Chapter 08

1713 Words

MATAPOS tadtarin ng pinong-pino ang bawang sa sangkalan ay inihalo na niya iyon sa basong may pinigang kalamansi sa maligamgam na tubig. Hinalo niya iyon ng kutsara. Matapos iyong haluin ay ipinatong na niya iyon sa platito na babasagin. Ipapainom niya iyon kay Mhorric. Mainam din iyon dito para matuyo na agad ang tumamang mamaso rito. "Ipapainom mo ‘yan kay Sir?" usisa ni Tala nang makita ang tinimpla niya. Tumango siya. "Oo. Tutal ayaw niya ng gamot. Saka mas epektibo rin ito sa mamaso niya dahil doktor ang nagsabi nito sa kaibigan kong nurse noong magkasakit ng mamaso ang anak niya. Three days lang niyang pinainom tapos gumaling na." "Ang tanong ay kung iinumin kaya niya ‘yan?” bakas ang pagdududa sa boses at hitsura nito. “Naku, nakikini-kinita ko na ang pag-ayaw niya riyan sa herba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD