EPISODE 5: NO ESCAPE

2473 Words
For the past weeks, my sister helps me to stop my wedding with Luke Archer Coleman. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya pero sabi niya ay magtiwala lang ako sa kanya. Malaki rin ang pasasalamat ko kay Ate Lara dahil sa mga nakalipas na dalawang linggo ay hindi ako ginugulo ni Daddy. I don’t know what my Ate did kaya nananahimik ngayon si Daddy but I am so happy. “Ate Lara!” Agad akong napatayo nang makita kong pumasok si Ate sa loob ng bahay. Nakita sa kanyang mukha ang pagod at pagkabalisa. Magulo rin ang kanyang buhok at para siyang galing naglasing. Mabilis akong lumapit sa aking kapatid at inalalayan siya upang makaupo sa may couch. “Ate, what happened?” I asked. Napahawak si Ate Lara sa kanyang ulo at muling napatingin sa akin. Bahagya akong nagulat nang umiiyak siya habang nakatingin sa akin. “I’m sorry, Isabelle. I ruined everything.” Sabi ni Ate habang umiiyak. Kumunot ang aking noo habang nakatingin pa rin sa kanya. “What do you mean you ruined everything, Ate?” gulo kong tanong. Huminga siya nang malalim at muling nagsalita. “My original plan is to seduce Luke Archer Coleman, but I failed. I slept with another guy, and dad found out, and he wants me to marry that guy, Isabelle. Ipapabilis na rin ni Dad ang pagpapakasal mo kay Luke dahil gusto niya maging engrande ang kasal ko,” umiiyak na sabi ni Ate at muling tumingin sa akin. Hindi ako makapagsalita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na iyon ang gagawin ni Ate, ang akitin ang lalaking pakakasalan ko. Ginawa niya ‘yun para hindi lang matuloy ang kasal ko at hindi ako matali, ginawa ni ate iyon para sa kanya makasal si Luke at hindi sa akin. “I’m sorry, Isabelle. Alam kong sinabi ko sa iyo na tutulungan kita na hindi matuloy ang kasal niyo ni Luke pero mas pinalala ko pa lalo ang sitwasyon at dumoble pa ang problema natin,” umiiyak na sabi ni Ate habang nakayuko. Hindi ko mapigilang maawa sa aking kapatid. Lumapit ako kay Ate at niyakap siya. “Kakayanin natin ito, Ate Lara,” sabi ko. Tumango siya at niyakap din ako pabalik. Nakilala ko na ang lalaking ipapakasal kay Ate Lara at ito ay si Damon Adler Miller, a young businessman who owns luxury hotels in the Philippines. Kaya excited na rin ipakasal ni Daddy si Ate dahil mas lalong lalago ang kompanya namin. Kinukulit na rin ako ngayon ni Daddy at palagi niyang sinasabi sa akin na maghanda na ako. Hindi ko mapigilang mainis kapag naiiisip ko ang kasal ko sa lalaking nagngangalang Luke. Hanggang ngayon ay humahanap pa rin ako nang paraan para hindi matuloy ang kasal ko. Alam kong hindi na ako matutulungan ni Ate dahil ikakasal na rin siya. Ayaw niya rin na mag back-out sa kasal dahil malaki ang tulong nito sa kompanya. I know Ate Lara, kahit ayaw niya ay kaya niyang isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa mga magulang namin at ito rin ang gusto kong gawin, pero ngayon… sawang-sawa na ako. Gusto ko na maging malaya at gawin ang lahat ng aking mga gusto. “Isabelle!” Napatigil ako sa aking paglalakad nang marinig ko ang boses ni Daddy. Napaharap ako sa kanya at tinignan siya. “Makikipagkita ka ngayon kay Luke,” sabi niya. Kumunot ang aking noo at napailing. “No. Hindi pa rin ako sang-ayon sa kasal, Daddy. Ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko naman kilala!” Sinampal ako sa mukha ni Daddy kaya napatigil ako sa aking pagsasalita. Nanginginig ang aking mga kamay at hinawakan ang aking pisngi at muling napatingin kay Daddy. Nakatingin siya nang masama sa akin at kita sa kanyang mukha ang galit. “Wala kang kwenta! Buti pa ang Ate mo, walang problema! Ikaw, puro problema na lang ang dala mo sa pamilyang ito!” sigaw ni Daddy. Nakita kong nagmamadaling bumaba sa hagdan si Mommy at lumapit kay Daddy. “Because I’m not Ate Lara, daddy! I’m your youngest daughter! I am Isabelle, not Lara! Magkaiba kami ni Ate kaya h’wag kang mag expect na susundin ko lahat ang gusto mo!” sigaw ko pabalik. Muli akong sinampal ni Daddy kaya hindi ko na mapigilang mapaiyak ulit. “Jose! She’s still your daughter!” rinig kong sabi ni Mommy at pinakalma si Daddy. “Ang anak kong walang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko at bigyan ng maraming problema ang pamilyang ito!” sigaw ulit ni Daddy. Muli ko siyang tinignan at hindi ko na mapigilan ang panginginig sa aking katawan sa galit ngayon. Magsalita na sana ako nang makita ko ang pagtigil ni Daddy at panlalaki ng kanyang mga mata. “Jose!” “Daddy!” Inatake sa puso si Daddy. Agad namin dinala ni Mommy si Daddy sa hospital. Nandito kami sa labas ng emergency room habang hinihintay namin si Daddy. Kanina pa tahimik si Mommy sa aking tabi at tulala lang siya habang nakatingin sa pintuan ng emergency room. Hinawakan ko ang kamay ni Mommy ngayon pero mabilis niya itong inalis at tinignan ako nang masama. “M-Mom,” nauutal kong sabi. Sinampal niya ako at napatayo siya. “Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ang ama mo ngayon sa hospital! Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Isabelle? Kulang pa ba lahat nang binigay namin sa iyo?! May kulang pa ba, Isabelle?!” Umiiyak na sabi ni Mommy habang nakatingin sa akin. Napayuko ako at hindi mapigilang masaktan. Hindi ko magawang magsalita dahil hindi ko rin alam kung ano ang aking sasabihin. “Mom!” narinig ko ang boses ni Ate. Patakbo siyang lumapit sa amin at niyakap niya si Mommy. “Kumusta na si Dad?” Tanong ni Ate. Nagpunas ng luha si Mommy at humarap kay Ate. “I don’t know. Nasa loob pa ang daddy mo at ginagamot. Kung hindi lang sana siya sinagot-sagot ng magaling mong kapatid, e 'di sana wala rito ang daddy mo,” sabi ni Mommy at tinignan ako ng masama. Muli siyang umupo sa may bench at napatingin sa may pintuan ng emergency room . Naramdaman ko ang paghawak ni Ate Lara sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya. “Isabelle, it’s not your fault, okay?” sabi niya at maliit akong nginitian. Maliit din akong ngumiti at niyakap siya. Kahit galit ako kay Daddy ay mahal ko pa rin siya and he’s still my father. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito at kung ang kalayaan ko lang naman ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Daddy, titiisin ko nalang at tatanggapin ang magiging kapalaran ko. Naging maayos ulit si Daddy. Nagka mild stroke siya at dalawang linggo siyang na confined sa hospital. Hindi ko mapigilang isisi sa aking sarili ang nangyari kay Daddy. Hindi ako makadalaw sa hospital dahil natatakot ako, natatakot ako na baka may mangyari na namang masama kay daddy at ayaw kong mangyari iyon. Binibigyan naman ako ng mga updates ni Ate Lara sa progress ni Daddy sa hospital. Nakakalakad na siya nang kunti pero kailangan niya pa rin ng alalay. Nang nakauwi si Daddy sa bahay ay ginawa ko ang lahat para makaiwas at hindi siya makaharap. Pero kahit anong gawin kong pag iwas ay hindi ko pa rin magawa dahil kasabay ko pa rin silang kumain sa hapag kainan. “Isabelle,” tawag ni Daddy sa aking pangalan. Napatigil ako sa aking pag kain at napatingin kay Daddy. Malakas ang t***k ng aking puso ngayon at hindi maiwasan ang kaba habang nakatingin kay Daddy na seryosong nakatingin sa akin ngayon. “Y-Yes, dad?” Sabi ko. “You have a date tomorrow with your soon to be husband, Luke Archer Coleman. Don’t make stupid moves, Isabelle. H’wag mo akong ipahiya at huwag kang magtangka na humindi,” matigas na sabi ni Daddy habang nakatingin sa aking mga mata. Napalunok ako sa aking laway at nanginginig na napatango. “Y-yes, Dad,” mahina kong sabi. Tumango siya at muling pinagpatuloy ang pag kain. Napakagat ako sa aking labi upang maiwasang hindi mapaiyak. Napasulyap ako kay Ate Lara at nakita ko ang malungkot niyang mukha habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya upang ipakitang okay lang ako, okay lang ako… magiging okay rin ako. Ngayon na ang araw na makikita at makikilala ko na ang lalaking ipapakasal sa akin, si Luke Archer Coleman. Marami akong narinig tungkol sa kanya dahil malapit siya sa best friend ko na si Naime. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko ang tungkol sa nalalapit kong kasal. Hindi nila dapat malaman, ayokong malaman nila ang totoo. Hindi muna ako pinapasok ni Ate Lara sa trabaho dahil gusto niyang maghanda ako sa aking sarili sa pagkikita namin ni Luke. Gusto ko sanang matawa dahil hindi naman ako excited na makita si Luke at wala akong pakialam sa kanya. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin habang nakasuot ng isang simpleng blue fitted dress. Kahit gusto ko nalang mag suot ng jean at simple shirt ay hindi maaari, baka magalit na naman si Daddy at ako na naman ang sisisihin ni Mommy kapag may mangyari na namang masama sa tatay ko kaya h’wag na lang. Nang matapos na akong makapag-ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto at bumaba. Nang makarating ako sa may living room ay agad kong nakita roon si Daddy at Mommy nanonood ng TV. Napasulyap sa akin si Mommy at napatayo. Napatingin na rin sa akin si Daddy kaya hindi ko mapigilang kabahan. “Isabelle, you are so gorgeous!” sabi ni Mommy at lumapit sa akin. Ngumiti ako at hindi mapigilang matuwa sa sinabi niya. “Thank you, Mom,” sabi ko. “Make sure na wala kang gagawin na katarantadohan, Isabelle. Magpakitang gilas ka kay Luke Coleman,” seryosong sabi ni Daddy sa akin. Napalunok ako sa aking laway at napatango. “Yes, dad. I will not disappoint you,” seryoso kong sabi. Tumango siya. “Dapat lang. Umalis ka na at baka naghihintay na si Luke sa iyo sa restaurant,” sabi ni Daddy. Ngumiti ako at tumango. Hinawakan ni Mommy ang aking balikat at nginitian ako. “Enjoy your date, hija. Mag-ingat ka roon,” sabi ni Mommy. “I will, Mom. Thank you.” Nagpaalam na ako sa aking mga magulang at pumunta na sa restaurant kung saan kami mag me-meet ni Luke. Nang makarating ako sa restaurant at makaupo sa reserved table namin ay hindi ko pa nakikita si Luke. Naghintay pa ako ng ilang minuto sa kanya pero wala pa rin siya. Naiinip na ako at iilang tubig na ang nainom ko habang naghihintay sa kanya. Ilang ulit na rin na bumalik ang mga waiters sa akin upang tanungin kung mag o-order na ba ako. Hindi naman pwede na mag order na ako at umunang kumain habang wala pa ang ka date ko, ang ka date ko na kanina pa late! Na bu-bwesit na ako! Tatayo na sana ako nang may magsalita sa aking likuran. “Sorry, I’m late.” Sabi nito at umupo sa aking harapan. Hindi ko mapigilang matigilan nang mapatingin ako sa kanya. Ito na ba si