Episode 20 Cat ISABELLE’S POINT OF VIEW. “Isabelle, nabigay mo na ba kay Clara ang photocopy?” tanong ng aking kaklase na si Philip. Napatigil ako sa ginagawa ko sa aking laptop at napatingin sa kanya. “Yes, Lip. Tapos ko na nabigay kay Clara tapos nasabihan ko na rin siya kung ano ang dapat ilagay sa manila paper doon,” sabi ko rito. Ngumiti siya sa akin at tumango. Nang makaalis na ito ay muli kong pinagpatuloy ang aking ginagawa sa aking laptop. May presentation kasi kami mamaya at kailangan na naming maghanda dahil hindi pa kami tapos. Sa nakalipas na dalawang buwan ay mas naging busy ako rito sa aking pag-aaral dahil marami na rin kaming ginagawa. Hindi ko akalain na marami pa pala silang ituturo sa amin at hindi lang tungkol sa pag de-design ng mga damit kund