Chapter 21

2126 Words

“ANO’NG pinagkukumpulan ninyo riyang dalawa?” untag ni Candy kina Tala at Maring na naabutan niya na parehas na nakadungaw sa labas ng malaking bahay. Hinila siya ni Maring at saka siya pinaggitnaan nito at ni Tala. Pagkuwan ay itinuro ang tinitingnan ng mga ito kanina pa. “Si Sir Mhorric, hayon at nakatambay sa may kubo,” ani Maring sa kaniya. Sandali siyang nawalan ng masasabi habang nakatuon ang tingin sa hindi kalayuan kung saan naroon si Mhorric. Kahit nasa malayo ito, bakit tila kilalang-kilala na niya ang bulto nito? Huminga siya nang malalim para paluwagin ang kaniyang paghinga. Malawak din ang lupa na kinatitirikan ng malaking bahay ng mga ito. At sa kubo na kinaroroonan nito ay over looking din mula roon ang Taal Lake. Sumilay ang ngiti sa labi niya. “Okay ‘yan, naiisipan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD