NAPAMAANG si Candy nang makita niyang nagkalat sa sahig ang dinala niya kaninang pagkain para kay Mhorric sa silid nito. Saglit niya itong iniwan kanina para magtimpla ng ipapainom niya ritong herbal juice. Pagkasara sa pinto ay agad niya itong nilapitan. Galit ang mababakas niya sa mukha nito. “Lumabas ka muna,” mariin nitong wika sa kaniya hindi pa man siya nakakapagsalita. “Ano ba’ng nangyari, Sir? Sinayang mo pa ‘yang mga pagkai—” “Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa kaya umalis ka at iwanan ako rito!” Sandali siyang nawalan ng masasabi dahil sa pagtataas ng boses nito sa kaniya. Ano naman kaya ang nangyari ngayon? Dahil na naman ba sa ex nito? Sa isip ay napailing siya. Hindi worth it paglaanan ng emosyon ang ex nitong nanggago rito. Hindi siya natinag sa pagbulyaw nito. Ok