“NAMI-MISS mo na ba ang pamilya mo?” Mula sa pagkakatulala sa kawalan ay napakurap-kurap si Candy bago nagbaling ng tingin sa kaniyang kanan. Naroon si Inang Ason. Saka lang niya napansin ang presensiya nito. Nang mga sandaling iyon ay nasa may gilid siya ng bahay at nakaupo sa isang upuan na may sandalan. “Medyo po,” aniya. Naupo sa tabi niya si Inang Ason. “Pansin ko lang na wala kang gamit na cellphone. Hindi ka ba nagdala para man lang makatawag ka sa inyo?” Umiling siya. “Iniwan ko po sa kapatid ko at nasira ang cellphone niya.” “Kaya pala. Paano mo sila makukumusta niyan?” Sinikap niya ang ngumiti kahit na ang totoo ay napapaisip din siya nang mga sandaling iyon kung kumusta na nga ba ang kaniyang pamilya? Napabuntong-hininga siya. “Sigurado naman po na okay lang sila,” tiwala