KATATAPOS lang maligo ni Mhorric ng umagang iyon nang tumawag siya sa kusina para magpahatid ng kaniyang almusal. Bahagya ang pagsasalubong ng kaniyang kilay nang hindi si Candy ang makita niyang pumasok sa pinto nang bumukas iyon. “Si Candy?” kaswal niyang tanong sa kawaksi na si Maring. “Ah, Sir, pinasasabi po pala ni Candy na hindi muna niya magagawa ngayong araw na ito ang kaniyang trabaho sa inyo.” “Bakit?” “Masama po ang pakiramdam niya. Sinisipon din po kaya hihingi po siya ng isang araw na day off.” “Sinisipon?” Tumango si Maring. “Kagabi po kasi ay lumabas siya at tumawag sa pamilya niya. Nahamugan po siguro kaya sinipon. Ayaw naman daw po niya na makahawa sa inyo dahil halos magaling na kayo. Baka magkasakit pa kayo dahil sa kaniya. At saka po, masakit ang ulo niya kaya san