NAPAHINTO sa akmang pag-akyat si Candy sa may hagdanan nang makita si Tala na may kasamang babae na papasok sa may pinto ng malaking bahay na iyon. Hindi niya maiwasan ang magtaka kung sino iyon. Maganda ang babae, poise na poise ang bawat galaw. May katangkaran din ang balingkinitan nitong katawan. Mukhang mayaman dahil sa suot at branded na shoulder bag. Maging ang mukha niyon ay napakasopistikadang tingnan dahil sa makeup. Tumutunog din ang bawat hakbang nito sa marmol na sahig dahil sa suot nitong high heels sa mga paa. “Candy, pakisabi kay Sir Mhorric na may bisita siya,” ani Tala sa kaniya. “Ma’am maupo po muna kayo,” ani Tala sa babae na iminuwestra pa ang upuan sa may salas. “Ano pong pangalan nila, Ma’am?” magalang pa niyang tanong para masabi niya sa amo kung sino ang dumating