Chapter 32

2065 Words

NANG mahimasmasan si Candy mula sa pagkakaiyak at maisip na nakayakap sa kaniya si Mhorric, habang hinahagod-hagod ang kaniyang likuran ay para siyang nagising mula sa isang ilusyon. Para pa siyang napapasong lumayo rito. Bakas pa rin ang luha sa mga mata niya. “Ano’ng nangyari?” muli ay tanong ni Mhorric. Ang pag-aalala sa guwapo nitong mukha ay hindi maikakaila. “Kung ano man ‘yan, I’m here to listen. Kailangan mo ‘yang ilabas para hindi ma-stock sa dibdib mo. Mas ma-stress ka niyan at baka mas matuluyan ka pa sa pagkakaroon ng sakit. Gusto mo ba ‘yon?” Umiling siya. “Then talk to me. I know, hindi ka lang basta sinipon dahil nahamugan ka kagabi. Siguro ay iyak ka nang iyak.” Nang hindi pa rin siya magsalita ay hinawakan siya ni Mhorric sa magkabila niyang balikat at iginiya pabalik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD