Episode 22 HIDE ISABELLE’S POINT OF VIEW. Tahimik ako ngayon sa loob ng kotse ni Ate Lara habang nakasandal sa may gilid ng bintana ng kanyang kotse. Humahapdi pa rin ngayon ang malakas na sampal ni Daddy sa aking pisngi. Ayokong umuwi ngayon sa amin dahil sigurado akong makikita ni Manang Rhoda ang aking mga pasa sa mukha at sigurado akong tatawagan niya si Luke at si Tita Rachel kaya ayaw kong umuwi dahil ayaw ko ng gulo. Tahimik kaming dalawa ni Ate Lara nang makarating kami sa loob ng kanyang condo unit. Safe ako rito from daddy dahil hindi niya alam na may unit si Ate kaya hindi niya ako mahahanap kung hahanapin niya man ako. “Isabelle, umupo ka muna jan sa may couch. Kukunin ko lang ang first aid kit ko sa aking kwarto,” sabi ni Ate Lara at naglakad na papunta sa kanyang kwarto.