NAGISING si Candy bandang alas kuwatro y medya nang madaling araw. Hindi na siya nakatulog pa. Para bang namamahay ang kaniyang pakiramdam. Nang magising nga siya kanina, buong akala niya ay nasa hotel siya sa may Middle Town ng Pagbilao. Pero hindi. Nasa bahay pa rin siya ni Mhorric. Nakumpirma niya iyon nang lumabas siya sa silid na kaniyang tinulugan. Napabuntong-hininga si Candy matapos pihitin ang door knob ng main door sa condo unit ni Mhorric. Naka-lock pa rin iyon. Kung ganoon, wala pa ring chance na makaalis siya roon. Bumalik siya sa may salas at doon ay namaluktot ng higa. Ilang sandali lang siyang tulala bago nagawang ilibot ang tingin sa paligid. Malawak ang unit na iyon para sa isang tao lang. Sabagay, mayaman si Mhorric, kahit siguro buong floor area ng building na iyon ay