“MABUTI naman, hijo, at nakabalik ka na. Welcome home. We missed you so much,” ani Donya Teresa sa apo na hindi napigilan na mahigpit na yakapin ang apong si Mhorric nang makabalik na ito sa bahay ng mga ito sa Ayala Alabang Village kasama si Candy. Sandali lang ang yakap na iyon dahil na rin sa ayaw pa ni Mhorric ng close contact sa lolo’t lola nito. Hanggat maaari ay nakadistansiya pa rin ito. Tinapik naman ito sa balikat ni Don Delfin. Hindi mapigilan ni Candy na mapangiti sa tagpong iyon. Kitang-kita kung gaano na miss si Mhorric ng lolo at lola nito. “Salamat, hija, sa pag-aalaga sa apo ko,” baling sa kaniya ng lola ni Mhorric. Lumapit ito sa kaniya at niyakap din siya. Matapos ang madamdaming tagpo na iyon ay iginiya na rin sila ng mga ito sa komedor upang mananghalian. Pagkatap