One year later… NAPAKISLOT si Mhorric nang bigla na lamang makarinig ng ingay na nagmula sa ibinagsak na baso sa lamesa na kaniyang kinaroroonan. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Blair na agad namang naupo sa may karatig niyang bangko. Napailing-iling pa ito sa kaniya. “Ganiyan lang ba talaga ang gagawin mo kapag narito ka sa Leisure Club? Ang tumunganga sa kawalan? Men, hindi kita inaya na maging parte ng napakagandang lugar na ito para lang ganiyan ang gawin. Alam mo, nakakabastos kay Daizuke Niwa.” Tukoy pa ni Blair sa may-ari ng UHB Leisure Club na si Daizuke Niwa. May walong buwan na rin siya roong miyembro at masasabi niya na isa iyon sa magandang desisyon na nagawa niya para maibaling sa iba ang kaniyang atensiyon bukod sa kaniyang trabaho. Bumuntong-hininga