Episode 21 WARNING: RATED SPG. THIS EPISODE CONTAIN THE ACTS OF VIOLENCE. READ YOUR OWN RISK. SLAP ISABELLE’S POINT OF VIEW. Ngayon ang pangalawang araw ni Luke sa Singapore at hindi ko siya kasama rito. Buti nalang talaga ay nakauwi na si Manang Rhoda rito sa bahay para may kasabay naman akong kumain at makausap. Kahit ano kasi talagang pilit sa ibang mga kasambahay na mapalapit sa akin ay napakatigas talaga nila at ang hirap nilang pakisamahan kaya tumigil na rin ako kasi baka nahihiya lang sila sa akin. Nandito ako ngayon sa room namin at hindi pumasok ang professor namin dahil may emergency siya kaya ang mga kaklase ko ngayon ay nagsasaya rito sa loob ng aming classroom. Ako naman ay hindi ko magawang magsaya dahil namimiss ko na rin ang presensya ni Luke. Busy siya ngayon kaya hi