EPISODE 4: REALITY HURTS

2451 Words
EPISODE 4 Mag-isa ako ngayon na nag-iinom sa may counter sa isang bar na pinuntahan ko. Hindi ko na natawagan si Naime dahil galit na galit ako at ang nasa isipan ko lang sa mga oras na ito ay uminom nang uminom, at iyon nga ang ginagawa ko. Hindi ako makapaniwala na hanggang sa paghahanap ng lalaking pakakasalan ko ay ang ama ko pa rin ang mag de-desisyon. Pinagbigyan ko na siya noong nag-aaral ako sa college. Pinagbigyan ko ang ama ko na siya ang magdesisyon sa magiging trabaho ko in the future at hindi ang gusto kong gawin, ang isang maging fashion designer. Pero hindi ako makakapayag na hanggang sa kasal ko ay ang ama ko pa rin ang mag de-desisyon. Hindi ko nga kilala ang Luke na iyon! Sino ba ‘yun?! Wala akong pakialam sa lalaking iyon at wala akong plano para makilala siya. Wala akong pakialam kung isa man siyang Coleman at kapatid siya ni Alec. Hinding-hindi ako papayag sa kasal na sinasabi ni Daddy. Ayoko pang magpakasal! Muli nalang akong uminom kahit nahihilo na ako. Rinig na rinig ko na ang malakas na tugtugan ngayon dito sa bar at hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa ibang tao rito na nagsasaya. Sana tinawagan ko na lang si Naime para naman may kasama ako rito sa pagsasaya at hindi ako mag-isa rito. “Hey, Miss.” Napatigil ako sa aking pag inom nang may tumabi sa aking pag upo rito. He’s cute. Ngumiti ako at sinagot siya. “Hey, Mister,” sabi ko. “Can I seat here?” pa cute niyang sabi. Mahina akong tumawa at tumango. “Sure, cutie boy,” sabi ko at kinindatan siya. Muli akong uminom sa aking alak at tumingin ulit sa mga taong nagsasayawan sa dance floor. Napaindak na rin ako at napapasabay sa music kahit nakaupo lang ako. Natigil lang ako nang lumapit bigla sa akin si cutie boy at bumulong sa aking tenga. “You want to dance?” bulong niya. Napakagat ako sa aking labi at napatingin sa kanya. Ngumisi ako at tumango. Tumayo na siya at inalalayan ako papunta sa may dance floor. Nang makarating na kami sa gitna ay nagsimula na kaming sumayaw. Makalipas ang ilang minuto ay nag iba ang kanta at naging mas wild pa ito kaya mas lalo akong ginanahan sumayaw. Naramdaman ko ang kamay ni cutie boy sa aking beywang kaya napakapit na rin ako sa kanyang leeg at gumiling-giling. Nakita kong papalapit na ang kanyang mukha sa akin kaya ako na ang unang humalik sa kanya habang patuloy pa rin kami sa pagsasayaw. Marami na akong nahalikan na mga lalaki kapag nasa isa akong bar at lasing. Pero may control pa rin naman ako sa sarili ko dahil hanggang halik lang ako sa mga lalaking nakakasama ko sa iba’t ibang bar. Nang naramdaman ko na ang kamay ni cutie guy sa may dibdib ko ay itinigil ko na ang paghalik sa kanya at bahagyang lumayo. Ngumisi ako sa kanya at naglakad papunta sa may unahan malapit sa may DJ. Mas lalo pang umingay ang mga tao rito sa loob. Bago ako pumunta sa may stage ay kumuha muna ako ng isang basong alak at agad itong tinunga at pumunta sa harapan. Agad kong narinig ang malakas na hiyawan ng mga tao at chini-cheer ako. Lumapit muna ako sa may DJ at binulongan ito para maka request ng kanta. Ngumiti siya at tumango kaya agad akong napaharap ulit sa mga tao at nagsimula nang sumayaw nang marinig ko na ang kanta na ni-request ko. “Party! Party!” sigaw ko at nagsimula nang sumayaw. Nag-indakan na rin ang mga tao sa dance floor at nakisayaw sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at nagpatuloy sa aking pagsaway. Kahit isang gabi lang… kahit isang gabi lang ay makalimutan ko muna ang aking problema. ANG sakit ng aking ulo. Para itong binibiyak at parang hinahati sa dalawa! “Isabelle, gising!” Hinay-hinay akong napamulat sa aking mga mata nang marinig ko ang malakas na boses na iyon. Agad akong napaupo nang makita ko si Naime at si Kira sa aking harapan. Pareho silang nakapameywang habang nakatingin nang seryoso sa akin. Napakurap ako sa aking mga mata at naguguluhan silang tinignan din. “Anong nangyari?” mahina kong tanong habang nakatingin sa kanila. “Naglasing ka lang naman kagabi, Isabelle Montenegro! Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na huwag ka masyadong magpakalunod sa alak!” sabi ni Kira. “Gumawa ka rin nang eksena sa bar kagabi! Grabe! Bakit hindi mo ako sinabihan?!” sabi ni Naime at napasimangot. Napakawak ako sa aking noo nang sumakt ulit ang aking ulo. Agad akong bigyan nang gamot ni Naime habang si Kira naman ay tinulungan ako para makakain sa hinanda niyang sopas. Pagkatapos kong kumain ay bumangon na ako sa kama at pumuntang CR upang makaligo. Nasa condo unit ako ngayon ni Naime at sila ring dalawa ang sumundo sa akin sa bar kagabi. Hindi ko na naalala ang sumunod na nangyari sa akin kagabi sa bar. Ang naalala ko lang ay nagsayaw ako sa may stage at hanggang doon nalang ang naalala ko. Nang matapos na ako sa aking pagligo at pag-aayos ay lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa may living room kung nasaan ngayon si Naime at Kira. Nasaan na ba ang phone ko? “Nakita niyo ba ang cellphone ko?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Yes. Lowbat ang cellphone mo kagabi kaya chinarge ko. Nasa may kusina ang cellphone mo. Check mo lang doon,” sabi ni Naime. Agad din akong pumunta sa may kusina at hinanap ang cellphone ko. Nakita ko itong naka charge sa taas ng refrigerator ni Naime. Kinuha ko ito at binuksan. Nakita kong full na ang battery ng aking cellphone kaya binuksan ko na ito kasi baka may importanteng message para sa akin. Bahagya akong nagulat nang buksan ko na ang aking cellphone. Nakita ko kaagad sa aking screen ang 560 missed calls galing sa aking buong pamilya. Ang pinakamaraming tawag sa kanilang tatlo ngayon ay si Ate Lara at sumunod ay si Mommy. “Isabelle, okay ka lang?” Agad akong napatingin sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Kira. Ngumiti ako at tumango. “Yes, girl. Masakit lang kasi talaga ang ulo ko,” sabi ko kay Kira. Napatango siya at muli akong tinignan nang seryoso. Hindi ko mapigilang kabahan sa uri nang tingin niya sa akin. Parang niyang hinuhusgahan ang buo kong pagkatao sa titig ni Kira sa akin. “Anong tingin ‘yan, Kira Tia?” tanong ko sa kanya at tinaasan siya nang kilay. “Kagabi pa tawag nang tawag ang ate mo sa’yo, Isabelle. Alam ko naman na ayaw mo na mangialam kami sa personal mong mga problema kaya hindi ko na sinagot ang tawag ng ate mo at hinayaan ko na lang. May problema ba sa inyo, Isabelle?” seryosong sabi ni Kira at nilapitan ako. Umiwas ako nang tingin sa kanya at huminga nang malalim. Muli akong tumingin kay Kira at nginitian siya. “Wala ‘no! Makulit lang talaga ‘yun si Ate Lara. Buti na lang talaga hindi mo sinagot ang tawag niya,” nakangisi kong sabi ni Kira. Maliit siyang ngumiti sa akin at hindi na ulit nagtanong. Buti na lang talaga hindi ako pinipilit ng aking mga kaibigan na sabihin sa kanila ang problema ko. Ganun din naman ako sa kanila, hindi ko rin sila pinipilit na sabihin sa akin ang problema, o hindi kaya mga sekreto nila. Handa akong mag hintay na sabihin na nila sa akin ang mga sekreto nila at hindi ako magagalit. Kinakabahan na ako dahil muli na namang tumawag sa akin si Ate Lara pero hindi ko ito sinagot. Ayokong sagutin ang tawag niya kasi uuwi na rin naman ako ngayon. Humiram na muna ako nang kotse ni Naime at agad niya rin akong pinahiram dahil pwede niya na rin naman lakarin dito sa building ng condo niya ang boutique at milk tea shop niya eh. Nang makarating ako sa labas ng aming bahay ay hindi ko na mapigilang kabahan. Pinatay ko na ang kotse at lumabas dito. Huminga muna ako nang malalim bago maglakad papunta sa pintuan ng aming bahay at pumasok. Nang makapasok ako ay kaagad kong nakita si Ate Lara sa may Living room na parang hindi mapakali. Nang makita ako ni Ate Lara ay agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking braso. “Ate, ano ba?! Ano bang problema mo?!” inis kong sabi at inalis ang kanyang kamay sa aking braso. Tinignan niya ako nang masama at nagsalita. “Bakit hindi mo sinagot ang mga tawag ko, Isabelle?!” tanong niya. Hindi ko mapigilang mapairap at muling napatingin kay Ate. “Ano namang pakialam mo kung hindi ko sinagot ang tawag mo? Nakauwi na rin naman ako at nandito na ako sa harapan mo ngayon,” sagot ko sa kanya. Sinampal ako ni Ate Lara sa aking pisngi. Napahawak ako sa aking pisngi at hinay-hinay na napatingin sa kanya at hindi makapaniwala sa kanyang ginawa sa akin. Magsasalita na sana ako nang marinig ko nalang ang malakas na boses ni Daddy. Kaya ang galit at inis nararamdaman ko ngayon kay Ate Lara ay napalitan lahat nang takot sa aking Daddy. “Nasaan ang babaeng ‘yun?!” malakas na sabi ni Daddy. Naramdaman ko ang paghawak ni Ate Lara sa aking braso kaya napatingin ako sa kanya. “I-Isabelle, umalis ka na. Huwag ka munang bumalik dito sa bahay at ako na ang bahala kay Daddy,” natataranta na sabi ni Ate Lara. Napakunot ang noo ko at hindi nakapagsalita. Bago ako makaalis sa bahay ay nakita ko na si Daddy na bumaba sa may hagdan habang sa likod naman niya ay si Mommy na malamig ang tingin sa akin. “D-Daddy,” nauutal kong banggit. Humarap na rin si Ate kay Daddy at nakahawak pa rin siya ngayon sa aking braso at nasa likuran niya ako ngayon. “Lara, umalis ka sa harapan ko,” matigas na sabi ni Daddy. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Ate sa aking braso kaya hindi ko mapigilang mataranta na rin. “D-Dad, hindi niyo kailangan gawin ito,” mahinang sabi ni Ate Lara. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na ginawa ni Daddy. Itinulak niya si Ate palayo sa akin at malakas akong sinampal ni Daddy sa aking pisngi. Sa lakas nang pagsampal sa akin ni Daddy ay napaupo ako sa may sahig. “Daddy!” rinig kong sabi ni Ate Lara. Nanghihina pa rin ako sa ginawang pagsampal ni Daddy sa akin. Hinawakan ni Daddy ang aking braso at marahas akong pinatayo. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. “Wala ka na talagang nagawang matino, Isabelle! Akala mo hindi ko malalaman ang ginawa mo kagabi sa isang bar?!” galit na sigaw ni Daddy. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Nakita kong kinuha ni Daddy ang hawak na cellphone ngayon ni Mommy at hinarap ito sa akin. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang aking sarili sa video habang sumasayaw sa may stage na parang malandi. Inalis ko rin ang suot ko na damit kaya naka bra na ako sa video. Hinalikan ko rin ang DJ sa labi at nakipaglaplapan dito. Muli akong sinampal nang malakas ni Daddy kaya hindi ko na mapigilang mapaiyak. “Malandi kang babae ka! Ito ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo, Isabelle?! Ginawa ko ang lahat para mapaganda ang buhay mo, ang buhay natin! Tapos ito lang ang ibibigay mo sa amin?!” sigaw ni Daddy. Hindi ako makapagsalita ngayon. Iyak lang ako nang iyak habang nakatingin kay Daddy. Nahihiya ako sa kanila, nahihiya ako dahil nakita na nila kung ano ako sa labas ng bahay na ito. “Hon, calm down,” rinig kong sabi ni Mommy at hinawakan ang braso ni Daddy. “Hinding-hindi ka na makakawala pa, Isabelle. Sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal ka kay Luke Coleman! Malaki pa ang lilinisin ko rito sa gulong ginawa mo!” sabi ni Daddy. Nanlaki ang aking mga mata at napailing. “D-Dad, please po… I don’t want to get married,” umiiyak kong sabi at aakmang hahawakan ko na ang kamay niya nang inilayo niya ito sa akin at tinignan ako nang masama. “Manahimik ka! Wala kang karapatan na humindi kasi wala kang kwenta!” sabi ni Daddy at tumalikod na at naglakad paalis kasama si Mommy. Napayuko ako at muling napaiyak sa sakit. Sakit sa malakas na sampal na ginawa ni daddy sa akin ngayon at sa masasakit na salitang binitawan sa akin ni Daddy. Natigil ako sa aking pag-iyak nang maramdaman ko ang kamay ni Ate Lara na nasa aking balikat. Tinignan ko siya at inalis ang kamay niya sa aking balikat. Kita ko rin ang awa sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin kaya hindi ko na naman mapigilang mainis at magalit kay Ate Lara. “Hindi ko kailangan ang awa mo ngayon, Ate! Pwede ba, tigilan mo na ‘yang kaartehan mo kasi alam kong ang saya-saya mo ngayon dahil malaki ang galit ni Daddy sa akin!” sigaw ko. Natigilan ako nang sampalin ulit ako ni Ate. Tinignan ko siya nang masama pero natigilan nalang ako nang makita ko siyang umiiyak ngayon habang nakatingin sa akin. “Akala mo madali lang sa akin ito, Isabelle?! Nasasaktan din ako! Nasasaktan ako sa nangyayari sa buhay mo ngayon dahil nararanasan mo na ang ganito kahit bata ka pa! Ginagawa ko ang lahat Isabelle para lang hindi ka matulad sa akin. Akala mo gusto ko ang buhay ko ngayon? Hindi! Hindi, Isabelle! Kaya sana iwala mo na ‘yang galit mo sa akin dahil ang gusto ko lang naman ay matulongan ka. Ako lang ang kakampi mo sa bahay na ito, Isabelle, kaya sana hayaan mo akong maging ate mo at tulungan ka,” mahabang sabi ni Ate. Muli akong napaiyak nang malakas at nanghina sa kanyang sinabi. Naramadaman ko ang yakap sa akin ni Ate Lara sa akin at paghimas niya sa aking likuran. “A-Ate, ayoko po makasal,” mahina kong sabi. “I know, Isabelle. Gagawa ako nang paraan para hindi matuloy ang kasal niyo ni Luke. Nandito lang ako para sa iyo, sis. Mahal na mahal ka ni Ate,” mahinang sabi ni Ate Lara at hinalikan ang aking buhok. Napapikit ako sa aking mga mata at mas lalo pang niyakap sa akin si Ate. Akala ko mag-isa nalang ako sa bahay na ito, nandito pa pala ang Ate Lara ko na akala ko ay kakampi nila Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD