“WALA ka bang… naaalala sa akin?” Hinilot ni Candy ang kaniyang noo nang bigla ay umeksena sa kaniyang isipan ang tanong na iyon sa kaniya ni Mhorric. Bakit kailangan nito iyong itanong sa kaniya? Nagkita na ba sila noon? Pero wala naman itong nababanggit sa kaniya para maalala niya. Ni hindi nito direktang binanggit nang magkausap sila sa may terrace sa silid nito. “Ano ba ang ibig niyang sabihin?” naguguluhan pa niyang tanong. Napabuntong-hininga siya kapagkuwan. Tumingala siya sa madilim na kalangitan. Walang kabakas-bakas na bituin sa langit. Sa hindi kalayuan ay panay rin ang kidlat. Siguradong mamayang hating-gabi ay uulan. Isang hinga pa nang malalim bago niya ipinasyang pumasok sa loob ng malaking bahay. “Paano kung ayaw pa rin ni Sir na maglagay ng ointment na ‘yan?” naulanig