NAGLILINIS ng kuwarto si Candy nang lapitan siya ng kaniyang kapatid na si Margaux. Magkasalikop ang dalawa nitong mga kamay. Bakas din ang pag-aalangan na lapitan siya. Pero nasa mukha rin nito ang determinasyon na makausap siya. Kauuwi lang kaninang umaga ni Candy sa kanila. Dahil walang magawa nang hapon na iyon kaya naman inabala niya ang sarili sa paglilinis ng kanilang inuupahan na bahay. Gusto rin niya na may gawin dahil ang isip niya ay tila ba naiwan sa kinaroroonan ni Mhorric. At napakabigat niyon sa kaniyang dibdib dahil ni hindi niya nagawang mamaalam dito ng personal. Ayaw niyang umasa sa mala-fairy tale na love story sa pagitan niya at ni Mhorric. Napaka too good to be true ng binata para sa kaniya. He has everything to offer. Habang siya… wala. Ni wala pa nga siyang napapa