LIHIM na ikinatuwa ni Candy nang maubos ni Mhorric ang pagkain na inihatid niya rito. Nang matapos ito sa pagkain ay tumayo siya at dinala naman dito ang gamot nito. “Inumin mo naman po ito, Sir,” wika niya. Tiningnan lang nito iyon. “Iwanan mo lang ‘yan diyan.” Napatitig siya sa gamot na nakalagay sa isang platito na babasagin na hawak pa rin niya. Pagkuwan ay ibinalik kay Mhorric. “Sir, duda ako na iinumin ninyo ito kapag iniwanan ko lang dito. Baka itapon niyo lang sa basurahan o sa toilet bowl. Inumin mo na po habang narito pa ako.” “Bakit ba napakasigurista mo? Kasama ba ‘yan sa suweldo mo?” pagsusungit na naman nito sa kaniya. Tumayo na ito at muling hinayon ang banyo. Huminto pa ito at muli siyang nilingon. “Baka naman hanggang sa banyo ay gusto mo pang sumama?” Nag-init ang m