LORD, bakit naman po dinala niyo pa sa harapan ko itong si Mhorric? Ako pa ngayon ang napapahiya sa kaniya… Nagbawi siya ng tingin at si Geraldine ang hinarap. Sa isip ay pinanlakihan na niya ito ng mga mata. “Wala pa,” sagot niya sa tanong nito kung dumating na ba si Vergie. Nang makita ni Geraldine si Mhorric ay natigilan pa ito. Mukhang namukhaan nito ang lalaki na kasama nila kanina sa hotel. “‘Di ba, ‘yan ‘yong isa sa ka-deal ng mga kasama natin?” impit na bulong sa kaniya ni Geraldine nang lumapit ito ng husto sa kaniya. “Ano’ng ginagawa niya rito?” “Hindi ko alam,” tanging sagot niya na tumikhim pa bago muling hinarap si Mhorric. Buking na rin naman siya. Kaysa magmaang-maangan pa na hindi siya si Candy ay itinigil na niya. Siya rin naman ang mapapahiya sa huli. Seryoso na ang