PINIGIL ni Candy ang sarili na maging emosyonal nang matitigang mabuti si Mhorric mula sa hindi kalayuan. Sa kabila ng mamaso nito sa mukha ay mas naliwanagan na siya sa totoo nitong hitsura. Mula sa mata nito na pinaka-paborito niyang asset nito noong una pa lang niya itong makita. Hanggang sa buo nitong mukha. Kaya pala ramdam niya sa sarili niya na noong una nilang paghaharap doon ay tila ba minsan na niyang narinig ang boses nito. Totoo pala ang hinala niya na binaliwala niya noong una dahil sa isip niya rin ay imposibleng nakahalubilo na niya ito noon. Sino ba ang mag-aakala na ito pala ang lalaking nagligtas sa kaniya mula sa ni-raid na bar dahil sa bentahan ng droga? Kung hindi dahil sa pag-eksena nito ay baka nasa bilangguan din siya ngayon. Kagat ang ibabang labi na medyo tumin