“I’m sorry, Ate. I’m going to use my car. See you at the company,” sabi ko at dumiretso na sa aking kotse at sumakay.
Hindi ko kayang makipag-plastikan kay Ate Lara ngayon.
Nang makarating ako sa kompanya ay agad akong pumunta sa aking office at ginawa ang aking trabaho. Sa loob na rin ako ng aking office kumain ng lunch kasi gusto kong pagurin ang aking sarili. Gusto kong malaman ni Dad na kaya kong gawin ang kayang gawin ni Ate Lara. Kaya ko rin patakbuhin ang kompanya at palaguin ito kagaya ng ginawa ni daddy noon kaya ganito na kalaki ang aming business.
Hindi ko namalayan ang oras na 7 PM na pala at hindi pa ako umuuwi.
Napahinga ako nang malalim at kinuha na ang aking bag at lumabas na sa aking opisina upang makauwi.
Nang makauwi ako sa bahay ay nagtaka ako nang makita ko sila Mommy at Daddy sa may living room habang seryoso na nag-uusap.
Napatingin sa akin si Mommy kaya napatayo siya at nilapitan ako.
“Nandito ka na pala, Isabelle. May sasabihin kaming importante sa iyo,” sabi ni Mom at hinawakan ang aking kamay upang makalapit kay daddy.
Umupo ako sa couch na nasa kanilang harapan. Nakita ko rin si Ate Lara na kalalabas lang galing kusina at seryoso rin ang kanyang mukha ngayon, umupo siya sa aking tabi at nginitian ako bago humarap kay daddy.
Hindi ko mapigilang magtaka at kabahan habang tinitignan sila ngayon. Parang may mangyayaring masama at hindi sasang-ayon sa aking kagustuhan.
“Isabelle, may sasabihin ang daddy mo sa iyo,” nakangiting sabi ni Mommy at tinignan si daddy.
“Ano po iyon?” tanong ko at napatingin kay daddy.
Bumuntong-hininga siya at seryoso akong tinignan.
“Hindi ko alam kung anong nakitang maganda ni Rachel sa iyo. Mas gusto ko pang si Lara nalang iyon kasi marami pa siyang maipagmamalaki sa pamilya,” sabi ni Dad.
“Daddy…” saway ni Ate.
Napakunot ang aking noo at hindi maintindihan ang sinabi ni Daddy. Pero kahit na hindi ko pa naintindihan ang ibig niyang sabihin ay hindi ko mapigilang masaktan. Kinompara niya na naman ako kay Ate Lara at hindi siya makapaniwalang mas gusto ako ni Tita Rachel kaysa kay Ate.
“Honey, mamaya na iyan. Sabihin mo muna kay Isabelle ang totoo kasi naguguluhan siya sa sinasabi mo,” sabi ni Mommy.
Strikto akong tinignan ni Dad.
“Ikakasal ka na, ikakasal ka na sa pangalawang anak ni Anderson at Rachel Coleman,” sabi ni Daddy habang seryosong nakatingin sa akin.
Napakurap ako sa aking mga mata at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
Napatingin ako kay Ate at nakita ko lang itong malungkot na nakatingin sa akin ngayon.
Muli akong napatingin kay Dad at napailing.
“What do you mean, dad? Ayaw ko pong ikasal,” sabi ko.
Nakita ko ang inis sa mukha ni daddy kaya kinabahan ako bigla.
“Akala mo ba ay madali lang sa akin ito, Isabelle?” sabi niya.
Napakagat ako sa aking labi.
“Hindi ako makapaniwalang ikaw ang gusto nilang ipakasal kay Luke! It should be your Ate Lara! Wala kang maibibigay sa kanila at sa amin kundi disappointment lang at mga problema!” sigaw ni daddy habang nakatingin sa akin nang masama.
Hindi ko mapigilang maiyak sa sinabi ni daddy.
“Isabelle…” rinig kong sabi ni Ate Lara at hinawakan ako sa aking balikat.
Mabilis ko namang inalis ang kamay niya sa aking balikat at tinignan siya nang masama.
“Huwag mo akong hawakan!” sigaw ko.
Nakita kong nagulat si Ate sa aking ginawa pero wala akong pakialam.
Muli kong tingnan si Dad habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Ngayon lang ako umiyak sa kanilang harapan kasi ayaw kong makita nilang mahina ako, pero ngayon ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili kasi parang sobra na, hindi ko na kaya.
“Dad, ginawa ko po ang lahat, pero kulang pa rin ba? Puro na lang mga mali ko ang nakikita niyo, pero ‘yung mga mabuting nagawa ko ay hindi niyo man lang nakita! Sobra na kayo, daddy! Tao lang naman po ako, nagkakamali. Alam kong magaling si Ate at hinding-hindi ko malalampasan kung ano na siya ngayon. Pero sana naman ma appreciate mo lahat ng ginawa ko para sa’yo, para sa pamilyang ito!” sabi ko.
Umiiyak lang ako habang nakatingin kay Daddy na malamig lang na nakatingin sa akin.
Nakita kong napaiwas nang tingin si Mommy at hindi nagsalita.
“Huwag na huwag mo akong pagsalitaan, Isabelle Montenegro. Ikakasal ka kay Luke Coleman, sa ayaw at sa gusto mo,” matigas na sabi ni Daddy.
Napapikit ako sa galit at huminga nang malalim bago tinignan si Daddy.
“Hindi ako papayag! Ayokong magpakasal at wala na kayong magagawa roon!” sigaw ko.
Galit na lumapit si daddy sa akin at sinampal ako nang malakas.
Napaupo ako sa couch na nasa aking likod at napahawak sa aking pisngi sa lakas nang pagsampal ni Daddy sa akin.
“Wala kang karapatan na humindi, Isabelle! Wala ka na ngang nagawang maganda sa pamilyang ito, magmamatigas ka pa!” galit na sigaw ni Daddy habang pinipigilan nila Ate at Mommy na masampal ulit ako.
“Isabelle, umalis ka muna!” sabi ni ate.
Tumayo ako at walang sabi na umalis at lumabas ng bahay.
“Isabelle, come back here!” rinig kong galit na sigaw ni Daddy sa loob ng bahay.
Napahikbi ako at nanginginig habang papunta sa aking kotse at pumasok.
Pinaandar ko naman ito at hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ang alam ko lang ay malungkot at nasasaktan ako at gusto kong mawala ito kahit saglit lang.
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa harapan nang isang bar.
Huminga ako nang malalim at lumabas.
Sa gabing ito kakalimutan ko muna ang lahat ng aking problema at magsasaya muna.