Chapter 38

2414 Words

SA ISIP ay paulit-ulit na pinaalalahanan ni Candy ang kaniyang sarili na kumalma lamang. Nagbawi na siya ng tingin at sinikap ding magpaka-casual sa harap ng mga taong naroon. Lalo na kay Mhorric Soliven na isang beses pang sumulyap sa kaniya. Nakilala ba siya nito? Sana naman ay hindi. Sandali pang nagbatian ang mga bagong dating at mga kasama nila ni Geraldine bago naupo sa naroong mga sofa. May magkatapat na dalawang mahabang sofa. Sa pagitan naman niyon ay mayroong single sofa, wala roong naupo. Nasa sentro niyon ang center table kung saan naman inilapag ang isang itim na attachecase. Mukhang doon nakalagay ang mga dokumento na pipirmahan mamaya. Kung kanina ay go pa ang pakiramdam niya dahil sa pag-aakalang walang ibang makakakilala sa kaniya, ngayon naman ay kabaligtaran. Iginiya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD