Chapter 33

2114 Words

PAGKA-INOM ni Candy ng tubig ay siyang tunog naman ng intercom sa kusina. Abala sa paghuhugas ng mga pinagkainan si Maring nang mga sandaling iyon kaya si Candy na ang naglakad palapit sa kinaroroonan ng intercom at sinagot ang naturang tawag. “Yes, Sir?” bungad niya. Wala namang ibang tatawag doon kundi si Mhorric lang. “Candy?” “Yes po.” Tila ba nakahinga pa ito ng maluwag nang makumpirma na siya nga ang kausap nito ngayon. “Makikibalat ng mansanas, padala na rin dito.” “Okay po. ‘Yon lang ba, Sir?” “Why too formal, Candy? You know that I hate it.” Hindi agad siya nakapagsalita. Hindi naman niya masabi na dahil naroon si Maring. Napalunok siya. Ang kaba na naman sa dibdib niya ay hindi niya maipaliwanag. Iyon bang parang may malaki siyang sekreto na takot siyang malaman ng iba. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD