“CANDY, puwede ka ba?” “Saan?” baling niya sa naging classmate niya sa TESDA na si Geraldine Sales. Naging malapit din ito na kaibigan sa kaniya dahil katulad niya ay breadwinner din ito. Nagkita sila nito sa isang kainan sa Mall nang araw na iyon. May nais kasi itong ipakiusap sa kaniya na nais nitong pag-usapan sa personal. “Eh, ‘di ba, sabi mo nga, negative ka naman sa binabalak mong pag-a-abroad. Sumama ka muna sa akin.” “At saan naman ako sasama sa iyo?” “Si bakla kasi may offer sa akin.” “Sinong bakla?” “‘Yong kapitbahay ko sa apartment na inuupahan ko, si Vergie. Puro big time ang hawak niyang raket. Eh, kailangan niya ng dalawang babae na pasok sa panlasa niya. ‘Yong maganda at may ibubuga mula ulo hanggang paa.” Tinaasan niya ito ng kilay. “At bakit ako ang tinawagan mo?”