EPISODE 1: ISABELLE MONTENEGRO

1110 Words
EPISODE 1 “Bakit hindi mo tularan ang ate mo, Isabelle? Tignan mo ang narating niya ngayon, marami na siyang mga foreign investors at napalago niya na rin ang company,” sabi ni Dad habang pinagmamalaki si Ate. “Ano ka ba, Dad. Don’t pressure Isabelle. Bata pa siya at marami pa siyang matututunan. Let Isabelle enjoy her life,” nakangiting sabi ni Ate Lara at sinulyapan ako. Tahimik lang akong kumakain sa aking kinauupuan habang patuloy pa rin si daddy at mommy sa pagkokompara sa akin kay Ate. Simula noong bata ako ay wala nang araw na hindi ako kinokompara nila Daddy at Mommy kay Ate Lara. 3 years ang gap namin ni Ate Lara at marami na talaga siyang narating sa buhay niya at siya na ang namamahala sa company namin with the guidance of our dad pa rin naman. “Tapos na po akong kumain,” sabi ko at tumayo. Aakmang aalis na ako nang tawagin ako ni daddy. Muli akong humarap kay Dad upang respeto na rin sa kanya. “Ano ang plano mo sa buhay mo, Isabelle? Graduate ka na at hanggang ngayon ay wala ka pa ring trabaho. Sa kompanya ka mag trabaho at ipakita mo ang gilas mo roon,” seryosong sabi ni dad. Bumuntong-hininga ako at bahagyang ngumiti. “Sure, dad,” sabi ko at umalis na roon at bumalik sa aking kwarto. Nang makapasok ako sa aking kwarto ay agad akong napahawak sa aking dibdib at napahinga nang malalim. Wala na naman akong choice kundi sundin ang gusto ng aking mga magulang. Gusto ko maging fashion designer pero hindi ko ito naituloy. Noong nasa college pa ako ay sinabi ko kina Mom at Dad ang gusto kong trabaho in the future. Pero nagalit si Dad sa akin, nagalit siya nang sabihin kong gusto ko maging fashion designer. Sabi niya na ay wala akong mararating sa buhay ko kapag iyon ang ipinili ko. So, he choose my course, and I really don’t like it. Ilang taon din akong palaging nag-break down at na depressed sa course ko. Kahit naman business management ang course ko ay nahihirapan talaga ako nang sobra. I’m not into business at hindi ako katulad ni Ate na gustong-gusto niya talaga ang mamahala sa business namin. I just want to be a fashion designer at makapunta sa iba’t ibang fashion events, iyon ang pangarap ko at wala nang iba. Nandito ako ngayon sa kompanya ng pamilya ko na pinamamahalaan ni Ate Lara at ngayon din ang first day nang aking work. “This is your office at kapag may kailangan ka, pwede mong tawagin ang secretary mo,” nakangiting sabi ni Ate Lara nang samahan niya ako sa magiging opisina ko. I didn’t hate Ate Lara kasi masasabi ko talagang mabuti siyang kapatid sa akin. Pero hindi ko talaga maiwasang mainggit at mainis sa kanya minsan lalo na kapag kinokompara ako ng aming mga magulang sa kanya. “Thank you, Ate Lara. Don’t worry, kaya ko na ang sarili ko,” nakangiti kong sabi. Ngumiti siya pabalik at nagpaalam na sa akin na aalis kasi may meeting pa siya na e a-attend. Nagsimula na akong magtrabaho at first day pa lang sa aking trabaho ay nahihirapan na talaga ako. Nag ta-trabaho ako ngayon nang biglang tumunog ang aking cellphone at nakita ko na ang tumatawag ay si Kira, my bestfriend. “Hey, girl! What’s up,” masigla kong sabi nang sagutin ko ang tawag niya. Kahit na nahihirapan na ako at pagod na, hindi ko pa rin pinaparamdam at pinapakita sa mga kaibigan ko ang mga ito. I don’t want them to pity me. I can handle myself and my problems. “Busy ka ba? Nasa restaurant kami ni Naime ngayon, nang libre siya!” masayang sabi ni Kira. “Girl, Let’s go na! I miss you na!” rinig kong sabi ni Naime sa kabilang linya. Napangiti ako sa kanila. Matagal na rin akong hindi nakapagbonding sa mga kaibigan ko at miss na miss ko na rin talaga sila. Pero hindi ko kayang humindi kay Daddy, gusto kong ipakita sa kanya na karapat-dapat niya rin ako tawaging anak at ipagmalaki. “I’m sorry, girls. May trabaho na kasi ako rito sa kompanya, and it’s my first day. Ang dami kong tatapusin ngayon na trabaho,” sabi ko. “Ganun ba? Sige, mag ingat ka diyan! Miss ka na namin,” rinig kong sabi ni Kira. “I miss you, girl!” sabi ni Naime. “Miss you too,” nakangiti kong sabi at nagpaalam na sa kanila. Nang ibaba ko na ang aking cellphone ay hindi ko mapigilang magulat at kabahan nang makita ko si Dad sa hindi kalayuan na seryosong nakatingin sa akin. Mabilis akong tumayo at bahagyang yumuko upang mag bigay galang. Nakita ko siyang pumasok sa aking office. Transparent kasi ang wall ng aking office kaya lahat nang ginagawa ko sa loob ay nakikita nila, pero hindi nila ako naririnig sa labas. “D-Dad, ikaw po pala,” kinakabahan kong sabi. Akala ko nasa meeting siya ngayon kasama si Ate Lara. “What do you think you’re doing?” malamig na tanong ni Daddy habang nakatingin sa akin. Kinakabahan akong napatingin kay Dad at napahawak nang mahigpit sa manggas ng aking suot na damit. “N-Nag ta-trabaho po, Dad,” nauutal kong sagot kay Daddy. “Working? Pero nag ce-cellphone ka lang?” tanong ni Dad. Mabilis akong napailing. “N-No, dad. Nag-take lang ako ng kunting break kasi marami akong tinarbaho. Pero nagta-trabaho po talaga ako, dad,” sagot ko. Umiling si Daddy. “Wala ka pa ring pinagbago, Isabelle. Akala ko pa naman ay nag tanda ka na. Be like your Ate Lara na responsible sa kanyang trabaho! Hindi ‘yung puro barkada at lakwatsa na lang ang inaatupag mo! I’m so disappointed in you, Isabelle,” Sabi ni Daddy at lumabas na sa aking opisina. Napatulala ako sa kanyang huling mga sinabi sa akin. Naramdaman ko ang pagpatak ng aking mga luha sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinunasan at hinang napaupo sa aking swivel chair at napayuko. Hindi pa rin sapat ang lahat ng ginawa ko para lang maipagmalaki ako ni Daddy. Ang nakikita niya lang lahat sa akin ay ang aking mga kamalian. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang maging proud din naman sa akin si Dad. Gusto kong maging katulad ni Ate Lara para man lang maramdaman kong may isa akong Daddy at Mommy na proud at suportado sa akin, pero wala. I’m not their favorite daughter, Lara Montenegro. I’m the unwanted daughter, Isabelle Montenegro. And I’m so tired of this sh*t in my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD