HUMIGPIT lalo ang pagkakahawak ni Mhorric sa kaniyang cellphone. Ni hindi niya iyon magawang ibaba matapos marinig ang busy tone. Senyales na wala na ang kausap niya sa kabilang linya. Napatanaw siya sa malayo. May hapdi sa kaniyang lalamunan nang siya ay lumunok. Nang makahuma ay muli niyang tinawagan ang numero ni Candy ngunit kina-cancel naman nito ang kaniyang tawag. Pinigilan niya ang sarili na maibato ang hawak na cellphone dahil sa frustration na nararamdaman. “Pasensiya na, Mhorric. Kung hindi mangyayari ‘yong gusto mo na mag-stay ako sa iyo. Ang dami kong kailangang i-consider. Hindi ko puwedeng unahin ang sarili ko. Hindi naman lingid sa iyo na breadwinner ako ng pamilya namin. Priority ko sa ngayon ang pag-aaral ng mga kapatid ko. At uunahan na kita kung igigiit mo na tutulun