IKINURAP-KURAP ni Candy ang kaniyang mga mata. Umaasa na isa lamang aparisyon ang kaniyang nakikita. Pero hindi. Dahil totoong nakikita ng mga mata niya si Mhorric. Ibinababa na nito ang hawak na cellphone at isinilid sa bulsa ng suot nitong pantalon bago naglakad papunta sa kaniyang direksiyon. Iyong mga paa niya na animo ipinako na sa kaniyang kinatatayuan dahil sa sobrang shock. Kung ganoon, talagang alam nito kung saan siya ngayon nakatira. Pero paano? Pinasundan ba siya nito noong pauwi siya sa kanila galing sa Pagbilao City? Napalunok siya. Unti-unti niyang naibaba ang hawak na cellphone. Hindi talaga niya guni-guni lamang si Mhorric. “Mukhang hindi ka natutuwa na makita ako?” wika pa ni Mhorric nang tuluyan itong makalapit sa kaniya. “P-paano mo nalaman itong bahay namin?” “Pi