ISANG hapon ay naabutan ni Candy si Mhorric sa may terrace ng silid nito nang puntahan niya ito para pakainin ng meryenda nito. “Sir, meryenda,” untag niya rito. Umiling ito. “Kung prutas na naman ang dala mo, no thanks.” Napasulyap tuloy siya sa pinggan na may mga slice nga ng prutas. “Sir, masustansiya naman po kasi ito. At saka, ito po ang advisable na kainin ninyo para mas mapa—” “Para mas mapabilis ang paggaling ko,” pagpapatuloy nito sa kaniyang sinasabi. Nilingon na siya nito. “Ikaw na lang ang kumain niyan, mas mukhang kailangan ng katawan mo. Parang kapag umihip ang malakas na hangin ay madadala ka agad.” Pinagpasensiyahan niya ang sinabi nito. “Sir, okay lang ho ang katawan ko. Kahit ganito ito, kaya pong rumaket ng kahit na ano.” Lumapit siya rito at inilapag sa may ibabaw