Luke? “Are you Miss Isabelle Montenegro?” tanong niya habang inaayos ang kanyang suot na coat. Tahimik akong napatango. Bakit hindi ako makapagsalita? “Nice to meet you, Miss Isabelle. Sorry kung na late ako. May emergency meeting kasi kanina sa kompanya at kailangan ko itong puntahan,” sabi nito. “It’s okay. Hindi naman ako naghintay,” sabi ko at bahagyang ngumiti. Neknek mo, Isabelle. Kanina ka pa kaya naghintay sa bwesit na ito! “Let’s order? Gutom na rin ako,” sabi nito at tinawag na ang waitress. Tahimik lang kaming dalawa sa aming table. Walang gusto magsalita sa amin at busy kami pareho sa aming mga cellphone. Ka text ko ngayon si Naime at nag-aaya siya sa akin mag bar mamaya kaya gora lang ako. Pero kailangan ko mag-ingat kasi baka malaman na naman ni Daddy at atakihin na naman siya sa puso. Nang dumating na ang mga order namin ay tahimik kaming dalawa na kumain. Bahala na si Daddy sa sinabi niyang magpakitang gilas ako sa isang ito. Ano siya judge? Judge sa Pilipinas Got Talent para magpakitang gilas ako? No way. Natapos na kaming kumain at umiinom ako ngayon sa aking juice habang nakatingin kay Luke. Busy siya sa kanyang cellphone na parang may ka text siya. Bumuntong hininga ako at nagsalita. “I don’t want to get married. I don’t want to marry you,” masungit kong sabi habang nakatingin sa kanya. Ayaw ko man pumunta rito ay wala akong magagawa dahil pinilit ako ni Daddy. Baka atakihin na naman iyon sa puso at ako na naman ang sisisihin ni Mommy sa lahat. “Same. Ayoko rin makasal sa’yo,” sabi ni Luke Archer Coleman habang abala pa rin sa kanyang cellphone. “Hey, you!” tawag ko sa kanya. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. Tinaasan niya ako nang kilay na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Inis ko siyang tinignan at muling nagsalita. “Kung ayaw mo naman pala makasal sa akin, e’di huwag kang pumayag! Sabihin mo sa mga magulang mo na ayaw mo,” sabi ko. Ngumisi siya. “Sorry, Miss Isabelle. Nirerespeto ko kasi ang desisyon ni Mom at wala na akong magagawa pa tungkol sa kasal,” chill niyang sabi. Hindi ako makapaniwala sa kanya! “W-wala ka bang girlfriend? Mahal? Pinangakuan?” sunod-sunod kong tanong. Muli siyang napatingin sa akin at bahagyang napanguso. “Meron,” sabi niya. Kumunot ang aking noo. “Meron naman pala! Bakit hindi mo ipaglaban ang pag-iibigan niyo ng girlfriend mo?! Pakakasalan mo talaga ang babaeng hindi mo naman mahal at iiwan nalang ang girlfriend mo?!” sabi ko. Seryoso niya akong tinignan. “Narinig mo ba ang sinabi ko kanina, o bingi ka lang? Sabi ko wala na akong magagawa. Nire-respeto ko ang desisyon ng mga magulang ko at susundin ko ang gusto nila,” malamig niyang sabi. Galit akong napatayo at muling napaharap sa kanya. “Ano ka tuta?! Sunod-sunuran sa mga magulang mo?!” sigaw ko. Wala ba siyang sariling desisyon sa buhay?! Ganun nalang? Hahayaan niya nalang na makasal siya sa babaeng hindi niya mahal at makitang maghirap ang babaeng pinakamamahal niya?! Anong klaseng lalaki siya?! Kita ko ang inis sa kanyang mukha. Napatayo na rin siya at tinignan ako ng malamig. “Mind your own business, Miss Isabelle Montenegro. Kung ayaw mong makasal sa akin, doon ka sa mga magulang mo mag-reklamo at hindi sa akin.” Sabi niya at umalis na sa aking harapan. Hina akong napaupo at hindi mapigilang makaramdam nang labis na galit kay Luke Archer Coleman. Sisiguraduhin kong magiging miserable ka kapag nakasal ka sa akin!!! TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD